CHAPTER 4

8.4K 239 11
                                    

THALIA ISABELLE

Naka-simangot akong dumating sa bahay ko at sinalubong naman nila akong lahat kaya imbes na pumasok ako ay napaatras pa ako. Wow, full force ah?

"Anong sabi ng Daddy mo, Queen?" tanong ni Silver sa akin. "Nagalit nung una syempre tas he asked me to bring Jash here in Philippines." sabi ko sa kanila at pumasok na sa loob. Tinanggal ko ang sapatos ko saka sinuot ang tsinelas na pambahay. "So, uuwi ka ng Netherlands?" tanong ni Hansel.

"No way. Siya ang pupunta dito. Tutal pinagpipilitan niya na kasal pa rin kami so its better if he will meet my family formally." sabi ko sa kaniya at umakyat na sa kwarto ko. Alam ko na sasabihin niya 'yon sa boss niya ora mismo. Ini-lock ko muna ang pinto ng kwarto ko saka kumuha ng bath robe saka yung cellphone ko.

Gusto kong magbabad ngayon sa bath tub dahil nakaka-stress ang araw na ito.

Afterwards umupo na ako sa may bath tub na may bula. I rested my head on something saka kinuha ang phone ko at sakto naman na may tumatawag kaya pinunasan ko ang aking tenga.

Brickser calling...

I smirked and shook my head sabi ko na nga ba e. I answered the call.

"Oh?"

"Hansel told me that your family wants me to be there."  Hindi man lang nagawang pagtakpan ang tauhan. Backstabber.

"Yes. That's true." walang gana kong sang-ayon sa kaniya at ipinikit ko ang aking mga mata.

"All right expect me to be there tomorrow, babe. See you."  he stated and ended the call.

Du'n ako napamulagat ng mga mata. What the hell?! Napaahon ako kaagad mula sa bath tub saka naghugas nang mabilisan saka nagpunas ng katawan at isinuot ang aking bath robe.

Syempre bago ako humarap sa kanila ay nagbihis muna ako ng pang-tulog ko. Halos patakbo akong bumaba mula sa hagdan kaya nasa akin ang atensyon nilang lahat dahil sa yabag ng mga paa ko.

"Hansel, Jash called me." I started and Hansel just look at me plainly saka nag-kibit balikat. "He's coming here in the Philippines. Agad-agad na 'yon? Hindi ba ang dami nung trabaho?" tanong ko sa kaniya.

"Na dumami pa lalo dahil umalis ka." dugtong niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Kailangan pa bang sabihin yon? Sama talaga ng ugali neto nagmana sa amo niya. "Tell him to stay in the hotel and not here." yun na lang ang nasabi ko.

"No, Thalia. He will go straight here." sabi niya kaya pinameywangan ko siya. "At sino ka para patuluyin siya dito?" maanghang kong sabi, mas maanghang pa sa siling labuyo, he raised his two hands in the air. "Woah. Huwag kang magalit sakin dahil 'yun ang desisyon niya, Thalia." sabi niya pero pinag-krus ko na lang ang mga braso ko.

"Make sure that you locked the door. Patayin niyo yung ilaw dito sa salas at i-ilaw lang 'yung kusina. Don't turn off the air con, 24/7 'yan na naka-bukas." bilin ko sakanila saka umakyat na ako sa kwarto ko.

May 3 akong guest rooms dito at du'n ko siya papatuluyin. Putangina talaga.

Maaga akong nagising o sabihin natin na di ako naka-tulog kasi imagine 2 years kaming di nagkita?! Just what the hell. Kahit naman ganito ay may pinagsamahan kaming dalawa. Argh!

Tumingin ako sa wall clock na naka-sabit sa pader ko. Alas-sais pa lang ng umaga. Kaya agad akong naligo saka nagpalit ng casual lang na outfit. Grey shirt at high waist black pants. Dala-dala ko ang cellphone ko nung bumaba kaya naman pagka-angat ko pa lang ng tingin ko ay prenteng naka-upo na du'n si Jash kasama ang kaniyang mga alagad.

The Mafia's QueenWhere stories live. Discover now