Hinde.
Kasi naman, ang lalaking nasa harapan ay duguan. Hindi man gaanong kita ang dalawang mata nito dahil sa mahabang bangs ay mapapansin parin na tila nanlilisik ang mga ito na parang tigre. Bukod sa nanlilisik na mata at magulong itim na itim na buhok ay napakatangkad rin nito at bahagyang may kalakihan ang katawan.
Oo, natakot ang lahat sakanya ng Makita ito at dapat ding matakot si Darlene ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila wala itong takot na nararamdaman at tanging nacu-curious lamang siya kung bakit duguan ang estrangherong estyudante.
“A-are you the new s-student?” Nanginginig na tanong ng guro. Dahan-dahang tumango ang lalake. Nagbuntong hininga ang guro upang mabawasan ng bahagya ang takot nito. “M-may I see your registration form?” Tahimik na iniabot ng bagong estydante ang papel. “You are,.. Mr. Aaron Lawrence Garcia.”
Lumapit ng bahagya ang lalake ngunit dahil sa gulat at takot ay napalayo naman ang guro. Tila nauubos na ang dugo nito sa sobrang putla at naliligo narin ito sa pawis kahit malamig sa loob ng silid-aralan. Muling lumapit ang bagong estyudante at may itinuro sa papel.
“Al?” Tanong ng guro. “Gusto mong tawagin kang Al?”
Tumango ang lalake.
“O-osige, pero maiba tayo, bakit ba puro ka dugo sa ulo?”
Walang sagot.
Napalunok ang guro sa nakakatakot na katahimikan.
“M-magpatingin ka muna sa infirmary, okay? Baka maimpeksyon ka pa.” Pansamantalang may nakakabinging katahimikan ulit bago naglakad ang bagong estyudante papalabas ng silid-aralan. “T-teka,” Tawag nito. Tumigil naman ang lalake. “A-alam mo ba kung saan ang infirmary.”
Makalipas ang makapigil hininga na katahimikan ay umiling din sawakas ang bagong estyudante.
Nagbuntong hininga ang guro. “Mr. Lopez,”
“Y-yes ma’am?” Nanginginig sa takot na tanong ng tinawag na estyudante.
“Pakihatid si Mr. Garcia sa infirmary.” Utos ng guro.
Pinawisan naman ng sobra-sobra ang inutusang estyudante. “A-ano po?” Hindi naman sa bingi sya kung kaya’t naitanong nya iyon ngunit hindi sya makapaniwala sa hiling ng kanyang guro.
Sya.
Mag-isa.
Ihahatid ang bagong nyang kaklase.
Ang bago nyang mukang psycho na kaklase.
Baka hindi na sya makabalik ng buhay sa room nila.
O jusko, sana ay magbago ang isip ng kanyang guro at ibang estyudante na lamang ang utusan nito.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Red String
Ficção AdolescenteSabi nila, lahat daw ng tao ay may nakatadhang kapareha para sakanila na balang araw ay maari nilang makilala at makatuluyan. Ngunit paano mo malalaman kung siya na nga ang nakatadhana para sa iyo? Ito ba ay may mga signs? Paano kung nagmahal ka per...
Chapter 1
Começar do início
