Sinusubukan ko lang mag-reply nang maayos pero hiyang hiya na talaga ako!

Claude Johnson Noestro: My sister's 5

Ngumiwi ako sa sarili ko.

Oo nga pala. Alam ko 'yon! Si Sophia, kafa-five niya palang nung new year! Hindi lumusot palusot ko, ah.

Claude Johnson Noestro: Anyway I can give it to you later. You left your wallet here, too.

Rafaela Escalde: Ang effort naman luh

Claude Johnson Noestro: I'm dropping off my mom at Puregold later I can easily drop by your house to give you your stuff

Claude Johnson Noestro: I still remember what you told me last night haha

Sobrang bilis ng hinga ko dahil nagpapanic na ako nang sobra! Bwisit na alak 'to! Never again! Sinusumpa ako na talaga ang alak!

Rafaela Escalde: Ha hehe di ko maalala eh tska di ako yung nagsasalita kagabi sinaniban ako skl ko lang

Claude Johnson Noestro: Okay whatever floats your boat

Claude Johnson Noestro: I'll be there in an hour

Ngumisi naman ako. Gusto kong i-reply, crush mo lang ako eh, kaso wag na. Mamaya isumbat niya nanaman yung mga sinabi ko kagabi!

Mabuti na lang at nakaligo na ako at mukhang fresh na fresh ako. Naglagay ako ng kaonting lip tint at blush on para mukhang natural blush lang. Nag-palit na rin ako ng mas magandang pambahay na damit dahil naka-Olaf na hoodie lang ako at leggings. Nag-suot ako ng white na hoodie galing sa H&M. Hindi ko na pinalitan ang leggings ko at ginamit ko na lang yung uggs ko na kulay white.

Siyempre, nakakahiya na nga ako kagabi, dapat bawiin ko naman ngayon.

Nang mag-chat si Claude na nasa labas na siya ay tumakbo ako labas ng bahay at binuksan yung gate. Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan niya at kinuha yung napkin at wallet ko sa front seat. Naka-on pa rin yung aircon niya kahit na hindi naman ganon ka-init sa labas.

Saktong weather lang naman. The sun is out so it's nice.

"Thanks!" Sabi ko.

Tumango siya at nilagay niya ang kamay niya sa manibela. Pinagmasdan ko siya bago ko isarado yung pinto. He's wearing a plain white hoodie and plain gray jogger pants. Hindi ko makita kung anong shoes ang suot niya pero panigurado mamahalin nanaman.

"Uy! Matchy naman tayo ng hoodie. Galing 'yan sa H&M 'no?" Ngisi ko.

Wala pa ngang kami, couple hoodie na kaagad kami! Hay ang sweet talaga kinikilig ako.

Bago pa siya makasagot ay biglang nag-bukas ulit ang gate namin at lumabas si Margaux. Nagulat siya nang makita si Claude.

"Kaya naman pala nagpaganda ka kanina," sabi niya habang nakalagay ang isang mapang-asar na ngiti sa labi niya. "Hi, Claude."

He bit his lower lip to stop himself from laughing kaya naman napa-irap ako.

Grabe! Nilaglag kaagad ako ng kapatid ko! bruhang 'to! Walang kwenta!

"May pupuntahan rin lang ako," sabi ko.

"Weh? Sabi mo magpapractice ka mag-drive?" sagot ni Margaux sa akin. Lumingon siya sa loob ng sasakyan at tinignan si Claude.

"Gusto mo turuan 'tong kapatid ko?" tanong ni Margaux sa kanya.

Umiling kaagad ako. "Nope! I can learn by myself."

"Automatic lang naman ang alam mong i-drive! Para kang naglalaro sa Quantum!" sabi niya sa akin. "Claude, kung turuan mo 'to, sagot ko na first date niyo."

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now