"Daming sinasabi." he murmured to himself.


Inis naman akong napatingin sakaniya nang marinig ang ibinulong. "What did you just said?!"


"I said no need to buy me one, I can buy you a dozen of coffees."


"Isang dosenang kape lang ang kaya mong bilhin? Bulok, ako dalawang dosena!" pagyayabang 'ko.



"Oh tapos? Share mo lang?"




"Aba't gus----"


"Ay may isang E.H pa?"

Napalingon naman ako sa barista nang marinig ang sinabi nito, samantalang yung lalaki na katabi 'ko ay casual lang na tumingin. "Caramel Machiatto rin?" tanong pa ng barista.

Doon lang nagsink in sa akin nang nangyari. May nakaparehas nanaman ako? Sa dinami-rami ng tao siya pa? Medyo nahiya naman ako dahil ako pa ang nagsimula ng away sa'min at niyabangan ko pa siya. Tama lang na yabangan niya rin ako.

Pasimple naman akong sumulyap kay Mr. Mangaagaw. Kaswal na kinuha lang nito ang isa pang binigay ng barista na kape at nginisian ako bago umalis.

Pinilit 'kong kalimutan ang mga pangyayari at nagfocus sa pagrereview. Natapos ang exam week at hindi na uli grounded si Olivia. Tuwang tuwa si loka. Pasalamat siya mabait sina tita at tito.

"Feeling ko may tulong din sa'kin yung pagka grounded. Medyo marami-rami akong nasagutan. Nako road to dean lister na ba 'to. Who you ka na sakin Elizabeth." natatawang sabi ni Olivia. Natawa naman ako at binatukan siya.

"At dahil diyan magcecelebrate tayo!!!" excited na sabi ni Maddison. Oh no, mukhang bar na nanaman ha.

"Pass muna ako sa clubbing." sabi ni Hazel. Napatingin naman kami sakaniya na nagtataka kung bakit. "May pasok ako bukas!! Pag nalalasing pa naman ako, hapon na 'ko nagigising!! 10 klase ko duh." sabi niya sa amin.

Napatango naman kami ng lahat.

"Tara sa bahay namin!!!" excited na sabi ni Olivia. Agad naman akong sumangayon. Namimiss ko na sila tita. Naalala ko pa noon, binulungan ako ni tita na ako daw favorite niya saming lahat. Ang cutie lang.

"Sleepover tayo!!!" dagdag ni Olivia. Agad din naman uli akong pumayag.

"Hala, di ako makakapagsleepover, dinner lang Olivia. Mommy is expecting me mamaya eh." sabi ni Maddison sa amin, napatango naman kami.

"G ako dyan!! Basta maaga akong uuwi ha! Madaling araw ganon." sabi naman ni Hazel.

Pagkatapos magplano ay umuwi muna kaming lahat para kumuha ng damit. Si Maddison naman ay sumama sa akin sa condo 'ko. Pagkagayak ko ay sumakay na kami sa kotse ko at pumunta sa bahay nila.


"ELIZAABETTTHHHHHH" Sigaw ni tita nang makita ako. "Hello po!!" sabi ko. Nginitian niya ako ng malawak bago nakipagyakapan din kay Maddison.


"Pasok kayo mga magagandang hija." pambobola sa amin ni tito. Nakipagbeso naman kami sakaniya.


"Nako!! Dad, lalaki ang ulo ng mga iyan." pagsingit ni Olivia. Natawa naman kami.


"Hey, invite your kuya for dinner." sabi ni tita kay Olivia.

"Nako ma, kumain na daw po siya. I invited him earlier." sagot ni Olivia.

Nagtaka naman ako kung sinong kuya ang sinasabi nila tita pero 'di ko nalang ito pinansin at nagfocus sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagstay muna saglit si Maddison bago umuwi. Kaming tatlo naman ay pumunta na sa kwarto ni Olivia.

Spring Love (Season Series #1)Where stories live. Discover now