Chapter 20

103 2 0
                                    

QUEENIE'S POV

Natapos na lahat mag deliver ng mga messages ang 18 candles ko.

Matapos ideliver ni Kara ang message niya para sa 'kin, lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.

Naiyak ako sa message ni Kara. Nasira nga ang makeup ko eh. Ayun, kinailangan ko pang mag retouch.

Pero sobrang touched talaga ako! Ang haba pa ng speech niya at nahalata ko pang kinakabahan siya. Natawa tuloy ako! Ang cute talaga ng best friend kong 'to!

Habang nagdedeliver siya ng message niya, lalo kong narealize kung gaano ako kaswerte na magkaroon ng isang kaibigan na tulad niya. Sa tuwing kailangan ko siya, palagi siyang andyan para sa 'kin. Hindi lang sa 'kin, kundi sa lahat ng mga kaibigan niya.

Napangiti ako habang naiisip 'yon.

She has a good heart. She's so kind and sweet.

No wonder why Kean fell for her.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan ng lungkot pero pinilit kong ngumiti ulit dahil baka mahalata ako ni Kara, ng mga bisita.

Kahit ang totoo, nasasaktan ako.

Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ako nainlove kay Kean. Dapat pinigilan ko na 'to nung una palang at tinatak sa isipan ko na hanggang magkaibigan lang dapat kami.

I Think I'm Falling (ongoing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora