Maiba lang, bakit ba lagi nalang siya ang inuutusan? Dahil ba sa pogi sya? Dahil ba sa mabait sya? O talaga lang may lihim na galit sakanya ang teacher nya? Pambihirang buhay to, oo.
Isang batok sa ulo ang naramdaman nya. “Para saan yon?” Iyak nito sa katabi.
“Ihatid mo daw yung bago nating kaklase sa infirmary.” Sagot ng katabing babae na nagngangalang Marianne.
"Tsk. Ayoko nga."
“Ma’am ayaw nya daw po.” Sigaw ni Marianne.
Bigla naming napatayo ang katabing lalaki. “Hindi nga eh, eto na nga sabi ko nga ihahatid ko na.”
At nang makalabas ang dalawa, doon lamang nakahinga ng maluwang ang buong klase.
Tumitig at bahagyang umiling si Darlene sa kanilang guro. Alam nitong kung kaya’t pinapunta ng guro ang bagong estyudante sa infirmary ay para matapos ang klase nito ng wala sya.
Ang mga guro nga naman, matatalino talaga.
____________________
Nakahinga nga ng maluwag ang buong klase subalit isa sakanila ay tila sinasakal sa takot at kaba. Siya ay si Dean Lopez, isang basketbolista sa kanilang eskwelahan at ang napakaswerteng estyudante na nautusang ihatid ang bagong estyudante sa infirmary.
Bakit nga ba duguan ang lalaking ito? Umagang-umaga ay puro ito dugo.
Then, something hit him.
Naalala nito ang pinaguusapan nila ng kanyang mga kaklase kani-kanina lang habang wala pa ang kanilang guro.
Isa sa kanila ang nakakita ng isang away malapit sa kanilang eskwelahan habang papasok. Sampu laban sa isa daw. Ngunit anim sa sampung iyon ay bumagsak agad. Dahil sa takot na madamay sa away ay tumakbo nalamang ito sa gulo.
Malaki ang posibilidad na kasama ang bago nyang kaklase sa away. Kung ganoon nga ay marahil isa itong delinquente. Marahil rin ay isa itong gangster.
Nanginig lalo si Dean sa takot. Gusto man nyang lumingon sa likod at tignan ang bagong kaklase. hindi parin nito magawa.
Oo, halos magkasingtangkad sila at pareho ang laki ng katawan nila. Kaya lang duguan ito. Kahit sinong makakita sa taong duguan ay masisindak, lalo na kung hindi ito nagsasalita.
“Saan,”
Napahinto, pilit na ngumiti at lumingon sa likod si Dean. “Huh?” Pawisan nitong tanong. Oh hinde, nanginginig pa ang tuhod nya. Bakit tila habang tumatagal ay lalong nagiging mas nakakatakot ang itsura ng lalakeng kasama nya? At tama ba ang narinig nya? Nagsalita ang bago nyang kaklase. Kahit boses nito ay nakakatakot.
“Nasaan yung infirmary?”
“A-ah! Uh,.. Diretso tapos liko sa kanan tapos yung p-p-p-p-p-“ Pansamantalang tumigil sa pagsasalita si Dean at pinagmasdan ang bagong kaklase habang naglalakad. Hindi na ito sumunod sa duguang kaklase bagkus ay sinigaw nalamang nito kung pang-ilang pintuan ang destinasyon at saka sya tumakbo papalayo sa bagong kaklase.
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionSabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka per...
Chapter 1
Start from the beginning
