Chapter 45: Personal Bodyguard/Slave?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pwede mo ding isipin or gawing slave si Liam Ms. Anderson.Depende sa gusto mo."nakangiting sabi ni Lolo kay Zey

"Lolo!"sigaw ko

Napatawa naman si Zey

"Pano kung ayaw nya?"tanong nito kay Lolo

"Pag hindi nya sinunod ang utos ko.His bank accounts will be block.No more moneys apo."

Napanganga naman ako sa sinabi ni lolo

What?!Block?

"Wait wait wai--"di pa ko tapos magsalita ng tumayo na si Zey

"Okay."sabi nya at tumingin sakin

"C'mon slave,late na tayo at nag aantay na yung kapatid mo sa kotse. Tara na kung ayaw mong mawalan ng pera."sabi nya at naglakad na palabas ng bahay

Ako naman ay galit na tinignan si Lolo

Natawa naman sya at tumayo na

"Just do it.Or else..."

"Fine!"galit na sabi ko at padabog na lumabas ng bahay

Kaya eto!Ambilis akong utusan ng walangyang babaeng yan!

Napakalakas naman kasi ng tama ng tatay ng babaeng yan at gusto pang magkaron ng personal bodyguard ang anak nya.Ay mali!Bakit kasi ako pa!!

"After natin mag isang run ulit ng tugtog pwede na tayo umuwi and sa saturday na ulit yung next practice.. Meron na lang tayong 2 weeks para magprepare.. I hope tayo ulit maging champion this year.."nakangiting sabi ni Henz

"Panigurado yan!"sigaw ni Pier

"Oo.Sureball yun tayo talaga mananalo"nakathumbs up na sabi ni Carl

Nailing na lang ako

Nag isang run pa kami ng tugtog at ng matapos na ay sabay sabay na kaming nagpunta ng parking lot

"Deil san ka sasabay?"tanong ni Zey

"Uhm,magcocommute na lang siguro ako.."sagot ni Deil

"Ako na lang maghahatid kay Deil"presinta ni Henz at pumayag na lang din si Deil

Sumakay na ko ng kotse at akmang papaandarin na yun ng makita kong di pa din pumapasok si Zey. Tsk.

"Papasok ka ba o maiiwan ka dito?"tanong ko sa kanya

Tinignan naman nya ko ng walang emosyon sa mukha

"Ganyan mo ba tatratuhin master mo ha? Slave?"

"Pwede ba!Tigilan mo nga ang kakatawag sakin ng slave!"bulyaw ko sa kanya dahil sa inis

Natawa naman sya at nailing

"Open the door for me slave.."sabi nya

"Ayoko!"

"Okay then. Tatawagan ko si Mr. Brugger at sasabin kon--"pinutol ko ang sasabihin nya at padabog na bumaba ng driver seat tsaka lumipat sa kabila at binuksan ang pinto ng sasakyan

Natatawang pumasok naman sya ng kotse

Tinignan ko muna sya ng masama bago padabog na sinara ang pinto.

Nakakainis ka talagang babae ka!

-----

Walang imikan kaming dalawa habang nasa elevator.

Busy lang sya sa kakacellphone nya habang ako ay tinititigan lang ang numero sa elevator habang paakyat ito.

"Tss."

Napatingin ako kay Zey ng magsalita ito

"What?"tanong ko

Napatingin naman sya sakin

"Anong what?"

Tinaasan ko sya ng kilay

"Nagsasalita ka dyan mag isa.Ano ka baliw?Tsk."

Umiling naman sya at tinapat sa mukha ko ang screen ng cellphone.

"Hindi kita kinakausap okay?"sabi nya at naglakad na palabas ng elevator ng tumunog ito

Psh.

Bakit ba kasi katabi ko yung unit ng bwisit na babae na to?Tsk.

Inis na pumasok ako sa condo unit ko at binaba ang mga gamit sa kwarto tsaka nagpunta sa cr para maligo.

Matapos kong maligo ay naupo ako sa kama habang hawak ang papel na nakuha ko sa kwarto ni Hazel..

Di ko pa nababasa kung anong nakasulat dito..

Napapikit ako ng maalala ko na naman ang aksidenteng nangyari noon..

Hinding hindi ko talaga malilimutan yun.Sadya man o hindi pinatay pa rin ng taong nagmamaneho ng kotse na yun ang taong mahal ko.Pagbabayarin ko sya.

Wala sa sariling binuklat ko ang papel at binasa ang nakasulat.

Sa tingin ko ngayon ko na mahahanap ang taong may kagagawan ng pagkamatay mo Hazel.Pagbabayarin ko sya.Pangako ko yan.

----

AUTHOR'S NOTE!!

Hi guys!! Gusto ko lang ulit magpasalamat sa patuloy na pagsuporta at pag abang nyo sa story ko 🤧 Alam kong matagal na natengga to sa library nyo 😂 Inaamag na nga siguro HAHAHA pero super duper thank you dahil inabangan nyo pa rin sya after 1 year 😊 Sobrang salamaatttt!!

Enjoy readinggg this new chapterrrrr!! Labyu all.. Mwaps 😚

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon