Ewan ko kung maniniwala ako o ano. Pano kung sumbatan nga ako ni Dean. Pano kung insultuhin nya ako. Pano kung... Pano kung... Pano kung...

Ano ba? Bat ba ako nag-iisip ng ganito? Hindi magagawa ni Dean ang lahat ng pinag-iisip kong to. Bat ba ako napaparanoid? Para na akong luka luka dito na aabutin tapos hindi yung phone.

Pero sige na nga lang. Magalit man sya, manigaw kaya o manumbat man ay tatanggapin ko ng buong puso bastat marinig ko lang ang boses nya, makakatulog na akong mahimbing.

Hay.

Ewan ko na lang talaga kung makakatulog pa ako ng mahimbig pag sinagot ko to at bulyawan nya ako.

Bahala na nga lang si Batman.

Inabot ko yung phone ko atsaka sinagot nga yung tawag niya.

Be ready Ayen. Be ready...

"Tol.." simula ni Dean na may accent na malumanay.

Hindi sya galit. Parang hindi. Sana nga hindi.

"Tol, ano kasi... may naiwan kang box kanina nang mahulog.."

"Sorry tolbespren. Sorry talaga!" biglang lumabas na lang to sa bibig ko kaya di niya natapos ang sinabi nya.

"Sorry para saan?" nagtataka na may halong pag-aalalang tanong niya.

"Sorry! Sorry! Sorry... Wag kang mag-alala, next year hindi na ako susulpot sa birthday mo para hindi ka na malasin. Sorry talaga kung lagi akong palpak at malas. Sorry!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Yung bang kanina?" narinig ko yung mahina niyang pagtawa.

Talaga nakuha nya pang tumawa eh halos umiyak na nga ako ng pako dito. >_<

"Bat ka ba nagsosorry ha? "

"Sorry.."

Tumahimik sya sa kabilang linya. Dahil sa pagtahimik nya, ibababa ko na sana yung phone kasi ano.. wala lang. Puro na kasi ako sorry dito, wala lang kasing ibang maisip na salita tsaka at the same time nagi-guilty pa din ako sa hatid kong kamalasan. Ibababa ko na sana talaga nang bigla syang magsalita.

"Tol, kanina lang, nakatanggap ako ng pinakamagandang regalo. Regalong hindi maibalot."

Ewan ko ba pero napanganga na lang ako dito sa kabilang linya. Regalong hindi maibalot? Ano meaning non? Nakabalot yung sakin eh so ibig sabihin hindi kagandahan yung regalo ko sa kanya at yung maganda or pinakamaganda ay yung natanggap nyang regalo na hindi maibalot? Anong klaseng regalo yun kung ganon? Buwan? Araw? Hindi maibalot eh. 

Nakakalito talaga si Dean. Ang dami nyang punchline na ang hirap intindihin.

Pero teka nga lang, speaking of regalo, asan na yung gift ko para kay Dean. Di ko pa naibibigay yun. San na yun..

"San na yun..." bulong ko sa sarili ko at nakalimutan kong kausap ko pala si Dean sa linya.

"Ang ano?" natauhan na lang ako ng tanungin nya ito.

"Uh, w-wala. Nevermind." sagot ko agad.

"Yung box na binalot ng gift wrapper ba? Nasakin. Kunin mo na lang bukas."

Nasa kanya? Pano napunta sa kanya yun? Eh diba di ko pa nga binibigay.

"Pano napunta sayo yan?" nagtataka talagang tanong ko na di ko namalayang nakapagtaray ako ng di sinasadya.

Wala na talagang ginagawa si Kamalasan kundi pangunahan ang moves ko. Imbes na ibibigay ko sa kanya ng personal para naman magmukhang sweet ng konti sa imagination ko eh inunahan pa ako. Ang ganda-ganda na sana ng plano mo sa utak mo pero sisirain lang ng bwiset na kamalasan sa isang iglap lang. Nakakapikon talaga.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon