Bumalik ako sa Business Ad building saka dumiretso sa may hagdanan paakyat ng fourth floor. Doon na lang ako kakain at malapit-lapit sa basurahan. Hindi na ako tatamaring magtapon ng pinagkainan ko.

Pero nang makarating doon ay napakunot ang noo ko nang maabutang nandun si Kartini. Nakaupo ito sa ikalawang baitang ng hagdan habang nakasandal sa may wall sa gilid at may earphone din sa teynga niya. Nakapikit pa ito kaya hinayaan ko na lang.

Naupo ako sa unang baitang at sumandal din sa may hawakan ng hagdan. Taliwas sa pwesto niya. Inunat ko ang mga paa ko saka nilantakan ang pagkain ko.

"What are you eating, Dwarfy?"

"Ay pota ka!" Halos mapatalon ako dahil sa gulat. "Inamo ka! Ginulat mo ako!" sinamaan ko ng tingin si Kartini saka kumagat sa burger ko.

Nangunot naman ang noo niya, akmang ibubuka ang bibig at may sasabihin kaya inunahan ka na. Sinungalngal ko sa bibig niya ang burger. Panigurado kasing magwa-what na naman 'yan.

"Mesherep be?" pabebeng ani ko.

Sinamaan ako nito ng tingin saka bahagya akong tinulak sa balikat. "Move."

"Arte much?" Atleast, hindi 'what' ang sinabi niya.

Hindi niya ako inintindi saka dumiretso sa basurahan saka niluwa ang burger sa bibig niya. Matapos nun ay may kinuha itong hand sanitizer sa bag niya saka nagpahid.

Napaamang ako. "Hey! You're so maselan! Feeling mo naman may sakit akong nakakahawa ha!" Sigaw ko saka akmang aambahan ito ng suntok kung 'di niya lang nahuli ang kamay ko.

"What are you saying?"

Umirap ako. "Bahala kang intindihin ako! Nakakapagod mag-translate sa English, anu!" Ang arte lang ng Nerd na 'to. Sarap bigwasan. Nanggigigil ako!

Bumalik ako sa pagkakaupo saka hindi na siya inintindi. Akala ko'y aalis na si Kartini pero naglakad ito papalapit sa 'kin at naupo sa tabi ko.

Hindi ko siya inintindi at busy ako sa pag-kain. Hindi niya rin naman ako inintindi. Hindi kami close para magbiruan. Saka wala ako sa mood mag-english kaya ayoko siyang kausapin.

"Here."

Umarko ang kilay ko nang abutan niya ako ng isang chocolate mayamaya.

"Why are you giving me chocolate? You put a love potion on it, did you?" tanong ko. Binuksan ko iyun saka kinagatan. Pake ko ba kung titig na titig siya sa 'kin habang nilalantakan ko 'yun.

"Love potion?" Nagsalubong ang kilay niya saka pinagkrus ang braso sa tapat ng kanyang dibdib.

"Uh huh. Don't tell me--" paputol-putol na ani ko dahil sa pag-nguya. Infairness, ang sarap ng tsokolate niya. Halatang imported. "Don't tell me, you like me now?" Tinaas-baba ko pa ang kilay ko saka binundol-bundol ang balikat niya.

Umismid naman ito saka dumistansya papalayo sa 'kin. "You think so highly of yourself, Miss Palma. Just so you know, I have high standards when it comes to women. And Filipina's not my type." Diniinan pa nito ang salitang high saka ako pinasadahan ng tingin.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napaismid. Eh di siya na! Akitin ko kaya 'to? Tingnan ko lang kung hindi bumigay sa 'kin.

"Oh eh ano pala ang ginagawa mo dito sa Pilipinas ha? Bumalik ka na nga sa kung saan ka nagmula." Naka-high siguro ang Nerd na 'to. Oras na magka-jowa 'to ng Pinay, magdasal na siya at talagang ibu-bully ko siya.

"You're saying?"

Ngumiti ako ng peke saka inilahad ang kamay sa kanya. "What I mean is, the chocolate is so yummy. Do you still have?"

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon