002

356 247 9
                                    


SABRINA

"At bakit ka naman late?!" sermon agad ang binungad sa akin ni tita Mads.

"Uh, kase tita-"

"At sasagot ka pa?!" sigaw niya kaya tumahimik na lang ako.

"Alam mo ba kung gaano kalaking kompanya ang gusto kang kuhanin?! Napakalaki Chantal, alam mo naman siguro ang T&C company diba?! Alam mo bang gusto ka nilang gawing model ambassador ng brand nila?!" Nanlaki ang mga mata ko ng banggitin niya ang T&C.

Isa iyon sa mga sikat na kompanya dito sa pilipinas na ngayo'y unti-unti ng nagpapatayo ng branch sa ibang bansa. I can't believe that they wanted me to be their model ambassador.

"Nasa'n na po sila tita?"

"Ayusin mo ang sarili mo at mag bihis ka, nasa loob sila ng office at kanina pa naghihintay sayo." galit na sabi ni tita kaya imbis na sumagot ay dire-deretso akong pumunta sa office ko at nagbihis at nag-ayos doon.

I'm wearing a Black classy blazer dress partnered with a long black knee boots and a small DiorDouble bag. I also wear one of the T&C jewelry to match my outfit. Lastly, I let my long wavy hair down and added a plain black headband.

"Miss Chantal ready kana ba?" tanong ng PA ko mula sa labas.

"Yes." I said and confidently went out wearing my elegant smile.

"Ang ganda mo miss Chantal!" kinikilig na sabi ng PA ko, nginitian ko lang siya at mabilis na naglakad papunta sa office.

Tumigil ako sa harap ng pintuan at bumuntong hininga muna bago pihitin ang door knob.

"Kaya mo yan miss Chantal!" bulong ng PA ko kaya naman nginitian ko ito.

Pagkabukas ko ng pintuan ay ngumiti ako ng maganda, nagsitayuan naman sila para batiin ako at naupo na rin ako.

"Good afternoon everyone." I greeted and genuinely smiled at them.

"Good afternoon, so I assume that you are miss Sabrina Chantal right?" sabi ni Mr. Gutierrez, ang manager nila.

"Yes I am mister, so let me formally introduce myself. I am Sabrina Chantal Guzman and I'm from Luxor Modelling Agency and it's a pleasure to meet you." pormal kong sabi at inilahad ang kamay ko.

"I am Alfresco Gutierrez and I am the manager of T&C company, and right here is Kaylin Trocc my assistant in charge. It's also a pleasure to meet one of the golden model of Luxor Modelling Agency." sabi niya at nakipag-kamay sa akin.

Napangiti ako dahil mukhang naideliver ko ng maayos ang presensyang dapat ibigay ko sakanila.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin about sa transaction na gusto nilang i-offer sa'kin at sino ba naman ako para tanggihan ang kompanya ng paborito kong brand diba? I won't lose this golden opportunity.

Pagkatapos naming mag pirmahan ng kontrata ay agad din naman silang nagpaalam.

"Let's close the deal, congratulations." sabi ni Mr. Gutierrez at nakipag-kamay sa amin.

"We will contact you as soon as we plan your schedule of photoshoot miss Chantal." sabi ni Ms. Trocc kaya naman nakangiti akong tumango. Nagpaalam na sila at umalis na. Doon ay napaupo na lang ako dahil sa isang successful nanamang transaction.

"Good job Chantal!" sabi ni tita Mads.

"Congrats miss!" sabi ng PA ko. I don't know her name kasi bago lang siya e.

"Thanks." sabi ko. Nakita ko naman si mommy na papasok. I smiled at her pero tanging tango lang ang binigay niya. I smiled bitterly.

"How was your transaction?" tanong ni mommy, I was about to answer it when tita Mads preceded me.

FALLING INTO PLACESWhere stories live. Discover now