CHAPTER 2 : SELOS

35 16 0
                                    


CHAPTER 2

" uhm Ymir, lalabas na ako. Baka hinihintay na ako ng mga kaibigan ko " Sabi ko at saka tumalikod at nagsimulang maglakad ngunit muli siyang nagsalita.

" Sorry " He said. Bumuga ako ng malalim na hininga at ipinagpatuloy ang paglalakad palayo sa kanya.

Hindi niya kayang tumingin ulit sa mukha ni Ymir. She can't stop herself for looking at Ymir's face. Na parang kinakabisado niya ang bawat hitsura nito. Parang nababaliw siya kaiisip kung bakit siya nagka-affection sa lalaking iyon.

" oh Wendy, Saan ka ba nanggaling ha? Kanina pa kami tapos magfill-up ng forms. Ikaw ba tapos ka na ? " Therese asked.

" uhm, galing ako sa bathroom nagpalit lang ako ng damit nadumihan kasi eh. Saka tapos na rin akong magfill-up kanina eh. So, let's go na?" I asked them.

" Maglibot muna kaya tayo dito " Julian suggested.

" I think I got headache. Gusto ko nang magpahinga. Pwedeng bukas nalang. I already called Mang Ruben Papunta na siguro iyon dito para sunduin tayo. " I suggested.

" Mabuti pa nga. Putlang-putla ka oh. Tara na nga" Hinila ako ni Abiel. Siya yung pinaka-caring sa lahat ng mga kaibigan ko. Saka siya rin pinaka-close ko sa kanilang lahat.

" Miss nasaan na iyong mga forms niyo. Kailangan ko na iyong isubmit sa Principal's Office. " Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malamig niyang boses.

" Uh. Heto. " Sabay bigay ni Therese sa mga forms sa kanya. Hindi ako makalingon kay Ymir. Ewan ko kung bakit. " Saka uuwi na kami. Masakit yung ulo ng kaibigan namin. Thank you sa pagtulong sa amin" Therese said in a soft voice. She has a brilliant voice that I admire. Everytime na kakantahan niya kaming magkakaibigan, halos kaming lahat ay tulog.

" Ah ganon po ba ? " Tinignan ako ni Ymir. Hindi ko man masyadong makita pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin. Bigla nalang akong napatingin sa kanya, and then he looked away. Sabi ko na nga ba eh nakatingin siya.

" Tara na guys. Julian can you accompany me? " I asked Julian.

" Sige. Namumutla ka na . Kailangan na nating umuwi" Inakbayan ako ni Julian. May narinig kaming malakas na pagkabasag sa bandang likod naming. Syempre tumingin kami doon. And then, we saw Ymir.

" Sorry po. Ako na po ang bahala sa nabasag ko. " He said saka niya sinabunot yung buhok niya habang naglalakad palabas.

" Anong nangyari dun? " Abiel was confused. Ayokong mag-assume pero sa tingin ko----- gosh. Never pa akong nag-overthink.

" Tara na, pagod na talaga ako." I said saka sila sumunod sa akin.

_____________________________

Nakauwi naman kami ng maayos at mapayapa. Hinatid namin ni Mang Ruben ang mga kaibigan ko at tuluyan nang umuwi. Simula nung nangyari sa banyo hindi ako makatingin kay Ymir ng maayos. I don't know. Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan. It's my first time to stare on someone.

" Ma'am Wendy may bisita po kayo" Sabi ni Manang Sally. Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga sa kama. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto at tumambad aking harapan si Manang sally na may hawak na paper bag.Binigay niya iyon sakin.

Forevermore [On-going]Onde histórias criam vida. Descubra agora