____________________
“Oh, Mr. Lopez, bumalik ka agad. Nasaan si Mr. Garcia?” Tanong ng guro.
Napakamot ng ulo si Dean. “Uh,.. nagpapagamot po?”
Tumango ang guro.
Dean sighed in relief at pagkatapos ay umupo na ito.
____________________
Ilang klase ang nakalipas at lunch break na ngunit hindi na bumalik ang bago nilang kaklase.
“Hoy Dean, anong ginawa mo dun sa transferee at hindi na bumalik?” Tanong ni Marianne habang kumakain ng tinapay. Diet sya kaya tinapay lang ang lunch nya.
“Wala!” Sumimangot si Dean. “Wala akong ginawa sakanya!”
“Hmp! Panigurado, iniwan mo sya at naligaw sya kaya hindi na nakabalik.” Wika ni Marianne.
Sapul. “H-hindi ko sya iniwan ah.”
Tanging masamang tingin ang natanggap nito sa mga kasama nya.
Si Marie Antonette Mendoza o Marianne, ang babaeng tingin sa kanya ay alila.
Si Daniel Luis Cruz, ang gwapo nyang bestfriend- pero mas gwapo sya –na nasa ibang section at kaparehas nya ay basketbolista rin.
Si Blue Magpantay, ang babaeng walang tigil sa pag-stalk kay Miko Asuncion.
Si Apple Jane Santos, ang banker nila pag wala silang pera.
Si Leila Sanchez, ang babaeng walang inatupag kundi manood ng Korean drama.
Si Gino Guzman, ang rakistang babysitter ni Leila.
At si Darlene Anne Salvador, cute, matalino, tahimik pero madalas weird at hindi mahilig magopen ng nararamdaman sa iba.
Tumayo si Darlene.
“Oh, san ka pupunta?” Tanong ni Apple.
“Bibili lang ako ng inumin.” Sagot ni Darlene. Napakahinhin at lambot ng boses nito, parang ulap.
“Gusto mo samahan na kita?” Tanong naman ni Blue.
“Hindi na.” Nginitian ni Darlene ang kaibigan bago ito umalis patungo sa cafeteria.
Paborito kasi nilang lugar ang mini forest ng school nila kung kaya’t sa ilalim ng pinakamalaking puno doon sila kumakain.
Sanay na sila sa pagiging independent ni Darlene. Alam nilang ayaw ni Darlene na nakakaabala sya kung kaya’t madalas ay hindi ito humihiling ng kahit ano sakanila. Hindi sya friendly pero isa sya sa barkada at tila kulang ang tropa kapag wala ito. Kahit hindi ito madalas magsalita, basta kasama nila ito ay buo na ang barkada.
____________________
Pabalik si Darlene sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan nito hawak-hawak ang inuming nabili nya.
Sumagi sa isip nito ang bago nitong kaklase. Ano nga kaya ang nangyari doon at hindi na ito bumalik? Naligaw nga kaya ito?
Nagbuntong hininga ito. Si Dean talaga.
“Miss, ilag!” Sigaw ng isang player ng soccer.
Isang bola ang mabilis na padating kung nasaan sya at tila huminto ang lahat pwera sa nasabing bola.
Kasing bilis ng bola ay ang mabilis din na pangyayaring pagsalo ng isang lalake sa bolang tatama sana sakanya. Sa tangkad nito at sa liit nya ay wala syang makitang kahit ano kundi ang likod nito.
Humarap sakanya ang lalaking nagligtas sakanya at nagulat sya ng makita nya na ito ang bago nyang kaklase.
Sa unang pagkakataon ay nakita nya ng malapitan ang muka nito. Maputi, matangos ang ilong at sa ilalim ng mahabang bangs ay ang mga itim na mata na nanlilisik.
Dahil sa gulat ay hindi alam ni Darlene ang kanyang gagawin hanggang sa mabilis na iniabot ng lalaki ang bola sa kanya at tumakbo.
“T-teka!” Tawag ni Darlene, ngunit mabilis nawala ang lalake.
‘Hindi man lang ako nakapagpasalamat.’
KAMU SEDANG MEMBACA
Red String
Fiksi RemajaSabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka per...
Chapter 1
Mulai dari awal
