CHAPTER 3 : COMMENT

25 10 0
                                    


CHAPTER 3

Habang kumakain, hindi ako masyadong tumitingin sa gawi nina Ymir. Dahil alam kong mas lalo lang akong masasaktan.

Teka, ako? Masasaktan? Never? Bakit nga ba ako masasaktan eh hindi ko naman siya gusto.!

Shet. Oo, nga pala inamin ko na kay mommy na na-aatract ako sa kanya. Sabagay, na-aatract lang naman ako pero hindi ko siya crush.

"Nay tapos na po ako" sabi ko kay nay Josie.

"Ayy, iha. Maghugas ka na ng kamay mo. Halika samahan na kita" tumango ako at sumunod kay nay Josie.

Pagkarating namin sa kusina nila ay agad na kaming naghugas ng kamay.

"Iha, kumusta na pala ang mommy at daddy mo?" Nakatitig si nay Josie sa akin.

"Ayos naman po sila. Pero madalang lang po silang umuwi dahil sa work" sabi ko.

"Teka,. iha bakit ka nagpalit ng damit mo?" Napansin yata ni nay Josie. Putek.

"Ahm. Feeling ko po mas kumportable po ako sa suot ko ngayon" nag-smile ako.

"Alam mo. Sobrang natutuwa ako dahil nandito ka. Naaalala ko nung mga araw na yung nanay mo yung laging nandito. Sobrang close sila nung anak ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari" sabi niya.

Bigla akong nalungkot dahil naalala ko yung kwento ni mang Ruben. Umiyak siya dahil naalala niya yung namayapa niyang anak.

"Ano po ba ang totoong nangyari sa anak niyo?"tanong ko. Biglang nag-iwas ng tingin si nay Josie.

" Ang sabi nila nahulog daw siya sa bangka kaya siya namatay. Pero iba ehh. Sanay na iyong anak ko na nakasakay sa bangka kaya imposibleng nahulog lang siya ng basta-basta. Lalo na't hindi lang siya ang nandoon" sabi ni nay Josie.

Ano kayang totoong nangyari? Ang alam ko ay kasama din doon si mommy at daddy.

"Sorry po sa tanong ko. Curious lang po kasi ako ehh"sabi ko.

"Ayos lang iyon. Basta mahalaga nandito ka ngayon. Halika na bumalik na tayo doon. Baka hinihintay na nila tayo" Sabi ni nay Josie.

"Sige po" sambit ko.

Pagkabalik namin doon ay nagliligpit na sila ng pinagkainan.

"Tutulong po ako" sabi ko saka kinuha yung mga baso.

"Huwag. Naku, iha kami nalang. Bisita ka rito kaya't hayaan mo na kami" sabi ni Nay Josie.

Tumango ako at binitawan ang mga basong hawak ko. Pumunta ako sa tabi ng puno. Dahil may upuan na kawayan doon. Doon ako umupo at minamasdan ko sila.

"Donna, halika nga. Tulungan mo ako" sabi ni Nay Josie.

Forevermore [On-going]Where stories live. Discover now