Chapter Seventeen

16.4K 526 25
                                    


(Abby POV)

Nagising naman ako nang may kumakatok sa pintuan, nakita ko naman sa tabi ko si Ashton na mahimbing na natutulog.

"Mommy open the door please!" rinig kong sigaw ng anak ko habang kumakatok ulit.

Agad naman akong nagbihis at binuksan ang pintuan.

"Mommy!" Sigaw ng anak ko at yumakap siya sakin.

"Mommy, It's already 5 pm na. I'm waiting here kanina pa! I'm so bored na" pagtatampo naman ng anak ko.

"Baby I'm so sorry" saad ko naman dito.

"It's okay Mommy, I just want to see the baby? Where is it?" Tanong ng anak ko at tumakbo papunta sa ama niya.

Nagulat naman ako ng makita kong gising na si Ashton.

"Daddy where's the baby?" Tanong ulit ni Trabby, kaya nagkatinginan naman kami ni Ashton.

"Wala pa yung baby anak, malayo pang lumabas" saad ko naman sa anak ko ng nakalapit ako sa kanila.

"Why?" Tanong ulit niya.

"Let's go baby, I know that your so hungry" pag-iiba naman ni Ashton.

"Your right Daddy! I'm really hungry" saad ng anak ko at hinaplos pa ang tummy niya.

"Let's go" saad naman ni Ashton tsaka niya binuhat si Trabby at hinawakan naman niya ang kamay ko.

Si Ashton na ang nagluto ng kinain namin, Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kwarto at natulog ulit.

Pagkagising ko, Wala na yung mag ama dito sa tabi ko. Kaya agad naman akong bumangon at hinanap sila dito sa mansyon.

Nang pagdating ko sa kitchen, Nakita ko naman na nandon si lola at mga kamag anak ni Ashton. Nandoon din si Drake na ex ko at yung asawa niya na ex ni Ashton.

Ack! Nakakahiya! Hindi pa naman ako nakamumog! May laway pa yata tong mukha ko.

"Iha umupo ka dito" saad naman ng lola ni Ashton, kaya umupo ako sa gitna ni lola at lola ni Ashton.

"Iha, napag alaman naming ikakasal na daw kayo ni Ashton sa Makalawang araw kaya pinapunta niya kaming lahat agad dito" saad ulit ng lola ni Ashton.

Tinignan ko naman si lola at ngumiti lang siya sakin, tumingin naman ako kay Ashton at ngumiti rin siya sa akin.

"Uh opo" saad ko naman.

"Hwag kang mahiya iha, nakwento na lahat sakin ni Ashton. Actually pa uwi na bukas ang magulang niya para tumulong sa preparation ng kasal ninyo" saad ulit ng lola niya kaya ngumiti lang ako. Ang awkward kasi kami lang yung nagsasalita at yung iba ay pinapanood lang kaming dalawa.

"So let's celebrate" pagbabasag ng lola ni Ashton sa katahimikan.

Kaya kumain naman kami.

Fuck! Pangarap ko lang to noon eh tapos ngayon matutupad na.

Nang matapos kaming kumain kinalaro naman ni lola at lola ni Ashton ang apo nilang si Trabby. Yung iba namang kamag anak ni Ashton ay umuwi na. Ngunit si Drake at yung asawa niya ay nagpa-iwan lang dito.

"Wife, magbibihis lang ako saglit. Pawis na ako kakaluto eh" saad naman sakin ni Ashton.

Bakit ang gandang pakinggan pag tinatawag niya akong Wife?

"Sige" saad ko naman at bigla naman niya akong hinalikan bago umalis. Kaya naiwan naman akong mag isa dito sa kitchen.

"Ang liit ng mundo noh?" Nagulat naman ako ng biglang bumulong sakin si Drake.

"Parang noon tayo palang hahha" saad ulit niya.

"Hahha pero ngayon kami na ng pinsan mo" saad ko naman para mawala yung awkward namin sa isa't isa.

"Sana di nalang kita iniwan, sana ikaw nalang pinakasalan ko" saad ulit niya kaya bigla naman akong napalayo sa kaniya.

"Anong pinagsasabi mo?!" Inis kong tanong sa kaniya.

"Hahhaha joke lang! Mahal ko asawa ko noh! Tinitignan ko lang kung ikaw pa rin yung kilala kong Abby. Hahha ikaw pa rin pala yon"
saad ulit niya kaya napatawa na rin ako.

Nagulat naman ako ng hilain ni Ashton yung kamay ko at bigla niya akong hinalikan sa harap ni Drake.

"She's mine, So back off!" Malalim na tingin ni Ashton kay Drake. Napatawa naman si Drake na kinagalit ni Ashton.

"Easy cousin! Hindi ko aagawin yang babaeng minahal ko noon at iniwan ko noon. Hindi ko na siya aagawin sayo kasi alam ko nasa mabuti siyang tao! Hwag mong sasaktan si Abby ah? Hwag mong gawin yung ginawa ko noon" saad naman ni Drake at napatango naman si Ashton.

"Dahil pag sinaktan mo siya, aagawin ko siya sayo" saad ulit ni Drake at ngumiti, Susuntukin na sana siya ni Ashton. Buti nalang at napigilan ko si Ashton.

"Chill cousin! Pareho kayong High Blood! Hindi man lang kayo mabiro! Kaya kayo pinagtagpo eh" saad naman ni Drake.

"Fuck you!" Sigaw naman sa kaniya ni Ashton.

"Better to fuck Abby than me! Hahha I have a wife cousin and also I don't fuck boys!Bye Stay Strong to the both of you!" Pang-aasar naman ni Drake bago umalis at pumunta sa asawa niya.

"Ashton okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya, ngunit di niya ako kinausap at nakapoker face lang siya.

"Ashton?" Pangungulit ko sa kaniya.

"Uhm" saad naman niya. Kaya naiinis na ako at hinalikan ko siya sa labi. Bigla naman siyang ngumiti sakin.

"Kailangan bang palagi akong naka poker face para lang halikan mo ako?" Tanong naman niya.

"Ewan ko sayo!" Inis ko namang saad.

"I love you wife. Magbihis ka na at sasamahan kitang maghanap ng isusuot mo para sa kasal natin" saad naman niya.

"Bahala ka dyan! Naiinis ako sayo!" Saad ko ulit. Bigla naman niya akong binuhat na pang bride style papunta sa kwarto niya.

"Nag iba na isip ko. Ako nalang pala magbibihis sayo" saad niya at kinindatan pa ako.

"Manyak!" Sigaw ko sa kaniya.

"Gusto mo naman" saad ulit niya.

Arghh! Bakit ba sa araw-araw mas lumalalim yung pagmamahal ko sa lalaking toh?!

Ack! Pwede bang ikulong ko nalang siya dito sa puso ko?!

Aish! I really love him so much!

My first kiss, My boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now