Chapter Seventeen Part||

15.8K 499 20
                                    


(Abby POV)

Nang matapos na akong magbihis, binuksan ko na agad yung pintuan para pumunta sa kitchen ng magulat ako dahil nasa labas pala ng pintuan si Ashton.

Argh! Naiinis ako sa kaniya! Sabi kasi niya na siya magbibihis sakin pero hindi naman pala tapos may pakindat-kindat pa siya!

Aish! I hate him!

"Nakabihis kana pala" pambungad niya sakin, inirapan ko naman siya.

"Halata naman diba?" Sarkastiko kong saad.

"May dalaw ka? Sungit mo ah" pang aasar naman niya sakin.

"Umalis ka nga sa harapan ko" inis kong saad.

"No! Sasamahan pa kitang mag patahi sa gown mo!" Diin naman niyang sabi sakin tsaka ngumiti.

Argh! Bakit ba nakakatunaw yung ngiti niya?!

"Kaya ko mag-isa!" Diin ko ding saad sa kaniya.

"Ano ba kasing ikinagagalit mo wife ko?" Paglalambing naman niyang saad, sabay yakap sa akin.

"Bitawan mo ako! Hwag mo akong tawaging wife! Manloloko ka!" Galit kong saad sa kaniya.

"Manloloko? Anong nagawa ko wife" tanong naman niya.

"Sabi mo kasi na ikaw magbibihis sa akin pero hindi naman pala" mahina kong saad ngunit alam kong maririnig niya iyon.

Bigla naman niya akong niyakap.

"Sige wife, ako na magbibihis sayo mamaya pag isusuot mo na yung gown mo" bulong naman niya sa akin ngunit tinulak ko lang siya.

"I hate you! Galing mo mag salita pero dimo magawa!" Galit kong saad at aalis na sana ng bigla niyang higitin ang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!" Galit ko pa ring saad sa kaniya, ngunit ngumiti lang siya.

"Kaya pala ang sungit mo kasi meron ka ngayon." Saad niya at ngumiti pa sa akin.

Bigla naman akong nahiya sa kaniya.

"Sinungaling! Wala akong period ngayon!" Pagsisinungaling ko naman sa kaniya, mas lalo namang lumawak ang pag ngiti niya sa akin.

"Kaya pala nahaluan ng pula yang puti mong pantalon" saad niya habang nakangiti sa akin.

Bigla ko naman siyang natulak at pumasok agad ako sa kwarto upang palitan ang pantalon ko.

Nang makapasok ako sa kwarto, nag hanap na ako ng bagong pantalon at pumunta na ako sa banyo para magbihis.

Oh ghad! Ubos na napkin ko!

Bakit kasi biglang lumabas yung period ko nung nagalit ako kay Ashton?

Bakit di nalang lumabas kanina para naka ready ako!

Nakakahiya!

Maya't maya pa ay may biglang kumatok sa pintuan ng banyo.

"Wife, open the door" rinig ko namang sigaw ni Ash.

"No!"  Inis ko namang sigaw sa kaniya.

"Buksan mo na ang pinto! Bumili ako ng pantapal dyan sa—" diko na pinatapos ang sasabihin niya at agad ko ng binuksan ang pinto.

Baka kung ano na namang kalaswaan ang lumabas sa bunganga niya.

"Here" pag aabot naman niya sa napkin, kaya kinuha ko ito agad at sinara na agad yung pinto.

Pagkatapos kong palitan ang pantalon ko, binuksan ko na yung pintuan ng banyo. Nagulat naman ako ng makita ko si Ashton na naka-upo sa kama.

"Bukas nalang yung punta natin sa magtatahi ng gown mo" saad naman ni Ashton.

Bigla namang kumirot yung puson ko.

Aish! Eto nanaman yung masakit eh! Pag first day talaga, laging sumakit ng matindi yung puson ko.

"Are you okay?" Nangangambang saad naman niya sa akin.

"Putangina! Ikaw kaya yung maging babae at lagi kang may dalaw buwan-buwan! Tapos tanungin kita kung masakit!" Galit kong saad sa kaniya.

Nagulat naman ako ng lumapit siya sa kinatatayuan ko at bigla niya akong binuhat.

"Ibaba mo ako!" Galit kong saad sa kaniya.

Dahan-dahan naman niya akong binaba sa kama.

"Rest first, ako na ang bahala sa mga tao sa baba" saad naman niya sakin.

Wait nandon pa sila Drake at yung ex ni Ashton ah?!

Aisht! What if?! Mag usap sila ng ex niya tapos ako nandito lang sa kwarto?! Argh! No way!

"Dito ka lang!" Inis kong saad sa kaniya.

"Bakit?" Takang tanong naman niya sa akin.

"Basta! Samahan mo akong matulog!" Pag-uutos ko naman sa kaniya.

"Baka hindi tayo makatulog niyan wife ko" pang aasar naman niya sa akin.

"Ang manyak mo! Kahit kailan talaga!" Galit kong saad sa kaniya.

Bigla naman siyang lumapit sakin.

"Ikaw lang naman minamanyak ko eh" saad niya at unti-unti niya nilapit ang mukha niya sa akin.

Napapikit naman ako at hinintay na dumampi yung labi niya.

Ngunit sa di inaasahan, yung noo ko yung hinalikan niya.

Aish!! Bakit di sa lips?!

Nakakainis siya ah!

Manloloko na Paasa pa!

"Sa ngayon rerespetuhin muna kita wife ko. Masakit pa puson mo eh, pero pag katapos niyan buong araw tayong—" bago pa niya matapos ay sumingit na ako.

"Ano ha?! Ituloy ma at hinding hindi ka na makaka score sa akin!" Galit kong saad.

"Joke lang wife ko, I love you" paglalambing pa niya sa akin.

"Iloveyou mo mukha mo!" Inis kong saad sa kaniya.

"Wife ko baka mabangko ako sa basket ball pag hindi mo ako pina score" pang aasar naman niya sa akin.

"Punyeta ka! Pinapahigh blood mo ako!" Sigaw ko sa kaniya. Bigla naman niya akong niyakap.

"Sorry na Wife ko, tara tulog na ulit tayo, mamaya na tayo maghapunan. I love you kahit—"

"Sige ituloy mo at hahambalusin talaga kita dito!" Pagbabanta ko naman.

"Sabi ko nga tulog na tayo wife ko" saad naman niya at patuloy pa rin niya akong niyayakap hanggang sa makatulog ako.

My first kiss, My boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now