Chapter 20

26.4K 1K 1K
                                    

Natapos ang linggo na hindi kami nagpapansinan ni Claude. I chose not to talk about it first with the others, but I only told Vale and Natalia. Hindi ko alam kung bakit tahimik lang silang dalawa nung pabalik na kami sa Baguio.

"Thanks, Vale," I smiled at him once we reached our gate.

Lumingon ako kay Natalia na nakahalukipkip lang sa likod. Siya na lang ang natira dahil hinatid na rin namin sina Mage. Kanina, dito siya sa harap naka-upo pero pagkarating namin sa La Union ay pinilit niyang sa likod na lang siya dahil matutulog daw siya.

"Sino kasama mo d'yan?" tanong ni Vale.

"Si Paul lang. Sina Mama kasi nasa Manila ulit," I answered.

Margaux and Franco already found a really nice house but Margaux is moving out after their honeymoon pa.

"You sure you're good? Di mo kailangan ng dinner?" tanong ni Vale. "Bibili ata kami ng pagkain niyang bata."

Sinipa kaagad ni Natalia ang likod ng upuan ni Vale kaya natawa ako. Umiling na lang ako at tinanggal yung seatbelt ko.

"Mag-luto na lang ako ng pancit canton." I laughed. "Rereview pa ako. Review ka na rin!"

Binuksan ko yung pintuan pero hindi pa rin gumagalaw si Natalia. Mukhang gusto niyang doon na lang siya sa likod.

"Di ka lilipat sa harap?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya at nginitian ako. "Review well."

Lumingon si Vale sa kanya pero walang sinabi. Sinara ko na lang yung pintuan at kumaway sa sasakyan ni Vale bago pumasok sa gate. Dumiretso ako sa loob ng bahay at nakita si Paul na naglalaro ng PS4 sa sala.

"Hoy, matulog ka na," sabi ko sa kanya. "Kailan umalis sina Mama?"

"A while ago," sagot niya.

"You ate na?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya pero hindi ako nilingon. Naka-uwi na sila dito nung isang araw galing sa Ilocos kaya naunahan nila kami. Ginulo ko nalang buhok niya at dumiretso sa kusina.

Nagulat ako sa Sinigang na nandoon kaya agad akong nag-handa ng plato para kumain.

"Ate there's someone at the door!" sigaw ni Paul.

"Buksan mo!" sigaw ko pabalik.

"Ikaw na, ate!" sigaw ulit ni Paul. "Naglalaro ako!"

Umirap ako sa kawalan at tumayo para mag-lakad patungo sa pintuan. Nagulat ako nung nakita ko si Claude na nakatalikod at paalis na.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

Akala ko bumalik na sila ni Alice sa Manila. It's been five years since I've seen him on this porch. It's been five years since I've even seen him here in Baguio.

Bumalikas siya at tinignan ako. Nakapamulsa lang siya. Unlike before, he carries himself even better now. Halatang mayaman nga siya. At hindi lang mayaman na.. galing sa pamilyang mayaman. Mayaman na sariling yaman.

"What are you doing here, Claude?" tanong ko ulit sa kanya.

Tahimik lang siya at nagbuntong hininga.

"I don't know," he muttered.

Kinagat ko ang labi ko. He looks so frustrated again. Gusto ko nanamang yakapin siya. Gusto ko na lang ibalik lahat nung hindi pa siya umaalis. Pero wala na kami sa kolehiyo. We're not the same people that we used to be.

He is not the same guy who used to meet me after his trainings, and I am not the same girl who depended on people for love that completed me.

"Nasaan si Alice?" I asked him.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now