Luminga ako sa paligid. In fairness, maganda naman ang bahay. Kahit papano may taste naman pala ang nanay ko pagdating sa mga ganitong bagay. Mukhang sa mga lalaking idedate lang siya sablay. I snorted.

Anyway, I'm Jazz Serrano, nineteen years old. College student. Marketing ang course ko. Galing kami sa malayong probinsya ng Bulacan. I sniggered. Pero ngayon ito nga at nasa Quezon City na kami. Napilitan akong mag transfer sa ibang University na malapit dito dahil nga sa kagustuhan ng nanay ko na lumipat kami ng tirahan. Inis na inis pa nga ako sa kanya noong una, hindi ako umuwi ng ilang araw dahil dun. Nakikituloy ako sa kaibigan kong si Senna. Pero dahil naman sa walang tigil na pagporma sakin ng kuya niya, napilitan rin akong umuwi. At hanggang sa napilit na rin akong mag-transfer ni mama. Ang nakakainis pa nito, pagkaenroll ko kahapon, pinaalam na agad sakin sa registration pa lang na magiging irreg student ako. Meaning, palipat lipat ng classroom, walang permanenteng kaklase. Nakakabwisit yon.

Napabuntong hininga ako. Wala rin naman kasi akong magagawa. Andun na eh. Take everyday as it comes, sabi ko nga sa motto ko.

Nang bumaba ako ay saktong nakasalubong ko si mama. May dala siyang isang maliit na karton na may nakasulat na misc sa harapan.

"I'm taking the west room." imporma ko sa kanya.

"No problem. So, how do you find the place? Ain't it wonderful?" ngiting ngiting tanong niya sakin. Kung tutuusin, mabait naman talaga ang nanay ko, I just don't like it when she involves herself with too many guys. Simula kasi nung namatay ang Daddy ko, after a few years she started dating again. And to my disappointment, if not with younger men, she dates old men. Really old men, na minsan papasa na yatang lolo ko.

I sighed. "Sakto lang. I'd prefer our old house."

"But we can't stay there any longer..."

Agad ko syang nilingon. "Ano ba kasing problema, Mommy? Bakit kailangan natin lumipat?" tanong ko. "At saka san mo kinuha yun pambayad dito sa bahay? Masyadong maganda 'to, I'm sure, mahal 'to."

"Shhh. Wag ka nang madaming tanong." mabilis na saway niya sabay talikod sakin. "Mabuti pa tumulong ka na lang sa pagbababa ng mga gamit."

Nginusuan ko lang siya. "I'm tired. Kaya na nila yan." naupo ako sa may sofa sabay patong ng paa ko sa center table na kasama sa mga unang naibaba na gamit. I stole a glance at my watch. 8:30 am. It's still too early.

Before I knew it, I was dozing off.

~ ~ ~ ~

"Jazz, wake up. kumain ka na."

Nang imulat ko ang mata ko ay nabungaran ko ang nakapameywang na imahe ni mommy. Luminga ako. Everything's in its place already. Cool. Hindi ko na kailangan magbuhat ng kung anu ano. I wonder how long I was out.

"D'yan ka pa talaga natulog, dinadaan daanan ka ng mga trabahador kanina. Hindi ka man lang talaga tumulong sa pagbaba ng gamit."

"Mommy.." ungot ko.

"What?"

"Shut up, please?" bumangon ako at tumungo sa dining area.

"Aba! umayos ka ng pananalita mo sakin, Jazz. I'm still your mom!"

I smirked. "Well, sometimes, you do not even act like one." pabulong kong sabi.

"You're saying something?"

"Wala po." I gave her a too innocent smile. "Why don't we just eat mom? I'm famished." naupo ako sa dining table at awa naman ng Diyos ay may pagkain duon. Nagpabili siguro si Mommy ng Pizza. Mabuti naman dahil gutom na gutom na 'ko.

Agad kong nilantakan ang Pizza. Favorite ko pa naman yun flavor, Hawaiian. Umupo naman sa tapat ko si Mommy. "I already met our neighbors. Okay naman sila. Iniimbitahan nga tayo magdinner nung nakatira sa tapat natin. I already said yes. and you know, what? there's a goodlooking guy-"

"Mom!" saway ko sa kanya. "Please! My God." Uminom ako ng juice. Mawawalan nanaman ako ng gana sa mga pinagsasasabi niya. Napailing ako.

"I was just saying!" Nakangising sagot nito.

Umirap naman ako. Minsan, hindi ko na malaman kung sino ba talgang mas matanda sa amin.

"You have to look good later.."

"Are you serious? It's just a dinner kasama ang kapitbahay. We are not dining out with the President. For God's sake!" patuloy ang pag iling ko. "And besides, may lakad ako mamaya."

She looked at me suspiciously. "With who?"

"A friend."

"Who?"

I rolled my eyes. "with Senna."

"Are you running away again? Coz if you are-"

"I'm not." Tinapos ko na ang pagkain ko. "we are just gonna hang out. Don't get all stressed."

~ ~ ~ ~ ~

Madilim na nung maisipan kong umuwi. Siguro nasa bandang alas siete na.

Tumambay lang kami ni Senna sa isang mall. Katulad ko, medyo pasaway din si Senna. Parating wala ang parents niya at ang parati lang niyang kasama ay ang kuya nya na unang kita pa lang yata sakin eh patay na patay na. Tsk. Sorry na lang siya dahil hindi ko ugaling pumatol sa mga kapatid ng mga kaibigan ko. At lalung lalo na hindi ako pumapatol sa mga goodie two shoes na gaya nito.

Dahil wala naman akong kotse, naglakad na lang ako mula sa bungad ng subdivision pauwi sa bahay. Hindi naman kalayuan yun at bagamat medyo madilim ay may mga street lights naman. Isa pa, para maexplore ko na rin ang lugar. Mukhang matagal tagal akong maninirahan dito.

Hindi pa man ako nakakalayo, may mga nakasalubong akong grupo ng kalalakihan. Apat sila. F4. LOL. Dalawang sa tingin ko ay nasa six feet ang height at dalawang halos sing taas ko. Sa tantya ko mukhang mga kasing edad ko sila. At judging sa suot nila, sa dalang bola, at pawisan nilang balat na kitang kita kong nangingintab sa ilalim ng street lights na hinintuan nila, mukhang kagagaling lang sa paglalaro ng basketball.

Binati ako nung isa, yung pinakamaliit.

"Hi Ate! Bago ka dito?"

I just shrugged. Hindi ko talaga type makipag chikahan sa mga hindi ko kilala. kahit naman madami na kong naging BF, hindi naman ako ganun ka kiri pagdating sa lalaki.

"Taray naman ni ate!" Nagtawanan sila.

I rolled my eyes. A lot of people think I'm mean and they ain't far from the truth. Dirediretso lang ako sa paglalakad at nang palampas na ako sa kanila. Nun ko napansin na parang kilala ko yung isa. Aha! Si Peeping Tom! Kala niya siguro hindi ko siya makikilala ha? Tatalakan ko na sana kaso iba yung pagkakatingin niya sakin.

He looks at me in a very cautious and calculating manner. Hindi siguro niya alam kung ngingitian niya 'ko, babatiin o hihingi ng pasensya dahil sa nahuli ko siyang tinititigan ako kanina. Ewan! Napailing ako. Bakit ba kailangan ko pang i-analyze yung tingin niya sakin? Ang bottomline. Pervert siya! Tss. Inirapan ko nga.

Nung ginawa ko yun eh parang nagulat siya ng slight. Tas umiwas na ng tingin.

Nangunot yung noo nung parang nakita kong napangiti siya. Kaya lang nakalagpas na ako sa kanila. Ayoko naman na lingunin siya at baka isipin pa niya, type ko sya! ew!!

Pero nainis talaga ko. Leche yung kumag na yun ah? Ano kayang nginingisi ngisi niya? sarap tampalin! 

She's seriously fvcked up and He's the Perfect Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now