1

3 0 0
                                        


Amoy gamot, hindi ko pa man naididilat ang mata ko ay alam ko na kung nasan ako. Kasabay nun ay ang dahilan kung bakit ako nandito. Ramdam ko rin ang bigat ng katawan ko.

"Les.." napangiti ako nang marinig ko ang boses nya. Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit kinakaya ko ang araw-araw na pasakit sakin.

Tuluyan ko nang idinilat ang mata ko, at bumaling sa higaan nya. Bahagya syang nakaupo at nakasandal sa mga unan, habang nakatingin sakin. Singkit ang mga mata nya kaya naman pag ngumiti sya ay parang ngumingiti rin ang mga mata niya.

Hindi ako magsasawang titigan sya araw-araw.

Namumutla ang balat nya, at bakas ang panghihina. Pero kung ngumiti siya ay parang napakagaan lang ng buhay. Pinapalakas niya lagi ang loob ko. Ni isang beses ay di ko sya nakitaan ng lungkot at pagod sa mukha, at kawalan ng pag-asa, na para bang hindi sya mamamatay ng anumang oras.

Mag tatatlong buwan na ako rito sa Ospital. Simula ng madiagnosed na may stage 2 lung cancer ako. At Bawat araw ay parang impyerno sa lupa ang pinagdadaanan ko. Minabuti na ng pamilya ko na iconfine, para mas matutukan ang sakit ko. Habang tumatagal ay mas pahirap ng pahirap. Hindi ba dapat ay bumubuti ang lagay ko? Pero pakiramdam ko, mas pahina ng pahina ang katawan ko..

"Good Morning, beautiful" nakangiti paring bati niya.

Napanguso ako. Beautiful? Parang yan ata ang magiging last description sa itsura ko. Pero pag siya ang nagsasabi, at tumitingin sa akin, pakiramdam ko ay maganda parin ako.

"Morning, handsome" nakangiting bati ko rin sa kanya. Lalo naman lumapad ang ngiti nya. Pati tuloy ako ay napangiti lalo.

Payat man ang pangangatawan gawa ng sakit ay hindi parin maitatangging gwapo talaga sya. Matangos ang ilong, singkit ang mata at isang dimple sa kaliwang pisngi. Idagdag pa ang magandang ngiti at itim na itim na buhok. Maikling panahon palang kaming magkakilala, pero pakiramdam ko ay kilalang kilala na namin ang isa't isa. Dahil nakita na namin ang paghihirap ng bawat isa, nang magkasama.

Si Geoff naman ay limang buwan na dito. Nauna sya sakin. May sakit siya sa puso. Dalawang beses ko na siyang nakitang atakehin sa tatlong buwan ko dito. Ang sabi ng doktor niya ay kung hindi pa makakahanap ng heart donor para sa kanya ay mapanganib kung aatakihin siya ulit, dahil baka hindi na raw iyon kayanin ng puso nya. At di na nila kayanin na irevive pa.

Napatinin ako nang may kumatok at bumukas ang pinto. Pumasok ang isa sa mga doktor na tumitingin kay Geoff.

"Good Morning, Patients" nakangiting wika nito.

Wala akong matandaan na may nakaeschedule ngayon, para kay Geoff.

"Good Morning, Doc." Bati ni Geoff. Ngumiti naman ako nang bumaling ang doktor sakin.

"I have a good news for you Mr. Rance" anang doktor.
"We already have a heart donor for you" mas lumawak ang ngiti nito.

Napangiti rin ako sa tuwa, at bumaling kay Geoff. Halata rin ang tuwa sa kanya.

"Talaga Doc?" Di ko napigilang itanong dahil sa tuwa.
Nakangiti itong bumaling at tumango.

"Tinawagan ko na rin ang Mommy mo, para ipaalam ito sa kanyan. Kaya naman pwede na nating isagawa ang operasyon para sa heart transplant mo."- Doktor.

"Kailan po gagawin ang operasyon, Doc?" Tanong ni Geoff.

"Mas maaga ay mas maganda. Since your condition needs it." Biglang nabawasn ang ngiti nito pagkatapos nito iyong sabihin.

"Bakit Doc? May problema po ba sa condition ko?" Tanong ni Geoff. Maging ako ay nabahala din.

"Because as i said before, heart transplant is the only solution for you. But the Operation isn't a hundred percent sure successful. Mataas ang tyansa na hindi kayanin ng katawan mo ang operasyon. Pwedeng magkaroon ng complications during the surgery. And if the surgery will be a success. Maaari paring magkaroon ng complications after, dahil di natin alam kung tatanggapin ba ng katawan mo ang bagong puso." Paliwanag ng Doktor.

Natahimik kami sa sinabi ng doktor. Matagal na ngang sinabi ng doktor na kung sakali mang may mahanap na donor. Ang mismong operation naman ang magiging delikado.

Pero mas mabuti parin kung maisasagawa ang operasyon, kaysa ang walang kasihuraduhang kalagayan nya ngayon, na anumang oras ay pwede syang atakehin at pwede nyang ikamatay.

"Pero dok, mas mataas naman pp ang tyansang magiging successful ang operation diba? " Di ko napigilang itanong.

"In his case, the possibility of success is indeed higher, but the complications has a high possibility too" sagot nito.

Hindi man lang nun nabawasan ang takot sa dibdib ko.
Napatingin ako kay Geoff nang sa wakas ay magsalita siya.

"We understand, Doc. Since the only way is the operation, it's better than my condition right now, right. Anong oras po ie-schedule ang surgery?" -Geoff.

"Ngayong araw din, since the heart is already recovered" Doctor.
"After your Mother arrives, and sign the needed documents. We will prepare you for the surgery, I have to excuse myself I still need to prepare for the surgery" anang doktor at lumabas.

Katahimikan ang namayani sa silid matapos lumabas ng doktor.

Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Masaya ako dahil maooperahan na sya, pero may takot din.

"Hey" napalingon ako sa kanya.
"Magkakaroon na ako ng bagong puso" dugtong nya habang nakangiti.

Napangiti na rin ako, pero di parin naaalis ang kaba. Ilang oras mula ngayon, ooperahan na sya.

"Kakayanin ko yun. Ako pa ba?" Nakangiti paring sabi nya. Malamang ay nahalata nya na kinakabahan ako.

"Oo naman, sigurado yun. Yare ka sakin pag hindi" Napangusong sagot ko. Naluluha ako. Baliktad dahil imbis na ako ang magpalakas ng loob nya ay ako pa ang inaalo nya. Hindi ko dapat ipakita sa kanya yun.
"Matagal mo ring hinintay 'to. Kaya sigurado akong magiging okay yun" dugtong ko. Nakangiti na, ayokong makita nyang natatakot ako. Dahil kung may mas maaapektuhan ay siya yun.

"Oh, bat ka umiiyak?" Natatawang tanong nya. Tumayo sya sa kama at lumapit sa higaan ko.

"Tears of joy lang 'to, ano ka ba" nakangiting sagot ko na sa kanya. Siya naman ay abala na sa pagpunas ng luha ako.

Napatitig ako sa mukha niya habang ginagawa niya yun. I can't believe that a person like him exist. Kung wala siguro syang sakit ay mas lalong matipuno ang pangangatawan niya. Malamang rin na isa syang successful na architect.

Paano kaya kung sa ibang pagkakataon kaming nagkakilala at hindi sa sitwasyon na 'to.

I always hated this part of my life. From the day I knew that I have a cancer. Ilang beses kong inisip na sana isang panaginip lahat. At alam nyang lahat yun. Siya ang naging sandalan ko sa mga panahong gusto ko nang sumuko.

"It will be okay. I'm sure of it" nakangiti paring wika nya ng makuntento sya sa pagpupunas ng mukha ko.

"You're one of the reasons, why I never get tired of waiting.." sya habang nakatingin sa akin.
"At kung... Kung hindi man maging successful ang operation, I'll always be here for you. And I'll tell God to take away you pain" dugtong nya.

Mahina ko syang hinampas, dahil sa sinabi nya.
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Baliw ka talaga. Magiging maayos ang lahat." Sabi ko.

Niyakap naman nya ako na syang nagpatahimik sa mga dapat ko pang sasabihin. His smell always calms me down. Sandalwood with the smell of medicines.

" Basta pag gumaling na ako. Araw-araw kitang dadalawin dito. Aalagaan pa kita. Kaya magpagaling ka na rin. Wag kang susuko" bulong nya sa may tenga ko.

Yumakap ako sa kanya ng masmahigpit. Isa rin iyun sa mga kinatatakutan ko. Although he always says na hindi nya ako makakalimutan once na gumaling sya. Natatakot parin ako, na baka hindi nya na ako balikan pa. Dahil sino ba naman ang babalik sa lugar kung saan mo naranasan ang lahat ng hirap. Kahit ako ay sawang sawa na rin dito. But I just silently swallowed my fears, my fear of losing him.

-MXPeN

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GeoffWhere stories live. Discover now