Chapter 58

11 5 0
                                    

CHLOE'S POV

Four days nalang before pasko pero wala akong nararamdaman na excitement, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil hindi ko rin talaga feel ang pasko dito, dahil hindi ko makakasama ang mga kaibigan ko, ang kaisa-isang taong gusto kong makasama.

Nakakalungkot lang dahil si Lolo at Mama lang ang kasama ko dito. Gusto ko na talagang umuwi ng Pilipinas kahit yun lang ang regalo ni Mama sa akin.

Nung balak sana naming umuwi ng Pilipinas last month ay naudlot sa hindi ko alam na kadahilanan. Lagi namang nauudlot ewan ko ba. Parang ayaw talaga ni tadhana lahat, tulad dun sa lalakeng nakahood na nakikita ko araw araw sa harap ng gate namin.
Oo, araw araw talaga.

Curious na curious at kating kati na ako malaman kung sino yun pero bakit ganon si tadhana, pilit syang nagdadala ng ikasisira para hindi ko sya makilala.

Damot mo tadhana sobra!

*Knock knock*

Agad kong tinago ang selpong hawak ko sa ilalim ng unan para hindi ito makuha. Mahirap na baka mahuli, kunin pa ni Lolo.

Yung unang selpon ko ay kinuha ni Lolo dahil hindi daw ako pwedeng makipag komunimasyon sa mga taong kilala ko sa Pilipinas, tinatanong ko kung bakit pero wala syang sinasabing rason. Kaya napagdesisyonan kong bumili ng bago, ang saklap nga lang dahil hindi nakasave ang mga contact numbers ng mga kaibigan ko.

Hayst! Hirap naman ng ganto.

Free nga ako gumalaw pero limited lang. Para parin akong nakakulong sa malaking hawla.

"Chloe" napabalikwas ako dahil sa boses na yun.

Bakit andito sya?

Agad akong tumakbo papalapit sa pintuan at binuksan ito. Isang napaka-gwapong nilalang ang bumungad sa akin.

"Ang gwapo" saad ko.

"Huh?" napapitik pa sya sa daliri nya kaya muli akong bumalik sa katotohanan.

"Ay este ikaw pala yan. Anong ginagawa mo dito?" pagsusungit ko bigla.

Hindi nya ako sinagot bagkus nag tuloy tuloy syang pumasok sa kwarto ko kaya hinila ko agad sya pero sadyang mas malakas sya kaysa sa akin kaya nakapasok parin sya.

Aish! Hindi pwede, nakakahiya ang gulo ng kwarto ko.

"Your room is very nice" sa sinabi nyang yun ay nagulat pa ako.

Anong nice jan nakakalat! Bulag ata to.

"Alam mo Harvey sa tingin ko kailangan natin lumabas ngayon" tugon ko, napalingon naman sya sa akin.

"You're right. Lalabas talaga tayo ngayon"

Hindi ko muna pinansin ang sinabi kaya napamewang nalang ako. "I think you have to go to EO"

"Hmm! Why?" gulat nyang tanong.

"You said earlier my room is very nice, eh anong nice dito ang gulo gulo!" pagsusungit ko at inilibot nya naman ang tingin nya sa kabuuan ng kwarto ko at natawa nalang sya bigla.

"Tawa mo jan?" dagdag kong tanong.

"Hindi naman magulo eh, actually maayos naman sya tignan"

Napairap nalang ako sa sinabi nya. "Whatever. Bakit ka nga pala andito?"

"Samahan mo ako" saad nya.

"Saan?"

"Bili ng mga regalo" sagot nya.

"Ikaw nalang kaya mo na yan" saad ko saka tinali ang buhok ko ng pa-bun.

Unexpected Love (UNEDITED VER.) Where stories live. Discover now