chapter 22

6.1K 115 0
                                    

Next day...

-Montrage House-

Andrew's POV

*huff...huff*

Ay nasaan na ba si lolo at Kristoff?? Kung kailan nga naman kailangan mo sila oh? Ang tumatakbo sa utak niya.

Nang may makasalubong niya si Nana Raquel.. Tinanong niya agad ito.

"Na-nana Raquel, *huff* nakita *huff* niyo po ba sila *huff* lolo? Importante *huff* lang po."

"oh, hijo. Kung hinahanap mo ang lolo mo at si Kristoff, nasa Pool Area mo sila makikita. Naguusap sila tungkol sa kalakaran ng mga negosyo niyo."

"salamat po *huff* nana Raquel. Maiwan ko muna po kayo."

"Sige lang,Andrew at mukhang napaka importante niyan."

Ngumiti na lamang siya rito at iniwan na niya ito upang magtungo sa Pool Area para kausapin ang kanyang lolo at pinsan.

Bago siya dumating sa pupuntanhan niya nadaanan niya muna ang isang Hot house na pinaglalagyan ng black rose ang isa sa pinakamahal na rosas sa buong mundo..

"ah I remember now, that hothouse especially made for our cousin Hyuna.. Be strong my dear cousin. Be strong." ang naibulong na lamang niya.

Naglakad muli siya hanggang marating niya ang pakay na lugar. Nakita nga niya ang lolo at pinsan niya na nakaupo sa upuan habang sila ay umiinom ng kape. Nilapitan niya ito para ipaalam ang nalaman niya.

"Lolo Guillermo, Kristoff"

"ah apo. Bakit bigla kang bumisita?"

"Hey"

"Lolo si Hyuna nasa Hospital."

"WHAT?!"

"kumalma ka lang,kristoff. Bakit.. Nasa ospital ang apo ko?"

"Lolo. Nahimatay si Hyuna...dahil.... Ang Lola niya pong si Mrs. Roosevelt. Patay na po. Sa sobrang gulat at pagdadalamhati."

"Ganun..ba...hijo"

"Hyuna...kailangan niya tayo."

"Kristoff, baka nakakalimutan mo hindi naniniwala ang kapatid mo sa iyo."

"Oo nga naman. Apo paano mo kukumbinsihin ang kapatid mo?"

"sa tulong ni tita Vaneria.."

"ah tama."

"hmmm.."

"andrew, lolo Guillermo maiwan ko muna kayo tatawagan ko lang si Tita."

====

Kristoff's POV

Nagtataka siguro kayo kung paano nangyari na naging half sister ko lang si Hyuna?.. Hindi kerida si Tita Vaneria. Ang aking ina ay namatay dahil sa aksidente.. Na alam naming planado ng aming mga kaaway habang ako ay isang tatlong taong gulang lamang..

Nagkakilala sila ni Tita sa isang pagtitipon..Nagusap at nagkamabutihan.. Isang bagay na inayawan ni Lolo.. Dahil isang civillian lang si tita.

Ayaw iwan ni papa si tita kaya umalis siya sa angkan at pinakasalan.ito sa huwes..

Makaraan ng dalawang taon, nagkaanak sila at iyon ay si Hyuna..

"Hyuna...." ang tanging naibulong niya sa hangin.

..Ring...

..Ring..

..Rin--

The Heiress (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon