Chapter 25: A Vampire's Battle

Start from the beginning
                                    

Makikitang nagkakagulo ang labas ng palasyo, lalo na nong dumating na ang mga rebeldeng nakatira sa malayong dapit ng kagubatan ng Alegria. Tumambad sa kanila ang pag-aaway sa labas ng palasyo at doon nga nila nagpantantong nagsisimula na ang digmaan.

Bawat mandirigma ng Alegria at Valencia ay malalakas kaya nahihirapan ang Haring si Benedict at ang mga anak nitong si Troy at rain na makapasok sa loob ng palasyo.

Dumungaw naman si Haring Benedict at nakita sa bintana ang kanyang kapatid na si Gilbert na gulat na gulat na makita ang digmaang nagaganap sa labas.

Tila mas lalong nagalit si Troy ng makita ang pagmumukha ni Gilbert. Mas lalo siyang nag-init kaya sa galit nitoy mabilis niyang pinag kakagat at pinatay ang mga kawal na malapit sa kanya.

Lumabas din ang bampirang pinagkakatiwalaan ni Gilbert sa palasyo na si Kael. Nakita ni Kael kung paano patayin ang kanyang mga kilalang kawal sa Alegria. Tila umapaw din ang galit sa buong katawan niya.

Sinugod niya ang mga mandirigma ng Valencia at walang awa rin itong pinatay. Hanggang sa nagkaharap sila nila Troy.

Walang ka ekspresyon ang mukhang ipunukol ni Troy kay Kael. Alam niyang ang lalaking ito ang isa sa nagpahirap kay Sirene. Unang sumugod si Kael pero agad namang kinuha ni Troy ang kamay ni Kael at itatapon sana siya sa gilid ngunit dahil malakas din si Kael ay hindi siya naitapon ni Troy ng ganon ganon lang.

Sinuntok ng malakas ni Kael si Troy sa sikmura kaya napaatras ng bahagya si Troy. Napangisi naman si Kael sa kanyang nakita. Inaakala niya na malakas ang prinispe 'yon naman palay hindi.

Pero mali ang ginawa niyang pag ngisi dahil mas lumakas si Troy. Iniisip ni Troy kung paano pinahirapan ng lalaking ito si Sirene. Kung paano niya tinakot si Sirene sa kanyang panaginip nong nasa Valencia pa si Sirene.

Agad na sumugod si Troy at sinuntok ng malakas si Kael. Pinagsusuntok niya ito na parang wala ng bukas. Agad niyang hinawakan ang balikat ni Kael at iwinasiwas ang katawan nito patungo sa kapatid niyang si Rain.

Nakuha naman ni Rain ang nais gawin ng kanyang kapatid kaya agad niyang hinawakan ng mahigpit si Kael sa balikat. Nakita naman ng lahat kung paano nataranta si Kael pero hindi nagpatinag si Troy.

Agad niyang hinawakan ang ulo ni Kael at kinuha ang punyal na dala-dala niya kanina pa. Dahan-dahan niya namang ibinaon sa puso ni Kael ang punyal at agad na inikot ang ulo nito dahilan upang bumagsak ang patay na katawan ni Kael sa sahig.

Napasinghap ang ilan sa nakakita at hindi makapaniwala. Sa 'di kalayuan naman ay may nakamasid pala ang isang bampira, gulat na gulat sa kanyang nakita.

Hindi siya makapaniwalang pinatay ng prinsipe si Kael. Akala niya ay iba ang prinsipe, akala niyay mabuti ito at hindi kayang pumatay. Naramdaman na lamang ng bampira ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Mabigat ang kanyang dibdib na tila ba libo-libong punyal ang sumaksak sa buong katawan niya. Maghihiganti siya...

Tuloyan nading nakapasok ang Hari at ang prinsipeng si Troy. Nagpa iwan sa labas ang prinsipeng si Rain upang labanan ang iba pang mga kaaway.

Nakita ng mag-ama ang mabilis na pagtakbo ni Gilbert. Tila ba hindi ito mapakali. Mabilis itong sinundan ng mag-ama ngunit may humarang sa kanilang mga kawal. Marami sila. Pero pinilit ng Hari na labanan ang mga kawal ng mag-isa upang masundan ng kanyang anak ang kanyang kapatid na si Gilbert.

Hindi man nais ni Troy na iwan ang kanyang ama pero kinakailangan. Mabilis niyang sinundan ang gawi ni Gilbert pero nawala na ito. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Nakakaramdam na siya ng kakaibang sensasyon at kinakabahan siya.

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now