MMIH [3]

22.6K 635 15
                                    

Chapter 3

I can’t help it, I let out a mocking laugh. “Imposible!” I said while shaking my head then laughed again.

Hindi ko alam kung bakit pero I find it very funny, what he just said. “Wag mo nga akong paasahin, Felix!” sabi ko. I may be laughing now, pero biglang pumasok sa isip ko na they’re very close friends at may 25% chance na hindi niya ako niloloko at nagsasabi siya ng totoo.

Pero bakit niya ilalaglag ang kaibigan niya in the first place? He’ll receive a punch if Gabriel finds out about this.

“Hindi ka naniniwala? Fine. I can’t understand girls anyway,” sabi nito at hindi na ipinagpilitan. Napanguso ako. I was expecting him to give it a little push dahil nasabi niya na, pero bakit sumuko na siya agad? Baka hindi nga kasi totoo.

“Are you better? Ihahatid na kita sa inyo,” alok niya.

“No thanks. I have no plans na makipagclose sa mga gangsters.” Pumikit ako at tinalikuran siya.

“How ironic, given na yung mga kaibigan mo ay gangsters.” Pagdilat ko ay nakatingin siya sa akin at para bang inaaya akong magkwento tungkol sa mga kaibigan ko.

“Wala na akong magagawa do’n. Hindi ko naman alam na gangsters pala sila. Besides, they’re different. Mas friendly at outgoing sila kaysa sa mga iba na ang angas at nagkukunwaring masaya silang mag-isa at nagsusungit,” I replied.

Hindi siya nagsalita. “Say, is becoming one of you dangerous or is it safe?” I asked. Hindi ko alam kung bakit ko ‘yon natanong. Pero my curiosity is killing me.

“Depends. Maraming kinds ang gangsters. Yung mga kaibigan mo? They’re the normal types. Not exactly harmless and not dangerous as well.”

“Eh kayo?”

Natahimik siya. Pagtingin ko ay nagulat ako dahil sa seryoso niyang mukha. “We’re different. We’re not your ordinary gangster. Mas delikado ang ginagawa namin, that even death is a price for our deeds.”

Napakunot ako ng noo. Nawala ang aura niyang makulit kanina, his aura was now screaming ‘deadly!’. And I can feel it. Hindi nga siya isang ordinaryong gangster. May ginagawa siyang mas delikado pa roon. And I didn’t know if I’m going to dig deep for that information.

***

“Mga walanghiya kayo! Hindi ko alam kung kaibigan ko ba kayo o ano!” sigaw ko.

“Welcome back, Heaven,” bati ni Jeymi.

“Mauuna na ako, Heaven,” sabi ni Felix. After nung drama niya kanina, nawala ng isang iglap yung nakakatakot niyang aura at bumalik na siya sa dati.

“Uh, ayaw mo munang pumasok? Salamat sa paghatid sa’kin.”

“It’s nothing. Si Gab naman ang nagrequest no’n,” nakangisi niyang sabi.

“Matthew, wag kang manggulo!” Napatingin ako sa loob ng apartment and automatically, my eyes rolled heavenwards.

“Why the hell is this guy here?!” I shouted.

“Wait, you mean—“ Nanlalaki ang mata ni Felix nang sumilip siya sa loob. And true enough, nando’n nga si Matthew.

“Hey there, babe,” bati ni Matthew at kinindatan ako. I made a face and then flipped him off.

“Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong ni Felix.

“Is it wrong to hang out with pretty ladies?” pa-cool naman na sagot ni Matthew. Inis akong pumasok ng bahay at iniwanan na roon sa pintuan si Felix. Dire-diretso ako sa kwarto and closed it loudly for him to know that he is disturbing me with his presence.

Match Made in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon