Chapter 35: The Case of Cassie

10.4K 546 57
                                    

✦✧✦

MITA

Nasa loob ako ng bahay namin kasama ang sanggol kong babae. "Ang cute cute talaga ng Cassie ko!" My daughter is my most precious possession. Hindi ako mayaman, wala rin masyadong alam sa buhay. My baby Cassie is my world, and I would do anything for her.

Nagulat ako nang biglang may pwersahang nagbukas ng pintuan ng bahay. Pagtingin ko sa likod, may mga lalaking nakaitim at hawak na mga baril.

"A-Anong kailangan mo? Sino ka? Kunin mo na ang lahat sa bahay ko, 'wag mo lang kaming saktan ng anak ko!"

"Ang anak mo ang kailangan namin."

I immediately hugged my baby closer to my chest. "Hindi puwede! Sino ba kayo?"

"Kami ang Crossed Bones. Ang inuutangan mong kompanya ay nasa ilalim namin. Ilang taon ka nang hindi nagbabayad at baon ka na sa utang!"

"Babayaran ko kayo 'pag nagkapera na 'ko!"

"Sa laki ng utang mo samin, hindi na pera ang kailangan namin sa'yo!"

"Kunin niyo na lahat! Pabayaan niyo lang kami ng anak ko!" Nagmamakaawa na ako.

"Nagkakamali ka kung akala mong gano'n gano'n lang ang Crossed Bones. Hindi kami nagpapalampas ng mga kagaya mo."

"M-Maawa kayo... Siya na lang ang natitira sa'kin..." Niyakap kong maigi si Cassie.

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang tutukan niya ng baril ang anak ko. "Mamili ka, papatayin namin 'yang sanggol o ibibigay mo siya sa'min?"

Panay iling ko. Hinigpitan ko ang pagkakayap kay Cassie pero nagawa pa rin siyang kunin sa'kin ng mga lalaking nakaitim. Umalis na sila dala-dala ang anak ko. Hinabol ko sila ngunit tinulak nila ako nang malakas at napaluhod na lang ako sa sahig habang humahagulgol. Sinubukan ko ulit tumayo kaso nakasakay na sila sa isang van at humarurot paalis.

"Cassie! Cassie anak ko!"

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, halos nabaliw na ako. Panay lakad ko na lang sa kalsada at hindi na rin ako kumakain. Pero nagbago bigla ang buhay ko nang makabangga ako ng isang lalaki.

"S-Sorry po, Sir!" Yumuko ako sa taong nabangga ko.

Sumagot agad 'yong kasama niyang guard. "Lumuhod ka! Dinumihan mo ang amo namin! Mag-sorry ka nang maayos!"

Hindi ko inaasahang ganito na kababa ang dignidad ko. Nawalan na ako ng anak at rason para mabuhay. Wala na akong pinagkaiba sa mga dagang nakakatabi ko sa pagtulog. I was at the lowest point of my life.

"Huwag ka nang lumuhod." Nanlaki ang mga mata ko nang alukin sa'kin ng taong nabangga ko 'yong kamay niya. "Tumayo ka na riyan. Mas lalo kang marurumihan kapag lumuhod ka sa lupa."

"P-Pero, boss!" singit ng guard niya na nagsalita kanina.

"Ano ba kayo? Tinuruan ko ba kayong maging mga walang puso?" Hinarap siya ng amo niya. "Hindi tayo katulad ng Crossed Bones."

"Sorry, Sir."

Nang marinig ko ang dalawang salitang iyon ay tila biglang nagkabuhay ang katawan ko. "Crossed Bones? Tama ba'ng narinig ko?" Bigla ko siyang sinugod ngunit naharangan agad ako ng mga kasama niyang guard. "Dalhin niyo 'ko sa Crossed Bones! Kinuha nila si Cassie, ninakaw nila ang anak ko!"

"Ako si Jasper. Maaari kitang tulungan," sabi sa'kin ng amo nila. "Pero hindi ko masisiguro kung gaano katagal bago natin mababawi ang anak mo mula sa kanila."

"Ayos lang sa'kin! Gagawin ko ang lahat!" Paos na paos na ang boses ko kakahiyaw.

"Sumama ka sa'min sa WSC. Puwede ka roong manirahan, hindi ka nararapat sa kalsada. Bibigyan ka namin ng mga damit, pagkain, at trabaho."

"WSC?" Biglang sumibol ang pag-asa sa puso ko. Akala ko ay wala nang silbing mamuhay pa, ngunit isang estranghero ang nagbigay sa'kin ng panibagong pagkakataon sa buhay.

"Tamang tama, may espesyal na trabaho ako para sa'yo na tiyak na magugustuhan mo," nakangiting alok ng estrangherong ito.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon