"H-hinde ako lasheng!!"



"Iuwi na nga naten. Malakas na ang tama." rinig ko namang sabi ni Maddison.



"Ayaw." sigaw ko.



"Gusto mo masampolan?"



"Hahaha hik hahahhaha hik."


"Biik ka ghorl?" sabi ni Hazel sa akin. Tumawa lang uli ako at pumalakpak.



"Sa amin ka na nga matulog Liz! Ang layo pa ng condo mo! Baka sukahan mo pa sasakyan ko." sabi ni Olivia,



"Yeheeyyy"


"Nako po ang lakas na ng tama. Isang hard drink lang naman ininom." iling na sabi ni Madison.



Naramdaman kong inakay ako nila Hazel pasakay ng sasakyan. Kung minsan ay mas nagpapabigat ako kaya't puro reklamo sila.





"Magtanim ay di biro, maghapong nakayukooo." kanta ko habang nakapikit.




"Nababaliw na." sabi ni Maddison habang tumatawa. Di ko nalang siya pinansin at kumanta nang kumanta.



Naramdaman 'kong bumukas ang pinto ng sasakyan. Naramdaman ko ring binaba na nila ako sa sasakyan.



"Tinext ko na si mom kanina na dito kayo matutulog. Pumayag." pagiinform ni Olivia sakanila.



Inakay naman nila ako papasok ng bahay habang nagkukwentuhan. Wala akong maintindihan sa kwentuhan nila. Kaya kumanta nalang ako ng 'bahay kubo'



"Bahaaaaayyyy kuuuuboooooo kaaaaahittt muntiiiiiii." kanta ko habang pumapasok. Natatawa naman sila.




"Ang halaaaamannn dooooon aayyyy sariiii sariiii singka---aray ko naaaman Hazel huhu." siniko kasi ako ni Hazel. Napansin ko namang huminto kami at natahimik din sila. Ano meron?



"Hi kuya!" sabi ni Olivia. Napatahimik nalang din ako habang nakayuko pa rin.



"Napano yan?" he asked.




Doon napataas ang tingin ko. Nakitingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.




"Nako kuya nalasing."



"Tsk."




Hindi ko alam pero biglang naging emosyonal ang naramdaman ko. Naalala ko yung picture!!



"Hoy Liz, ano namang ganap mo? Bat umiiyak ka?" bulong sa akin ni Maddison



"Huhuhuhu"


"Hoy sis, bakit ka umi--"


Di natuloy ang sasabihin ni Hazel nang bigla akong sumigaw.



"Ang panget mo kasi!!!" sabi ko sabay turo kay Ethan.  All of them are shocked. I glared at Ethan when I saw him chuckling.



Napansin 'kong nakablack polo siya at nakabukas ang ilang butones at halatang kaka galing lang sa trabaho. Ang pogi.




"Kuya, patulong naman oh." Iniabot ako ni Olivia kay Ethan. Pagkahawak sa akin ni Ethan ay agad akong binitawan ni Olivia.




"Ikaw na bahala diyan kay Liz ha! Sa may guest room siya. Mauna na kami, toodles!!" sabi ni Olivia at umalis na bigla. Napatawa naman ako dahil sakaniya,

"Toodleeeess" pag-gaya ko pa sa sinabi ni Olivia habang tumatawa.




"Tss." sabi ni Ethan. Inalalayan naman ako nito habang papanik kami sa hagdan. Hilong hilo na ako! Napalingon siya sakin nang mapansing huminto ako at ayaw magpahila.



"Ano nanamang trip mo lasinggera?" nagtatakang tanong niya while looking at me deeply.


"B-buhat."


"What?"



"Buhat mo ako!!" parang bata 'kong sabi.



"Tsk, parang bata. Lasinggera naman." narinig kong bulong ni Ethan. Dahan dahan niya naman akong binuhat ng parang buhat kasal hihi. Pag ako nainish papakasalan kita ngayon hihi.


Napaamoy ako sa kaniya. Ang bango niya. Sarap singhutin. Lumapit pa ako lalo sa dibdib niya para suminghot.



"Baka masingot mo naman ang buong pagkatao ko niyan, hinay hinay ka lang." natatawang sabi niya sa akin.


"Baho mo!!" sabi ko nalang at iniwas ang mukha. Natawa nalang uli siya.




Pagkarating namin sa guest room ay naramdaman 'kong ibinaba na ako ni Ethan sa kama.



"Sa susunod, huwag kang maglalasing. Para 'kang heartbroken diyan. Di bagay." panenermon niya sa akin.




Di ko nalang siya pinansin at natulog na. Narinig ko namang sumarado ang pinto. Grabe, hilong hilo ako! Ikaw may kasalanan neto Ethan Harrison.














Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now