Nakita ko naman siyang natawa sa akin, sinimangutan ko lang naman ito. Nakita 'kong kakausapin sana ako nito nang mapalingon sa may likod ko nang may kumalabit sa akin.




"Elizabeth, naiwan mo yung cellphone mo." sabi ni Rafael.




"Ay Salamat." nakangiting sabi 'ko kay Rafael, pagkabigay sa'kin ng order 'ko ay agad na akong umalis.

--




Natapos ang klase at papunta na ako ngayon sa parking para makauwi na, gusto ko nang magpahinga. Napatingin ako sa notes 'ko sa phone para tingnan ang mga kailangan 'kong gawin mamaya.




Napatigil at nanlaki naman ang mata 'ko nang makita si Ethan na tumatawa kasama yung lalaki na nakita 'ko sa ig story niya.



Lalong nanlaki naman ang mga mata ko nang batukan ni Ethan ito. Grabe, ang sama naman na boyfriend ni Ethan. Lalo ako nagulat nang makita kong napatingin silang dalawa sa akin. Dahil sa gulat ay agad akong tumakbo papunta sa sasakyan.



Gusto 'kong maiyak dahil sa pagkatapilok 'ko. I can feel that they are looking at me. Huminga pa ako ng malalim bago nagsimulang maglakad uli papunta sa may kotse.




Kinabukasan, ay pinigilan 'kong magpunta sa coffee shop kung saan kami madalas magkape ni Ethan. Nang makita ko kasi silang dalawa kahapon. Doon lang nagsink in sa akin lahat. Madalas kasi ay may halong crush ang tingin ko sakaniya. Ayokong lumalim ito.




Ang hirap iwasan ni Ethan, lalo na't nasa school araw-araw. Pag nakikita niya ako sa parking ay iniiwasan ko rin siya. Nakakaloka.



Natapos ang ilang araw na hindi na ako nagpupunta sa coffee shop. Pero dahil gustong gusto ko na talaga ng kape ay sa ibang coffee shop nalang ako pumunta.



Pagkakuha 'ko ng kape mula sa counter ay maglalakad na sana ako papunta sa upuan nang...


"Dito ka na nagkakape?"



Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Ethan na malalim ang tingin sa akin. Nakita 'kong may kasama itong mga engineer.


Agad 'ko namang nilagay sa tenga ko ang cellphone 'ko. "Hello? Ah sige. Punta na ako dyan." sabi ko at tumingin kay Ethan. Halatang di naniniwala sa ginawa 'kong alibi.


Agad naman akong mabilis na naglakad papaalis nang makitang lalapit pa sana sa'kin si Ethan. Pagkarating sa parking lot ay hingal na hingal ako. Nagkatapon tapon pa yung kape! Sayang!




Bakit ba lagi akong nagmumukang tanga pag iniiwasan si Ethan? Gosh.



Bumalik ako sa bahay pagkabili. Nagayos din ako ng condo ngayon dahil pupunta si Rafael. Tae bakit ko kasi nasabi na sa condo kami gumawa?



Pagkarating ni Rafael sa condo ko ay agad ko itong pinakain. Binuksan ko ang tv habang nagdradrawing kami.





Kinuha ko ang cellphone at nagboomerang, ipinakita ko ang mga ginagawa namin. Sumingit naman si Rafael sa boomerang kaya't natawa ako. In-ig story ko ito at pinagpatuloy na namin ang ginagawa.



Nagpaalam na siya nang mag 4 na. Pumayag naman ako since ayaw ko rin naman na magtagal siya.


Nagulat ako nang buksan ko ang cellphone. Pinatay ko kasi ito kanina. Ngayon lang ako nagcheck. Napatingin ako sa mga message ni Olivia sa akin kanina. Nakailang missed calls din siya na 'di ko napansin.



From: Olivia

Hoy babae, asan ka?




Napataas ang kilay ko sa mga messages ni Olivia at agad na nagtaka kaya't tinawagan ko ito.


Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now