Marami siyang biniling mga gamit; damit, sapatos, alahas, at kung ano-ano pa. Hindi naman siguro mauubos sa isang linggo ang one million allowance niya, hindi ba? Habang naglalakad, hindi mapigilan ni Severina na matawa dahil nakikita niyang nahihirapan si Gunner sa pagdala ng mga bags. “Ano, kaya pa?” she teased while laughing at him. Tiningnan lang siya nito nang masama, hindi ito sumagot, at binilisan lang ang paglalakad para mahabol siya nito.

Napahinto si Severina sa harapan ng bookstore. Nakaisip siya ng magandang paraan para makatakas kay Gunner. Liligawin niya ito sa loob. So ayon, niyaya niya itong pumasok sa store, kunwaring may hinahanap na libro at kung ano-ano pa.

“Just stay close to me, ayaw kong mawala ka.”

Natawa si Severina sa mga sinabi ng kaniyang guard habang nasa romance section sila. Habang nakatingin sa mga stall ay naglakbay ang mga mata niya papunta kay Gunner. “Stay close to you?” natatawa niyang tanong. “Ano ka, hilo?” dagdag niya rito habang pilit na pinipigilan ang tawa.

‘Hmm, paano ko kaya siya mailigaw rito?’

Parang biglang may lumitaw na bombilya sa ulo ni Severina saka tiningnan si Gunner. Napangisi naman siya dahil doon. “Uhm, Gunner?” tawag niya rito na busy ngayon sa pagtingin-tingin ng mga libro.

“Hanapin mo nga ‘yung libro na Fifty Shades, hindi ko mahanap, eh,” utos  niya rito na todo pa ang pag-pout ng lips niya.

“Fifty Shades?”

“Oo. Basta parang nandoon yata ‘yun, eh.” Itinuro niya ang dulong stall. “Tinatamad akong maglakad. I’ll just wait you here,” sabi niya kay Gunner habang todo ang ngiti. Nagpapa-cute pa siya rito. Tingnan natin kung hindi ito madadala sa charm niya!

Nagsimulang maglakad si Gunner papunta sa dulo. Todo na ang ngisi ni Severina, pero muli itong tumigil at humarap sa kaniya.

“Who’s the author?” tanong ni Gunner.

“A-Author?”

“Ewan! Hindi ko alam, basta hanapin mo nalang diyan!”

Tumango si Gunner saka nagpatuloy na sa paglakad. Mabilis naman siyang umalis sa romance section at lumabas ng bookstore. Tumakbo siya nang tumakbo para lamang makalayo sa taong iyon. She found herself walking in the underground parking lot of the mall. Kaonti lamang ang mga dumadaan na tao rito kaya medyo tahimik.

Palinga-linga siya habang naglalakad. Actually, hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon.

Napahinto si Severina sa paglalakad nang may humarang sa kaniya na isang lalaki. Mukha itong rapist, promise. Ang pangit ng mukha! Todong ngisi pa si gago.

“Hi, miss,” nakangisi nitong tawag sa kaniya.

Napaatras naman si Severina nang lumapit ito sa kaniya nang dahan-dahan. “Sino ka?” tanong niya rito habang patuloy pa ring umaatras.

Napahinto siya nang makaramdam na may nasandalan siya sa likuran. Pagkalingon ay napasigaw si Severina nang makita niya kung ano ang nasandalan.

“Holdap ‘to.” Agad na sabi ng taong nasandalan niya. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita na may hawak pala itong patalim. Napalunok siya ng laway. ‘Gosh! Sana hindi na lang ako umalis sa bookstore!’

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon