1. Painful Goodbye

Începe de la început
                                    

Hinayaan ko si Rigel na tumakbo palapit sa kanila at ako nama'y mabilis na tumalikod. Hindi ako nararapat dito.

"Ah! Lancer, you're here. Kumain ka muna." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong tinawag ni Camille ang pangalan ko.

"'Naku hindi na, nakapagluto kasi ako sa bahay." Lumapit siya sa akin at hinila ako papalapit kay Regil.

Gusto ko tampalin ang kamay niya palayo sa akin pero ayoko ng gulo. Lahat sila ay boto kay Camille. Lahat sila ay nagpapasalamat kay Camille dahil sinalba nito si Raego mula sa akin. Ganoon ba ako kasama para pasalamatan si Camille na parang bayani? Nagmahal lang naman ako eh.

"Ang gwapo naman ng anak ko." Pinigilan ko ang luha ko dahil ayaw kong isipin nila na mahina ako.

Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang anak namin. Kung natanggap kami ng pamilya nila ganito rin kaya kagulo ang sala namin bago kami ikasal ulit? Makikita ko rin kaya ang anak kong dala-dala ang singsing namin?

"Right?! Kamukhang-kamukha ni Raego." Napatingin ako kay Raego na nakatitig rin pala sa akin. Sinuri ko ang kabuuan nito at ngumite.

"Mm. Bagay na bagay rin sa kanya ang suot." Sobrang gwapo nito sa suot na itim na groom suit. Mas lalo pa siyang kumisig tingnan.

"Lancer, I know we did not have a good relationship but I hope to see you in our wedding." Ang malambing nitong sabi sa akin. Kung makipag-usap ito parang hindi niya inagaw sa akin ang lalaking papakasalan. Hindi ako nakasagot dahil tumunog bigla ang telepono ko.

Kung sino man ang kasalukuyang tumatawag sa akin ay lubusan ang nagpapasalamat ko dito.

"P-pasensya na...sasagutin ko lang 'to. Congrats sa kasal niyo bukas." Nagmamadali akong lumabas ng mansyon nila, doon nagsimulang magsilabasan ang mga luha ko.

"Hello?" Pinilit kong pinakalma ang sarili habang binabaybay ang daan palabas ng kanilang gate. Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga pisnge ko.

Kailan ba 'to mauubos? Sobrang unlimited naman yata nitong mga luha ko.

"K-kuya...si mama.." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ng kapatid ko. Garalgal ito at hindi kasingsigla tuwing tumatawag siya sa akin.

"Bakit, Leo? Anong nangyari kay mama?" Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.

Pakiramdam ko...pakiramdam ko may masamang mangyayari.

"Si mama...wala na si mama kuya.." Napatutop ako ng aking bibig nang marinig ko ang sinabi ni Leo.

"Paanong..bakit? Bakit Leo?! Nagjo-joke ka lang 'di ba?!" Ang umiiyak kong tanong dito.

Wala na bang imamalas itong buhay ko?

"Inatake ito sa puso, kuya. Nalaman niya kasi sa balita na ikakasal na si kuya Raego." Ang kwento nito sa pagitan ng kanyang mga iyak. Napaupo nalang ako sa gutter at napasabunot sa sarili.

Bakit? Bakit ang mama ko pa? Bakit hindi na lang ako? Bakit ngayon pang kailangang-kailangan ko siya?

"U-uuwi ako ngayon. Hintayin mo ako ha?" Pagaalo ko dito. Meron pa si Leo. Nandito pa ang kapatid ko. Kailangan kong maging matatag.

Lutang at wala sa sarili akong napauwi sa bahay. Inilibot ko ang paningin dito at muling napaiyak. Wala kabuhay-buhay ang bahay na ito di kagaya ng dati noong kumpleto pa kami. Noong mga panahong nangangarap pa lang kami ni Raego. Noong mga panahong nagmamahalan pa lang kami.

Where To Find [√]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum