Chapter 22: Escaping Alegria

Start from the beginning
                                    

Ayokong may makakita na naman sa akin at pigilan akong lumabas. At nagtagumpay nga ako! Nakalabas ako ng tuloyan.

Tumakbo ako papalayo sa palasyo at tinahak ang daan patungo sa village ng Alegria. Pinagpapawisan ako at ang mga tuhod ko ay nanginginig sa kaba.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag makita na naman nila akong nandito sa labas.

Nakarating ako sa sentro ng village at nakita ang mga bahay na nakasarado na. Mayroong mga bampirang naglalakad sa labas at nagtatawanan.

Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng mga tao na nasasaktan ang mga bampira sa init. Eh hindi naman iyon totoo. At ang alam ko, mapuputla talaga ang mga bampira dahil hindi sila palaging nagbibilad sa araw kagaya ng mga normal na tao.

Isa lang din naman ang alam kong kinakatakutan ng mga bampira. Ang masunog sila sa nagbabagang apoy. Mapapatay din sila kapag binaon ang matulis na punyal direkta sa puso nila. Pero hindi ang sinag ng araw ang papatay sa kanila.

Inilibot ko ang aking paningin at sinusuri kung saan ba dapat ako tumungo. Hindi ko naman gustong magtanong dahil baka magsuspetsa sila lalo na't tumakas lang ako.

Tiningnan ko naman ang gawi kung saan nanggaling ang mga bampira nong araw na nag-usap sila ni Gilbert para sa magaganap na digmaan. Paniguradong may daan dito dahil dito rin sila dumaan.

Tinahak ko ang direksyon na iyon kahit alam kong hindi ako sigurado kung ano ang madadatnan ko sa hulihan.

Ilang minuto akong naglakad habang sinusundan lang ang bawat bakas ng mga bampira. Tinitingnan ko rin ang paligid baka sakaling may makita akong daan palabas sa Alegria. Hindi kasi ito kagaya sa village ng Valencia. Maaliwalas doon kayat makikita mo agad ang daan papalabas sa village. Hindi kagaya dito. Magulo at maraming mga puno.

Ilang minuto pa akong naglakad ng napagdesisyunan kong tumigil. Hindi ko alam kung naliligaw na ba ako o sadyang daan pa rin talaga ito. Dahil kung susuriin mga puno lahat ng nakikita ko.

I sighed. Hindi pwedeng maligaw ako hanggang sa mag-umaga. Kailangan kong makalabas.

Magpapatuloy na lamang sana ako sa paglalakad ng may marinig akong yapak ng mga paa 'di kalayuan kaya dahan-dahan akong tumago sa malaking puno sa gilid ko. Umupo ako at itinago ang katawan ko.

Ilang segundo lang din ay narinig ko na ng lubosan ang yapak ng dalawang tao. Nag-uusap sila.

"Kuya naman eh! Alam mo namang hindi ako marunong makipaglaban. Bakit kasi hindi na lang ikaw? Ba't pa kasali ako?" reklamo ng babae sa kasama niya.

Magkapatid yata ang dalawa.

"Wala na tayong magagawa Gail. Kahit pa na gustohin kong hindi ka isali ay kukunin ka pa rin nila. Hayaan mo, magtago ka lang at ako ang lalaban. Kailangan mo lang magpakita sa digmaan pero hindi mo kailangang lumaban." marahan na wika ng lalaki, ramdam ko ang pagmamahal niya sa kapatid niya.

"Pero Kuya Clark..." mahinang sambit ng babae sa lalaki, hindi ko naman narinig pang sumagot ang lalaki kaya sumilip ako ng bahagya para tingnan sila.

Pero wrong move yata ang ginawa ko. Tila ba tumigil ang tibok ng puso ko ng may naapakan akong maliit na kahoy. Alam kong narinig nila iyon.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dahan-dahang bumalik sa pwesto ko pero pagbukas kong muli sa mga mata ko, pares ng mapupulang mata ang bumungad sa harap ko.

"Shit!" I cursed.

Tinitigan ako ng masama ng lalaki, nakita ko naman ang babaeng nasa gilid niya. Teka! Ito 'yong babaeng palaging nagkakamali kanina ah! Naaalala ko siya! Kapatid niya 'to?

"Kuya... diba si Irene iyan?" mahinang bulong ng babae sakanya, narinig kong Gail ang pangalan niya at Clark naman ang pangalan ng lalaki.

Napalunok akong napatingin sa lalaki habang hinuhubad ang balabal sa ulo ko.

"I'm sorry! Kailangan ko lang talagang umalis dito. Pakiusap huwag niyo akong isumbong." pagmamakaawa ko sa lalaki.

Ilang segundo kaming nagtitigan bago niya ako kinausap. Kagaya niya ang hugis ng mukha ni Troy, makapal din ang kilay nito at matangos ang ilong.

"Ba't ka aalis? Diba dapat ay nasa loob ka ng palasyo ngayon?" malamig na tanong sa akin ni Clark, kaya napakagat naman ako sa labi ko.

"I-I just want to leave... Hindi ako nabibilang dito. Hindi ako nagmula dito." mahinang wika ko at yumuko na lamang.

Wala na! Alam kong isusumbong nila ako. Babalik na naman ako sa palasyo at paniguradong mas magtataka si Gilbert sa akin niyan.

"Alam ko." tipid na wika ni Clark.

"K-Kuya!" pigil naman ni Gail sa kapatid niya. Alam pala nilang hindi ako taga Alegria? Alam nilang lahat?

I sighed. "Isusumbong niyo ako? Sige, halika na. Kunin niyo ako." utos ko sa kanila at binigyan sila ng ngiting mapakla.

Nagkatinginan naman ang magkapatid at sabay na napabuntong hininga.

"Hindi ka namin isusumbong." mahinang wika ni Clark at tiningnan ang kapatid niyang si Gail.

"Mauna kanang umuwi Gail. Sasamahan ko siyang makaalis dito sa Alegria." utos ni Clark sa kapatid niya.

Tinitigan naman ako ni Gail at napatango. "Sige! Pero... kuya mag-iingat ka."

Nginitian naman ako ni Gail. "Alam namin kung sino ka. Sana... kaya mong pigilan ang magaganap na digmaan. O kung magaganap man, sana... matalo niyo ang Alegria. At iligtas kaming mga nasasakupan ni Haring Gilbert." malungkot na wika ni Gail, ramdam kong nahihirapan na siya dito.

"Oo." tugon ko na lamang at tiningnan si Clark.

Kanina pa siya nakatitig sa akin. Ba't ba ganyan siya kung makatingin?

Sigurado ba siyang hindi nila ako isusumbong? At sasamahan niya akong makaalis? Hindi ako makapaniwala! Wala rin naman akong nararamdamang masama sa kanilang dalawa. Na para bang magaan ang pakiramdam ko.

"Tayo na." wika ni Clark, ngayon ay bumalik na sa dating kulay ang mga mata niya.

Nagsimula na ring maglakad paalis si Gail. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

"Sige!" tugon ko't sinundan si Clark sa paglalakad.

Akala ko'y isusumbong nila ako at katapusan ko na. Pero hindi pala. Buti naman dahil kung mangyari ngang bumalik ako sa palasyo paniguradong hindi na ako makakalabas pa. 

The Vampire King's Beloved Where stories live. Discover now