Chapter 28: Fall of the QED Club (Part 4)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano'ng plano?" tanong ko. Hindi ako sang-ayon sa paraan niya, pero mukhang wala na kaming choice.

"We have to create a commotion that will force the Clarion staffers to leave their office. But we must make it quick. We only have an hour before they turn over the laptop to the police."

Biglang napapalakpak si Jamie. "How about a bomb threat? Kung ite-text natin anonymously ang isang teacher na may bomba sa campus, everyone will be asked to evacuate!"

"Brilliant idea, Jamie! That will keep them away from the office, giving us chance to steal the laptop. Well, there's always opportunity in chaos. Let's choose a teacher who can be easily alarmed."

"Chaos, huh?" Bumuntonghininga si Alistair. "I wonder if this plan won't backfire on us. Hindi pa natin ito masyadong napag-iisipan. Have we considered the consequences that this chaos will create?"

"For there to be order, there must be chaos." Parang philosopher kung magsalita si Loki. Minsa'y may pagka-pilosopo talaga siya. "I don't like how the chessboard is set. The solution? Flip the board and put the pieces back to their rightful places again."

"How about the potential casual—"

KRING!

Napatakip kami ng mga tainga ni Jamie nang bumulabog ang nakabibingi at nakangingilong tunog. Lumingon-lingon sina Loki at Alistair sa paligid para alamin kung saan galing 'yon.

Halos nagsalubong ang mga kilay ni Loki. "That's the fire alarm, right?"

"This isn't a part of your trick?" Naningkit ang mga mata ni Alistair sa kaniya.

"We've just mentioned the use of bomb scare strategy as a diversion. We haven't even discussed the fire alarm."

"Kung gano'n, totoong may sunog sa school building?" may pag-aalalang tanong ni Jamie. "What a coincidence!"

"We may consider it as a miracle," sabi ko. Pero nasaan ang apoy? Wala akong makitang usok kahit saan.

"Attention to all students! This is a surprise fire drill! Please vacate your rooms immediately. I repeat, please vacate your rooms immediately. Campus police officers and CAT cadets have been deployed to guide you. Do not panic. I repeat, do not panic!"

"We'll be fools if we let this opportunity pass!" bulalas ni Loki bago tumakbo patungo sa hagdanan. Sumunod kaming tatlo sa kaniya, maging si Freya na binuhat ko, at nakipagsabayan sa mga estudyanteng nagmamadaling bumaba. May ilan pa kaming nabangga sa dinaanan namin.

"Huwag kayong mag-panic! Huwag kayong magmadali!" sigaw ng lalaking CAT cadet gamit ang megaphone. Naka-istasyon siya sa ground floor, dinidirekta ang mga estudyante sa exit. "Huwag kayong magtulakan!"

Dumeretso kami sa east wing at sumalungat sa bugso ng mga estudyanteng galing doon. Kinarga ko na si Freya sa mga braso ko dahil baka matapakan siya ng mga nakakasalubong namin.

"Just in time!" sabi ni Loki nang narating na namin ang editorial office. Mukhang wala nang tao sa loob dahil naka-lock na ang pinto sa labas. He took out his kit as he prepared to pick the lock.

"Excuse me? Ano pa'ng ginagawa n'yo rito?"

Umangat ang mga balikat ko. Lumingon kami sa papalapit na police officer. He was probably assigned to this wing of the school building.

"May nakalimutan kasi kami sa loob ng office namin," palusot ni Jamie. Pakurap-kurap ang mga mata niya't nagpa-pout pa para kumbinsihin ang pulis. Sana'y tumalab ang charm niya. Mas kailangan namin 'yon sa mga sandaling ito.

"Ang utos sa amin ni Inspector ay siguruhing walang maiiwang estudyante rito." Mukhang hindi tumalab ang pangiti-ngiti ng kasama ko. "I'm sorry, pero kailangan n'yo nang lumabas at pumunta sa evacuation area. Puwede n'yong balikan 'yan mamaya."

Project LOKI ②Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon