Sobrang nakakapag taka lang kasi nung field trip namin sya last nakita and then nakita nya si Kevin na may katabing babae, masyadong mababaw na dahilan yun upang lumayo sya ng mahigit isang taon na.




CARAH'S POV

The next day.

Nandito kami ulit sa bahay nila Ethan para mapag usapan kung kelan ang alis. Kompleto narin kami kasama si Ella, ay hindi pala. Hindi daw sasama si Mich at Leah kasi gusto nilang makasama ang pamilya nila sa pasko.

Dumiretso na kami sa pool side nila Ethan upang makapag simula ng mag usap-usap.

"So kelan nga ang alis?" Raike.

"Before christmas" si Ethan.

"Pero paano nyo ako mailulusot masyadong mahigpit ang airports" tugon ni Ella.

"I'll handle about it" seryosong tugon ni Ethan.

Madali nalang para sa kanya yan dahil matalino sya at alam kong kayang kaya nya gawan ng paraan para makalusot si Ella.

Ang pinagtataka ko nga rin ay bakit nababahala sya sa pagiging mahigpit ng airport eh hindi naman nila sya kilala eh.

"23 ang alis natin, so far so good nakausap ko si Kevin. Nung una ay hindi sya pumayag na sundan natin sya pero in-explain ko sa kanya. May binili syang condo duon kaya hindi na tayo mamomoblema" Josh.

Ang gandang pakinggan na okay na sila. Masakit sa akin dahil naiipit ang boyfriend ko sa gulo ni Chloe at Kevin, pero kung tutuusin ay kaibigan nila kami kaya kailangan naming mag tulungan.

Nakakaloka naman kasi si Seb eh

Marami pa kaming pinag usapan, hindi mawawala ang pamimilosopo ni Raike at Josh kaya kahit anong seryoso namin ay natatawa parin kami dahil sa kanila.





KEITH CHAVEZ'S POV (Ella's mom)

"Papa anong plano?" seryosong tanung ko sa kanya.

Nandidito kami ngayon si opisina ng kompanya namin.

"Hindi tinupad ni Louise ang usapan namin. Wether they like it or not kahit alam kong pwedeng mapahamak ang apo ko itutuloy natin ang dating plano, Keith!" ma-awtoridad nyang tugon.

"Masyadong delikado yun Papa-"

"I know pero hangga't sa hindi tayo gumagalaw ay mas lalong ilalayo nila si Chloe" dagdag nya pa.

Nakaupo ako sa couch habang sya ay nakatayo at nakaharap sa salamin kung saan kita ang lugar.

"Kelan ang simula?" ako.

"As soon as possible. I'll talk to my secretary. Mas maganda rin na pinayagan ko si Ariella upang mag tungo sa London para alamin nya ang galaw ni Chloe"

"Okay Papa" yun na lang ang tanging naisagot ko.

May isang salita si Papa kaya alam kong gagawin nya lahat para mabawi at maibalik sa amin ang anak ko. At hindi rin ako makapapayag na kunin ni Janice ang custody nya. Ako ang nagluwal sa kanya kaya mas malaki ang karapatan ko.






GAYLE'S POV

Napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko dahil sa sobrang kabusy-han namin ngayon ng kapatid ko sa pag asikaso ng mga papers ni Chloe.

"Brother are you really serious about this?"  pagbabasag ko sa katahimikang namamagitan sa amin.

"Yes Ate. Mas mabuting malayo sya dito, mas mapapahamak sya. Kilala ko si Mr. Chavez, wais rin ang taong yun kaya kahit na ikapapahamak ng iba basta makuha nya lang ang apo nya ay gagawin nya" saad nya.

"Pero bakit nadamay ang mga kaibigan ni Chloe?"

"Mas mabuti na yun ate, para walang umistorbo sa kanya. And soon kakailanganin nya naring gawin yun dahil ililipat na sya ni Lolo dun at dun na sya maninirahan"

"You know what, sa lahat ng pinsan natin? She's my favorite. Coz she's very jolly. Magmula nang dumating sya sa family natin, naging masigla ulit kaya natatakot rin ako na mahiwalay sya sa atin pero hindi dapat tayo ang nagdedesisyon sa buhay nya Liam" mahabang sambit ko kaya napalingon nalang sya sa akin.

"I'm just doing what Lolo said, lahat naman tayo ayaw syang mahiwalay sa atin."

Napasinghal nalang ako dahil naaawa ako sa batang yun. I'm sure kapag nag 18 na sya she can decide in her own na. Sana nga legal age na sya eh para hindi sya nahihirapan ng ganito.












Sorry if may mga incorrect grammars, correct nyo nalang ako thru comment section. Thanks!

THANK YOU FOR READING, ALSO DON'T FORGET TO VOTE.

Sana naenjoy nyo:)

GODBLESS! 💗

Unexpected Love (UNEDITED VER.) Where stories live. Discover now