Chapter 32

64 3 0
                                    

Chapter 32

Jeffrey Chua

Bianca calling...

Napakunot lang ang noo ko.

Bakit siya tumatawag?

Napatingin si Kara sa screen ng phone ko at halatang nagulat din siya.

"Hindi mo pa ba sasagutin 'yan?" tanong niya.

"Okay lang ba kung sagutin ko muna?"

"Huh? Bakit ka nagpapaalam sa 'kin? Sagutin mo na. Baka importante 'yan."

Sinagot ko na ang tawag at bumalik na sa upuan si Kara.

"Bianca?"

Naririnig ko lang siyang humihikbi sa kabilang linya.

"Wait, are you crying?"

[Jeff, where are you?]

"Bakit? Anong nangyari?"

[Pwede mo ba 'kong sunduin dito sa Bellisima Cafe?]

"Pero Biancs, kasama ko kasi ngayon si---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nasa tabi ko na pala si Kara at bigla niya 'kong hinawakan sa braso.

She mouthed, "Ano pang ginagawa mo dito?"

"Sandali lang, Biancs ha." sabi ko sabay takip ng speaker.

Humarap ako sa kanya, "Kara,"

"Jeff, baka eto na 'yung chance mo kay Bianca. Ano pa bang hinihintay mo? Puntahan mo na siya."

Napailing lang ako habang nakakunot ang noo ko, "No. Hindi kita iiwan dito. Kara, t---"

Tumawa lang siya ng bahagya, "Sino namang nagsabi sa'yo na magpapaiwan ako dito?"

Hindi ko alam kung totoo ba 'yung tawa niya o kung pilit lang.

Biglang sumikip ang dibdib ko.

Bakit niya ako tinutulak papalayo sa kanya?

[Jeff? Jeffrey?]

"Yes, Biancs?"

Humihikbi pa rin siya, [Please?]

Bakit ba ako naguguluhan kung anong dapat kong gawin?

Hindi ba dapat matuwa ako kasi si Bianca na 'tong nag re-reach out sa 'kin?

Kara, sabihin mo lang sa 'kin na 'wag akong umalis, hindi ako aalis. Dito lang ako sa tabi mo.

"Jeff,"

Napalingon ako kay Kara at nakita ko siyang bitbit na ang bag niya.

"Tara na." sabi niya at nauna na siyang maglakad.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil siya na ang nag desisyon na puntahan ko si Bianca.

Napalingon ako sa table at nakita kong iniwan niya lang doon 'yung bouquet na binigay ko.

Parang nakaramdam ako ng saksak sa dibdib ko.

Kinuha ko ito at lumabas na rin ng restaurant.

"I'll be there in 20 minutes, Biancs." sabi ko sabay baba ng tawag.

Nakita ko si Kara sa labas nakatayo kaya lumapit ako sa kanya, "Kara,"

Napalingon naman siya sa 'kin at nakita niya agad ang bouquet na hawak ko.

Napatingin ulit siya sa 'kin.

Inabot ko 'to sa kanya, "Iniwan mo lang kasi 'to sa loob."

"Sorry, nakalimutan ko." natatawa niyang sabi sabay kuha ng bouquet.

May dumaan na taxi at nagulat ako na pinara niya ito.

Binuksan niya ang pinto, "Mauna na ako ha."

Hinawakan ko siya sa braso, "Bakit ka mag tataxi? Ihahatid na kita."

"Wag na, Jeff. Baka makaabala pa 'ko eh."

"Kara naman. Hindi-hinding ka makakaabala sa 'kin. Ako ang nagdala sa'yo dito kaya ako ang dapat na maghatid sa'yo pauwi. Halika na, ihahatid muna kita."

Bumitaw lang siya sa pagkakahawak ko sabay ngiti ng konti, "Wag na nga lang. Inaantok na rin ako eh. Thank you pala sa dinner tsaka dito." sabi niya sabay taas ng bouquet.

"Pero---"

"Good luck, Jeff. Bye." sabi niya at pumasok na siya ng taxi.

Nag wave goodbye pa siya bago tuluyang makaalis ang taxi.

Bakit ako nasasaktan?

Bakit ganon lang kasimple lahat para sa kanya?

________

*to be continued

I Think I'm Falling (ongoing)Where stories live. Discover now