Chapter 2: A Glance

Start from the beginning
                                    

"Ahmm,Luke?" Naibalik ako sa tamang sistema nang banggitin ni Joseph pangalan ko.

"There will be Gay pageant this coming Saturday. Sasali ka ba? Malaki primyo. Sayang din yong 10,000 pesos?"

Biglang nagliwanag mukha ko sa sinabi niya.

Matagal tagal na rin ako hindi nakakasabak at tamang tama dahil nangangailangan ako ng pera ngayon.

"Game ako,"simpleng tugon ko sa kanya. Natuon atensyon sakin ni Ethan,Alex at Michael. Mababakas sa mukha nila ang pagtataka at gulat.

"Basta balato a,hindi na ako mangingiwistiyon pa sa kakayahan mo,gamay na gamay mo naman na ang mga amateur pageants na iyan,"kompinyansang deklara ni Joseph pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagkain.

"Hey,Luke,diba need mo pa work, pwede mo siguro isegwey 'yong pinsan ko. Sasali siya sa isang pageant din sa susunod na ikalawang buwan. I recommended you to be her trainer.Game ka ba?"Si Ellice naman ngayon ang nag offer ng opportunity.Alam nilang hindi ko papalampasin ang ganyang oportunidad kaya tumango ako.

"Sa baranggay namin,next month. They are looking for a choreographer,nakapangalan na sa'yo 'yon,"si Pia naman ngayon.

"Hays!Naloloka ako sa'yo.Bakit mo kasi kailangan na magpagod pa sa pagtatrabaho,Luke?" Si Ellice sa kalagitnaan nang pagnguya ng pagkain,"Pwede ka naman lumapit sa'min para humingi ng tulong.Hindi maganda sa kalusogan na pinagsasabay ang raket sa pag aaral." Dagdag niya pa.

"As if naman tatanggapin niyan tulong mo. Dignidad at prinsipyo laging hawak niyan no. Lahat ng bagay pinagpapaguran.Ngi limang pesong doling na hiniram niya sa'kin ay binayaran agad. Nakakaloka!" Si Joseph.

Binigyan ko lang sila ng malawak na ngiti gaya ng lagi kong ginagawa. Magandang pagkakataon 'yong mga sinabi nila sa'kin para makaluwag luwag ako.

"You're the perfect definition of perfect,"mahina pero tamang tama lang para marinig naming lahat ang sinabi niya.

Andito na naman 'yong estrangherong pakiramdam na dinudulot ng mga salita sa'kin ni Ethan.Feeling ko andami kong ginawa para maramdaman ang pagkahingal at pagpawisan ng bigla.

"Huh?"Sabay sabay nilang lahat na tanong. Pati si Alex ay nagulat na rin sa sinabi ni Ethan.

Natawa si Ethan pagkatapos ay umiling."Ano ba sa sinabi ko ang hindi malinaw sa inyo?" Tanong pa niya.

"G*go!Yong perfect na sinasabi mo?" Ani ni Michael.

"Wala,kain na lang kayo," paggiit niya.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Pia, pero hindi ko pinansin 'yon. Alam ko kukutyain niya na naman ako.

"Tsk! Okay! Pero Luke,matanong nga kita?" Si Michael habang may malawak na ngiti sa mukha niya,"I don't mean to offend pero are you gay or something else?"

Lahat sila ay nagulat sa
tanong pero 'di naglaon napalitan ng pagkuryoso. Napailing ako sa'king isipan habang pinagmamasdan ang abang na abang nilang mukha.

It's not something that I avoid to answer pero hindi ko sila magawang sagotin. Hindi ko alam kung mauunawan nila. Kaya naman imbis na sumagot ay ngumiti ako sa kanila. Ang pagngiti ko na iyon ay naging hudyat para magsibagsakan balikat ni Pia, Joseph at Ellice. Alam na alam kung ano ang pinapahiwatig ko sa inasal kong iyon.

"Refusing to answer again?" Dismayadong tanong ni Pia.

"Hello,anong ganap bakit, parang kayo lang nagkakaintindihan?" Si Michael.

Bumuntong hininga ako, bagay a hindi ko madalas gawin lalo na kung ipinapasailalim ako sa tila intorogasyon nila. Nagpapakita lang iyon na napepressure ako sa sitwasyon. At senyales din 'yon nang pagsuko ko sa usapan. Kaya naman ngumiti ang tatlo kong kaibigan habang iba ay abang na abang parin.

Dreaming Of You [On Going]Where stories live. Discover now