"Coleenn laro tayo." Nakangiting wika ni Ashleey pero hindi ako nakikinig sa kaniya.
Nasa sofa lang atensiyon ko kung nasaan ang kuya niyang si BRYLEIGH KANE SAAVEDRA. Ang lalaking crush na crush ko. Nakikinig siya ng music sa ipad niya.
"Coleenn! Ano ba!"
Napabikwas ako at tiningnan ang nakasimangot kong bestfriend. Alam niya na may crush ako sa kuya niya. Sila ng parents ko ang may alam tungkol sa pagkakaroon ko ng crush ni Kane.
Grade 4 pa lang kami ni Ashleey nang magka-crush ako sa kuya niya. Grade 5 si Kane non at matanda sa amin ng tatlong taon. Pareho kami ng school na pinapasukan kaya alam ko kung gaano siya kasikat. Bakit naman hindi? Gwapo, mayaman at palakaibigan. Well except sa akin. Kasi palagi niya akong inaasar. Iiyak ang araw kung hindi ako inaasar ng lalaking ito. Ganunpaman, hindi parin nawawala ang pagkakahumaling ko sa kaniya.
"Ashleey tara! Punta tayo don sa gym. Manonood tayo ng laro ng Kuya mo!" excited kong sabi kay Ashleey na nagpapak ng mani.
"Ikaw nalang. Ang ingay-ingay don"
Tumawa lang ako sa inasta niya at hinila siya papuntang gym. Halos mangisay ako sa kilig sa tuwing manonood kami sa laro niya. Hindi alam ni Kane na crush ko siya. Sa tingin ko kasi pag nalaman niya baka mandiri pa yun sa akin, kaya mas mabuting ilihim ko nalang.
"Coleenn anong ibibigay mo kay Kuya bukas?"
Nasa bench kami ng school. Bukas ang valentines day celebration kaya nag-iisip ako ng pwede kong maibigay kay Kane. Pero syempre hindi ako ang magbibigay, si Ashleey lang.
"Naisip kong bumili ng chocolates tapos tutunawin ko at gagawing heart shape" Excited kong saad.
Mahilig sa chocolate si kane kaya sigurado akong magugustuhan niya yun. Kaya nagpabili ako ng maraming chocolates kay Mommy. Ginawa ko kaagad at ginawang heart shape. Nilagay ko siya sa isang heart shape na kulay red na box at nilagyan ng note.
A chocolate for the only one I love. Happy valentines day
-Someone who loves you secretly
"Ano Ash? Naibigay mo na ba sa kaniya?" Tanong ko kaagad sa kadarating na si Ashleey.
"Oo. Tinanong pa nga ako eh, kung kanino daw galing yun. Sinabi ko naman na pinapaabot lang sa akin. Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa kuya ko."
"Ayoko. Baka magalit pa yun sa akin. Alam mo naman kung paano niya ako asarin diba? Halos bigwasan na nga ako non eh. Kaya ayokong sabihin."
Natatakot talaga ako na malaman niya kaya hangga't maari ililihim ko nalang. Kontento na ako sa pagtatanaw sa crush ko sa malayo. Bahala na si batman. Siguro mamaya ko na sasabihin kapag nasa tamang edad na ako. Siguro naman magiging bagay na din kami kapag darating ang araw na yon...
YOU ARE READING
No One Else
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, places, characters and events ay produkto lamang po ng aking imahinasyon. Hindi po perfect ang story na ito kaya kung naghahanap kayo ng perpektong manunulat, maghanap nalang ho kayo ng ibang story. Please read wit...
