Nabuhayan naman ang loob ni Lily sa mga sinabi ni Severina. “Talaga? Paano, Ate?”

Pasimple niyang tiningnan si Gunner sa unahan na paminsan-minsan ay sumusulyap sa gawi nila. Nagtama naman ang kanilang mga mata. Nakaramdam siya ng kaba roon na hindi niya alam kung bakit .“’Pag nakauwi na ako at naayos na ang problema, tutulungan ko kayo sa funds. Ako ang may ari ng isa sa pinakasikat na corporation sa city. Matutulungan ko kayong mag-raise ng funds.”

MAAGANG nagising si Severina, hindi pa sumisikat ang araw, pero nakita niya na lang ang sarili na nakaupo sa isang upuan sa labas ng bahay nina Gunner. Gawa sa bato at kahoy ang bahay ng mga ito. Hindi ito masyadong malaki, normal lang. Halos lahat naman ng bahay ng mga tao rito sa kanilang probinsya ay ganoon din ang estruktura ng bahay.

“Ang aga mo yatang nagising?”

Hindi  siya lumingon dito at pinabayaan na lang si Gunner na lapitan siya. “Na-miss ko lang mga kaibigan ko. Tapos absent pa ako ngayon,” natatawa niyang sabi habang nakatingin sa kalangitan. Naghahalo ang kulay nito, golden yellow na may pagka-reddish ang kalangitan, siguro dahil pasikat pa lang ang araw.

“Hindi naman tayo magtatagal dito.” Naramdaman ni Severina ang presensya ni Gunner na nasa tabi na niya pala. Gaya niya ay nakaupo na rin ito sa inuupuan niya. “No, ayos lang sa akin. Gusto ko ring mapasyal ang lugar ninyo.” Nilingon niya ito saka nginitian. Ganoon pa rin ang mukha nito, walang kaemo-emosyon, lalo na ang heterochromatic na mga mata nito. Actually, mas nakaka-attract pa lalo itong kakaiba niyang mga mata. Parang ang sexy lang kasi.

“Mamaya, sumama ka kina Lily, mamamalengke sila.”

Kaagad siyang napangisi roon. “Really?”

Hindi sumagot si Gunner, iniwasan lang siya nito ng tingin kaya napasimangot si Severina. Dumating ang alas-siyete ng umaga. Matapos kumain ay sumama si Severina kina Lily at sa mama nina Gunner papuntang palengke.

Kakaiba ang palenke nila rito, hindi masyadong crowded. Siguro dahil probinsya. Marami silang piniling gulay na hindi niya pa nata-try since bata pa siya.

“Singkwenta, pero dahil may kasama po kayong dalawang magaganda, trenta na lang,” sabi ng lalaki sabay balot ng mga gulay. Napangiti si Severina roon, nanatili lamang siyang nakatayo sa likuran habang pinagmamasdan sina Lily na pumipili ng gulay. Hindi naman kasi siya marunong mamalengke. Roon kasi sa bahay nila, ang mga katulong ang namamalengke at naggo-grocery.

“Ngayon, tururuan kitang magluto ng adobong manok.” Napangiti si Severina nang mag-ayos na ng mesa ang mama ni Gunner.

“Po?” tanong niya rito.

“Tuturuan kita. Alam ko namang hindi ka marunong, hija, katulong n’yo lang naman kasi ang gumagawa ng gawain doon sa inyo.” Natawa siya roon habang pinagmamasdan ang ina ni Gunner na maghihiwa ng mga pampalasa.

“Ito, ikaw ang maghiwa nito.” Inabot ng mama ni Gunner kay Severina ang ilang piraso ng bawang.

Tumango siya saka kinuha ang isang malinis na chopping board para sana hiwain na ang bawang, pero mabilis siyang pinigilan ni Lily.

“Ate, babalatan muna ‘yan, ta’s kailangan mo munang dikdikin bago hiwain.”

Tiningnan niya si Lily saka nginitian. “Ah, gano’n ba?”

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now