Universe 3: Unwanted Stranger

5K 311 59
                                    

ZEN

Ayaw kong maging bastos kaya napilitan akong maligo at magbihis. Isinuot ko ang puting V-neck shirt na pinatungan ko ng itim na jacket. I wear my ripped jeans and white sneakers. Pinili ko na ring kumain dahil gusto kong paghintayin nang matagal si Rozend para makabawi man lang. 

Bakit ba siya nandito? We're not even friends. I'm so mad that he's already close with my mother. They are both like the sun and with their lights combined, I feel like I will be blinded soon. Their lights can even burn me down.

I brushed my teeth and took my time to prepare what I need. Naglagay ako ng mga strips ng papel at ballpen sa sling bag ko. My Mom was undeniably thrilled to see me going out with someone else. She's also hoping for me to make new friends. I can see it in her hopeful gaze. Maging si Josh ay tuwang-tuwa rin sa pakikipag-usap kay Rozend. Hawak ni Rozend ang gitara niya at tinuturuan si Josh. My Dad is probably already at work today.

Rozend has the personality of being good with people. He's getting along well with my family. I hate it.

"Tara na," inis na tawag ko sa atensiyon ni Rozend.

"Dalhin na ninyo itong tuna sandwich na ihinanda ko," sabi ni Mama sabay abot ng maliit na lunchbox sa 'kin.

I rolled my eyes. "You don't have to prepare for this, Ma," inis na sabi ko.

"Okay na 'yan para hindi kayo magutom," nakangiting sabi niya. Umupo na siya sa tabi ni Josh at hindi na ako makatanggi pa. Isinuksok ko na lang ang lunchbox sa sling bag ko.

"Salamat, Tita Ives. Aalis na po kami ni Zen," magalang na pamamaalam ni Rozend habang isinusukbit sa balikat ang gitara niya. He's wearing a dark blue V-neck sleeveless shirt, baggy pants,  a combination of black and blue sneakers. He got a cool air around him that makes me sick. Gusto ko siyang itulak palabas ng bahay namin dahil masyado na siyang sipsip sa mama ko.

"Ingat kayong dalawa," masiglang sigaw naman ni Josh bago kami lumabas.

Our town, Serene, is quite big. Thirty blocks away to the east we will be able to reach Serenity Art's University. On the west, there is a huge park where students and children play and do their group activities. Ipinapakita ko kay Rozend ang mga lugar kahit wala akong sinasabi. Basta lang kami naglalakad. He's talking to me but I am ignoring him. As if I'm not here with him at all. Nang mapagod siya tumigil na siya sa pagsasalita at sa pagtatanong.

Dinala ko rin siya sa wet market sa norte. May mga fast food chains din sa lugar na ito. Sa timog naman matatagpuan ang sementeryo. May malawak na taniman din ng mga puno ng mangga at malawak na plantasyon ng iba't ibang halaman sa ilang bahagi ng Serene. May isang burol din kaming inakyat para mas makita niya ang buong lugar ng Serene kung saan kami nagpahinga. Masakit na rin ang mga paa ko sa paglalakad.

"Lola, hindi pa ba napapanis ang laway mo?" pang-aasar niya sa 'kin. Ipinatong niya sa damuhan ang guitar case. Nakaupo kami sa damuhan habang tinatanaw ang buong paligid. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya sabay irap.

"Ikaw? Hindi ka ba napapagod makipag-usap?" inis na tanong ko. Hindi siya sumusuko kahit ilang beses ko na siyang hindi pinansin.

Malapad na ngumiti siya at hindi pinansin ang pagkairita sa boses ko. "Hindi. Mas mabuti na ang magsalita kaysa malunod sa mga salitang hindi nasasabi," makahulugan niyang sagot.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Tila pinariringgan niya ako. "Ano'ng sinabi sa 'yo ni Mama?"

"Hmmm. The truth?"

"Yes. Tell me," nakasimangot na sagot ko.

"Pwede bang ilabas mo muna ang tuna sandwich? Baka mapanis yan sa bag mo," nakangising saad niya. I rolled my eyes. Muntik ko ng makalimutan na may sandwich nga pala akong dala. Ayaw ko siyang pakainin pero mukhang gutom na siya. Labag sa kalooban na inilabas ko ang sandwich at ibinigay sa kanya.

The Universe and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon