Ang Tito Franco niya ay ang kaisa-isang kapatid ng daddy niya. Medyo nag-away ang mga ito noong hati-hatiin ng lolo niya ang mana. Ang dad niya kasi ang pinaasikaso ng lolo sa company dahil magaling daw ito sa pagpapatakbo ng company, while sa tito niya ipinamana ang hacienda roon sa Bukidnon.

May anak din ang Tito Franco niya, babae rin. Si Diana. Magkasing-edad lamang sila ni Severina, pero kahit magpinsan ay hindi sila masyadong malapit sa isa’t isa. Medyo maldita kasi ang babaeng iyon, Napakasungit saka naiirita siya kapag kasama ang babaeng 'yun dahil walang ibang gustong pag-usapan kundi ang mga dress at mga alahas nito na sa ibang bansa binili.

“GUYS, let’s go shopping!” masigla sabi ni Severina habang palabas ng powder room. Sinalubong siya agad ng mga kaibigan niyang sina Mayumi at Alexis. “Don’t tell me hindi tayo papasok sa next class?” inosenteng tanong ni Alexis.  “Gosh, Alexis?” naiiritang wika ni Mayumi.

“Naku, sis, alam n’yo naman na medyo bumaba ang grades ko last semester,” malungkot na sabi ni Alexis sa kanila.

Nagsimula na silang maglakad sa hallway ng school. It was their free time kaya halos lahat ng estudyante ay papunta sa canteen ng school.

“And, sis, I forgot my money. Is it okay to use cards?”

Napairap si Severina sa kaniyang mga narinig.

“Ano ba ‘yan, ang dami mo namang reklamo,” asik ni Mayumi kay Alexis.

“Sorry naman kasi. Actually, hindi ko rin sana ‘to gagamitin, eh,” dagdag pa ni Alexis. Bumuntonghininga si Severina saka tiningnan ang dalawang kaibigan. “Don’t worry, ako na bahala sa gastos. All you need to do is sumama sa ‘kin, kaya let’s go?”

Tumango ang dalawa kaya napangisi si Severina. These two were also daughters of business tycoons here in the Philippines, pero kung makaasta, parang mga walang pera at ignorante.  Parang hindi mayaman sa kilos. Lalo na si Alexis, parang ignorante sa lahat ng bagay.

Hindi sila pumasok sa sumunod na klase. Ginamit nila ang kotse ni Mayumi, sila kasi ni Alexis ay sinusundo at kung ipatatawag nila ang mga driver nila ngayon, for sure, patay sila sa parents nila kapag nalaman ng mga itong nagka-cut lang pala sila ng klase.

TAAS-NOONG  naglakad si Severina sa loob ng mall habang nakasunod sa likuran niya ang mga kaibigan slash alalay. Yes, para sa kaniya, siya ang boss, and they were her slaves.

Napahinto siya saka napatingin sa salamin sa harapan. Kaagad siyang nag-pose. “Are you girls hungry?” Hinarap niya ang mga kasamahan niya. Bahagya nalang siyang napatawa nang makita niya itong nahihirapan sa pagdala ng mga shopping bags.

“Oo, kanina pa ako gutom. Halika na, Sevs. Let’s eat,” aya sa kaniya ni Alexis.

Tumango si Severina saka tinungo nila ang pinakamalapit na fast-food restaurant. Gaya ng sinabi niya sa mga ito kanina, siya ang nagbayad ng kanilang mga binili at siya pa nagbayad sa bills ng pagkain.

“Alam mo, Sevs, mabuti ka pa nga kasi kahit tumatakas ka, hindi bumababa ‘yang grades mo,” sabi ni Alexis habang palabas sila ng mall. Ngumiti si Severina. “Alex, utak lang ang kailangan niyan,” sagot niya rito habang hindi nakatingin sa kaibigan.

“’Yan nga ang problem, eh, wala akong utak.”

Nagtawanan silang dalawa ni Mayumi nang marinig iyon. “Alam namin, sis, kaya nga ikaw ang tatanga-tanga sa grupo,” sagot naman ni Mayumi habang papapunta sila sa parking lot.

Tiningnan ni Severina ang kulay gray na sedan ni Mayumi. It was a branded, hindi ganoon kamahal, pero maganda.

Naglakad si Alexis papunta sa likuran ng kotse para ilagay ang mga shopping bag kung saan nakalagay ang mga pinamili nila kanina. Hindi muna pumasok si Severina sa loob ng kotse, hinintay niya muna ang dalawa na matapos sa paglalagay ng mga gamit.

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now