"Che!" nagbabakla-baklaan pa siya.

Pinipilit nga niya 'kong lagyan pero umaayaw ako. Tinanggal niya din naman yung makeup sa mukha. Andami nga niyang nagamit na makeup remover. Ang kapal kasi niya maglagay! Haha!

I really find him so adorable.

"Hoy, Kean! Tama na nga 'yan!" at hinila ko na siya palabas ng Watsons.

"Ang kati naman nitong blush on na 'to!" sabay bura bura niya sa may pisngi niya.

 

"Ayan, kulit mo kasi! HAHAHA!"

 

"Queenie? Kean?" bigla kaming may narinig na tumawag sa mga pangalan namin kaya napalingon kami.

 

"Kara?" nakita kong biglang nagbago ang expression sa mukha ni Kean. Kung kanina nakatawa, ngayon parang nakasimangot.

"Hi, Kara!" bigla akong lumapit kay Kara at bineso siya. Lumingon ako sa kasama niya, "Hi, Jeff!" ngumiti lang siya as his response.

"Teka, ba't magkasama kayo?" tanong ni Kara na kami ni Kean ang tinutukoy at binigyan niya lang ako ng nanunuksong tingin.

"Oy oy! Nagkita lang kami sa may entrance noh at sinamahan niya lang akong bilhin 'to." sabay taas ko ng supot na dala ko. "Eh kayo, ba't kayo magkasama?" pabulong na tanong ko kay Kara habang tinitingnan si Jeffrey.

Nakita kong namula si Kara kaya napatawa nalang ako.

 

"Hi, Kara." biglang bati ni Kean sabay lapit sa 'min.

Nag wave lang si Kara at binigyan siya ng cheerful na ngiti.

Napatingin ako kay Jeffrey at nakita ko siyang nakatitig ng masama kay Kean.

OMG! Is he jealous? Is he already falling in love with my best friend? Ayeeee! Sabi ko na eh!

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan lang sina Kara at Jeffrey at sabay na nagkibit-balikat.

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now