Sa bilyon-bilyong tao sa mundo, bakit kailangan ako pa ang magdusa at makaranas ng ganitong buhay. Ang gusto ko lang naman ay ang isang tahimik at payapang buhay. Hindi ako nangarap ng mataas para sa sarili ko dahil alam kong tatapakan lang din naman nila ang pangalan ko gaya ng ginagawa nila ngayon sa akin.
I never wanted this kind of life! Sino ba naman ang may gusto? Sino ba naman ang babaeng may gustong tawagin siya sa mga katagang pokpok, bobo, inutil, pakarat.
I hate it! I hate this fvcking life!
Hindi ko naman pinangarap na mamuhay ng ganito. Gusto ko lang naman ay makapag-aral sa Maynila at makapagtapos ng kolehiyo. Iyon lang! Pero dahil sa isang pagkakamali lang, unti-unti nitong sisirain lahat ng plano mo sa buhay.
Isang pagkakamali lang!
Sawang-sawa na ako. Kinuha na ang lahat sa akin. Iyong pangalang pinaghirapan kong buuin ng ilang taon, ayun, nabasag. Gusto ko mang buuin muli ngunit sa bawat paghawak ko ng bubog, masusugatan lang muli ako. Mabibigyan na naman ng dahilan ang tao para kutyain, ibaba, lahat na!
Dahil sa 'yo.
Ikaw.
Kilala ka hindi lang sa ating paaralan kundi sa buong mundo. Sikat, mayaman, mayabang. Sa tingin mo ay porket nasa ganyang estado ka na ng buhay, magagawa mo ng talikuran ang isang tulad ko.
Iniwan mo ko.
Iniwan mo ako sa ereng nag-iisa.
Dapat kasama kita ngayong harapin ang bagay na ito.
Hindi 'yung ako lang ang nagpapakahirap at nagdurusa ng ganito.
Well, hindi na ako magtataka. Dahil puro pagpapakasasa lang naman ang alam mo. You even don't know how to handle a fragile heart. Ang alam mo lang ay kung paano ito basagin.
You ruined me.
You ruined my name.
And you ruined my life.
Masyado kang takot sa panghuhusga. Hinugasan mo ang kamay mo at lumipad patungong ibang bansa. Duwag, hindi ka tunay na lalaki.
But this time, I won't let you to ruin again me, my name, and my life. Hindi na ako papayag.
Dahil sa muli kong pagbangon, kasabay ito ng paglimot ko sa 'yong ngalan. Kasabay nito ang paghihiganti kong matapakan ang iyong nagmamalinis na pangalan.
This time, I will ruin your world.
This time, ako naman.
"Wala ka ng karapatan pang pumasok muli sa buhay ko." Bulyaw ko rito habang dinuduro ang kanyang pagmumukha
"But..."
"No buts! Go away! I don't need you! Hindi kita kailangan! Minsan ka ng umalis sa buhay ko, bakit hindi mo pa ginawang tuluyang lumayas sa buhay ko? Ano? Babalik ka para balikan ako? Wala ka ng babalikan, Ali. Wala na," sabi ko rito at tinalikuran. Marahas kong hinawa ang luhang bumagsak sa mata ko at pumasok sa kotse.
"And cut! Good take! Very good Morgan and Trence!"
Lumabas ako sa kotseng sinakyan ko. Nagsilapitan ang mga make up artist sa akin at inayos nila ang itsura ko.
Yes, I'm an actress. Hindi ganoon kasikat ngunit masasabi kong nakagawa na ako ng pangalan sa industriyang ito. It's been two years since I started to enter showbiz. Sabi rin kasi ng manager ko, may potential daw ako. At first, I was too hesitant because this is not my forte. But later on, tinanggap ko rin naman ang offer ng agency.
YOU ARE READING
Since He Left
RomanceMorganite symbolizes the divine love and compassion. This stone also warms the soul that may release all the heartaches and pains that a person might experienced. Can Morgan easily forget her past after what Leo had done to her? Cover is not mine, c...
