CHAPTER 028

804 35 0
                                    


SAINT'S P.O.V

Nang nakarating kami sa bahay ay nakita ko ang sasakyan ni Zee at nakita kong bukas ang ilaw sa bahay. Bumaba agad ako ng motor at bumaba din si lesley at inabot ko sa kaniya yung helmet.

"Ang brutal mo" sabi niya sa akin habang pinupunasan ng tissue yung dugo nung lalakeng nang gulo sa amin kanina

"Well, that's why I'm hiding this part of me, its not pleasant" sabi ko sa kaniya at tinapik niya ako sa balikat at tumingin ako sa kaniya at nakangiti siya habang nakatingin sa akin

"You kinda look hot earlier though, i like that part of you. I told ya, i like you" sabi niya at ngumisi lang ako at inirapan siya at inakamaan siya ng suntok at umakto naman siya umiilag siya

"If you're not joking, and you're really serious about that. Stop now, i have all my attentions and feelings for zee, and even though im trying to divert my attentions and feelings on some other things, i cant" sabi ko sa kaniya at umarte siya na nasasaktan habang nakahawak sa dibdib niya at hinampas ko lang siya

"Wow, straight up rejection. I know, i just want you to know that im just here admiring both side of you" sabi ko sa kaniya at tinapik niya ako sa balikat bago siya sumakay sa motor niya

"Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka" sabi niya at tumango lang ako sa kaniya at pinaandar niya na ang motor at inantay ko muna na makalayo siya bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

Pag pasok ko sa kwarto ko ay andun si zee na nag lalaro sa phone niya habang nakahiga sa kama ko, at naka boxers lang siya, meaning balak niyang matulog dito.

"Bakit dito ka matutulog?" Takang tanong ko sa kaniya habang nag bibihis at hindi siya sumagot, sobrang busy ata sa laro niya, pag harap ko sa kaniya ay nakaupo na siya sa kama at nakatingin sa akin

"Kelan pa kayo naging close ni lesley?" Seryosong tanong niya sa akin at napa isip ako, actually kunwari lang nag iisip ako

"Kanina" maikling sagot ko sa kaniya at nag start mag ayos ng mga gamit ko

"So taga hatid mo na siya?" Sabi niya at nagkibit balikat lang ako sa kaniya

"Nag seselos ako kay Lesley" sabi niya na ikinatigil ko sa pag kilos at ikinagulat ko, pero tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay

"Buntis ako, ikaw ama" sabi ko sa kaniya at sobrang gulat na gulat siya sa sinabi ko at hindi siya makapag salita

"A-a-ano!?" Nauutal niyang tanong at inirapan ko lang siya

"Anong pinag sasabi mo?" Medyo inis niyang tanong sa akin

"Sabi mo nag seselos ka kay Lesley, sabi ko buntis ako at ikaw ang ama. Diba nag sasabihin tayo ng mga impossibleng mangyare?" Sabi ko sa kaniya at pinag patuloy ang pag aayos ng mga gamit ko at nakita kong tumayo siya at lumapit sa akin at tinulak niya ako at napasandal na lang ako sa pader at kinorner niya ako ng kamay niya at sobrang lapit ng mukha niya sa akin

"Ano ba!? Sumeryoso ka nga, nag seselos ako sa inyo, seryoso ako sa sinasabi ko" sabi niya sa akin at ngumisi lang ako sa kaniya at tinignan ko siya sa mata

Well, Sa tingin mo di ako nag seselos? Tingin mo hindi ako nasaktan na nakalimutan mo ako sa school ng dahil sa babaeng yan?! May gusto ako sayo, at seryoso ako sa mga sinasabi ko. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya yan eh, kaso natatakot ako sa pwedeng ireact niya...

"Bakit ka naman mag seselos aber?" Sabi ko sa kaniya at umiwas lang siya ng tingin at lumayo na sa akin

"Eh kasi, sanay ako na ako lang kasama mo at ako lang nag hahatid sayo at dati parang ako lang may alam kung saan bahay mo, ngayon alam na din ni Lesley for sure alam na din ni marky toh" sabi niya at tumawa lang ako sa kaniya at hinampas siya

"Masanay ka nang hindi mo ako nakakasama, may fiancee ka na, sanayin mo na din sarili mo na hindi ako kausapin at lapitan. May fiancee ka na dapat duon ka sa bahay nila napunta hindi dito. Sanayin mo na sarili mo na wala ako sa paningin mo at paligid mo, pag nag kita tayo tapos kasama mo si rachel wag mo kong papansin or kakausapin or titignan man lang. That's the right thing you should do now, lalo na at may fiancee ka na" sabi ko sa kaniya, and kung iniisip niyo man na pinapalayo ko na siya sa akin, oo tama kayo ng iniisip, pinipigilan ko lang umiyak ngayon at gusto ko siyang yakapin at sabihin na, mahal ko siya at akin lang siya, kaso... hindi naman same ang feelings namin at hindi siya akin. May pagkatanga kasi tong si zee eh, kaya sure akong susundin niya yung sinabi ko, lalo na at mukhang masaya talaga siya habang kasama yung babaeng yun

"Eh bakit kailangan kong gawin yun? Pwede naman ako pumunta at makipag usap sayo kahit fiancee ko siya" sabi niya sa akin, at gusto kong sabihin sa kaniya na, oo nga noh tama ka, kaso ayokong maging dahilan ng gulo at ayoko nang lumalim pa tong feelings ko sa kaniya

"Bakla ako, sooner or later pwedeng mag selos sa akin ang fiancee mo at ayokong maging dahilan ng gulo, kung hindi man mag selos yang fiancee mo, magkakaruon ng bakita na nag kakaruon ka ng affair with me habang may fiancee ka. At madaming pwedeng mangyaring gulo ng dahil sa akin" sabi ko lang sa kaniya at tumango tango lang siya sa akin

"Well, simulan mo na ngayon, umuwi ka na or kaya bisitahin mo sa bahay yung fiancee mo, wag mong kalimutang dalhan siya ng flowers at bumili ka din ng pwede mong ibigay sa magulang niya" at tumango siya sa akin at agad na nag ayos ng gamit at niyakap niya ako at hinalikan sa noo at tumingin sa mga mata ko.

"Thank you sa advice, lab you!" Sabi niya habang nakangiti at dali daling tumakbo paalis at pumunta ako sa bintana ko at kumaway ako sa kaniya bago niya paandarin ang kotse niya at nakita si lesley na nakatingin sa akin habang nakatago sa isang van, at napaupo na lang ako sa sahig at napahagulgol.

Hindi nagtagal ay pumasok na dito sa kwarto ko si lesley at niyakap ako.

"Buti na lang talaga naniwala ako sa nararamdaman ko, kung hindi baka may kung anong gawin ka pa dito" sabi niya at sinuntok ko lang siya sa dibdib at yumakap na sa kaniya at umiyak lang ng umiyak.

After kong umiyak ay nakahiga lang ako sa lap ni Lesley at nakatulala lang ako sa kisame at si lesley naman ay nakatingin lang sa akin at hinihimas ang ulo ko.

"Pakiramdam pakiramdam ka pa diyan, nilagyan mo lang ng listening device yung uniform ko eh" sabi ko sa kaniya habang nakatulala pa rin at tumawa lang siya at pinitik niya ako sa noo

"Pitikin mo pa ako, wala ako maramdaman eh" sabi ko sa kaniya at kinurot niya ang pisnge ko

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon