Chapter 5

29.7K 1.3K 2.2K
                                    

"Pakiramdam ko talaga may sumpa ka, e," sabi ko kay Claude habang naglalakad kami pabalik ng school.

Busog na busog ako dahil naka-dalawang kanin ako sa Bonabil. "Pag nand'yan ka, nakikita ko ex ko, eh!"

Kunot noo niya akong tinignan. Umismid lamang siya at wala nang sinabi.

Ang hirap talaga nito kausap!

"Alam ko na!" Ngisi ko. "Sa game niyo sa UB, ichi-cheer kita! Pansinin mo ako, ha, para hindi naman ako mukhang fan mo."

"But you are," sagot niya sa akin.

Sinamaan ko siya nang tingin kaya napa-tawa siya nang bahagya.

"Why are you so obsessed with this guy anyway?" tanong niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Excuse me! I am not obsessed!" depensa ko sa sarili ko.

Agad ko namang inangat ang phone ko para makita kung bakit ito tumunog.

From: Jaxon

San ka? I saw you a while ago.

"Yeah, right." Claude scoffed while reading Jax's message as well.

Umirap ako at mas lalong nainis sa tono niya.

Hindi naman ako obsessed!

"I don't get why you're still in contact with your ex. You just told me a while ago na you guys broke it off a year ago." Nakapamulsa siya habang nagsasalita. Ako naman ay naka-hawak pa rin sa phone ko at sa libro.

"Not listening ka! Hindi 'yon one year! Eleven months, Claude." Iling ko. "Ang haba naman na masyado ng isang taon!"

Napaawang ang labi niya nang sabihin ko 'yon. "You're crazy."

"Hala, oo nga 'no?" sabi ko sa kanya nang matamo ko na malapit nang mag-isang taon. "Naalala ko, naglalandian na kami noon nung merong Session in Bloom, eh!"

"How are you going home?" tanong niya sa akin. Nagulat ako nang mapatingin ako sa orasan ko. Grabe! Halos dalawang oras na rin pala kami magkasama. "I can drive you home."

"Saan ka ba nag-park?" tanong ko sa kanya para hihiwalay na lang ako kung sa kabilang daan pa ang pinag-parkingan niya.

"Church."

"Ayoko sumama, baka masunog ako! Taxi na ako." I laughed.

Kumunot ulit ang noo niya. Sa huli, napilit ko rin siya na hayaan akong mag-taxi na lang pero kinuha niya muna ang plate number ng taxi.

"Manong," sabi ni Claude sa taxi driver.

Hala, ang cute naman?! Sasabihan niya yung driver na ingatan ako?

"Mag-ingat po kayo sa kanya."

Bago ko pa siya ma-mura ay nag-lakad na siya paalis at si manong driver naman ay tumatawa.

"Nakakatawa naman po yung boyfriend mo, madam," sabi ni manong driver.

Mukhang may edad na rin siya at nakuha naman ni Claude yung plate number kaya hindi ako kabado.

"Hindi ko po boyfriend yun manong! Baka soon. Charot!" Tawa ko. "Kasi naman manong, ading lang daw tingin sa akin pero napaka-pafall naman ng mukha niya! Tapos kapag mahulog ako, ako pa may kasalanan?! Kasalanan ko bang gwapo siya?!"

Ngumiti siya kahit na mukhang hindi niya naintindihan yung sinabi ko. "Ma'am saan po ba tayo?"

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o mahihiya kasi nakwento ko ba yung pagka-crush ko kay Claude kay manong driver pero hindi ko pa pala nasasabi kung saan kami pupunta.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now