Ikatatlumpu't apat na Kabanata

Comenzar desde el principio
                                    

She took care of me when I got sick the next day. Hindi ko inakalang mangyayari 'yon sa'kin dahil hindi naman ako kadalasang ganito. Siguro dahil hindi na rin sanay ang katawan ko sa ganoon. I don't know, really.

It felt nice. Jana, taking care of me. She was always like that. Hindi niya man sabihin at ipakita, alam ko namang may pakialam siya sa'kin. I mean, sa lahat naman ganoon siya. Hinangaan ko lang siya lalo dahil doon. Her soul is just so.. pure. Kahit na binabara niya ako at inaaway lagi, alam ko namang wala siyang masamang intensyon sa'kin. She didn't change. Ganoon pa rin siya, mabait pa rin pero pranka. She's scary when she's mad, though. Hindi niya pa naman ako napapagalitan at inaaway ng malala kaya hindi ko pa alam pero nararamdaman ko lang. Pakiramdam ko nga papatayin niya ako kapag nag-away kami. I chuckled at that thought.

We kissed on the day of paskuhan. Hindi ko inakalang magagamit ko pala iyong tinuro ni Andrea sa'kin ilang buwan ang makaraan. Akala ko kasi matatagalan pa bago makuha ang first kiss ko, hindi naman pala. Nakuha kaagad ni Jana at siya pa ang humila sa'kin noong gabing 'yon. Fuck, I remember it again. I felt butterflies in my stomach just by thinking about her kiss. Ours, I mean.

I never complained on why Jana didn't answer me yet. Okay lang naman sa'kin, basta maayos na kami at parang kami na rin naman. Yes, you can call it 'walang label' but I'm okay with that as long as it is with Jana. I don't know. I'm just so whipped for her that I'd agree with anything that she could give. 3rd year na kami at halos dalawang taon na rin naman akong nanliligaw. Muntik ko na ring patayin si Rene na panay ang pang-aasar sa'kin noong hinila kami papuntang marriage booth. Wala pa ngang kami, tapos kasal agad?

"Dude, fake lang naman 'yan!" Tanggi ni Rene pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ulol." Nasabi ko na lang ng magsimula na iyong pinagsasabi ni Ahren. Kung anu-ano talaga pinagpaplano nitong apat na 'to sa'min, simula pa second year. May time pa noon na nilock nila kami sa isang kabinet ni Jana para sa 7 minutes in heaven. Parang mga gago talaga.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Jana at sumandal doon sa pwesto niya. She hugged her legs and put her chin there. I smiled.

"Make-out."

"Ouch!" Sabi ko nang hampasin niya ako bigla. Ngumuso ako at sinamaan niya ako ng tingin.

"Nakakailan ka na sa'kin, ah!" Sabi niya. I chuckled. Totoo naman. Lagi namang may permiso niya kaya ok lang din naman, hindi rin naman siya nagrereklamo. Isa pa, hindi ko naman iyon gagawin kung ayaw niya. 'Di ko siya pinipilit.

"Parang ayaw mo.." Bulong ko at tumingin sa gilid. Pinitik niya bigla ang noo ko kaya napalingon ako sa kanya. I swallowed hard when I saw how close she is to me.

"B-bakit ang lapit --" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan. Napapikit na lang ako at hinawakan ang mukha niya. God, this woman's making me crazy. Mas magaling pa nga siya humalik kaysa sa'kin. Sa'n niya kaya natutunan 'yon?

"It's me, I'm the girlfriend." Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Jana sa tabi ko. Her arm was wrapped around my neck and mine was on her waist. I don't know if she's tipsy or not o kung seryoso niya bang sinasabi iyon. I put down her arm and let her sit down on our table. Lumuhod ako sa harapan niya dahil hindi pa rin ako makamove-on sa sinabi niya. Does that mean that we're official now?

Halos maiyak ako sa tuwa kaya napayuko ako. Amputa, mas maarte nga ako sa kanya. Siya lang nakakagawa sa'kin nito.

"Bakit ka nandiyan? Tumayo ka nga." Sabi ni Jana at kinalabit ako. Napaangat ang tingin ko at namungay iyong mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Uy, Vin?" She said again and placed her hand on my cheek. She started caressing it kaya napasandal ako roon at napapikit. I can get used to this.

"Girlfriend na ba talaga kita?" I seriously said. Natawa siya pero agad ding tumango at ngumiti. Nakuha niya pa akong asarin.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora