Chapter 7

22 5 0
                                    

Margaux

dalawang araw na ang nakalipas simula nung nag dinner kami ni Paul. pangatlong araw na namin dito sa korea at hindi na ko lumabas ng apartment simula nun. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong marinig sa kanya yung mga ganung salita.


he texted me again and trying to call me pero di ko sinasagot. what's the problem? bakit parang di ko macontrol yung sarili ko?


Paul Calling...

ii-ignore ko na sana uli pero napagdesisyonan ko nang sagutin yung tawag niya. hina-hunting ako ng past ko at mas maiging harapin ko na yun.


"thank goodness you answered. come on, mag usap tayo" sabi niya sakin.

"nasan ka? papunta ako ngayon sa nami island. pababa na kong apartment"

"andito ako, sa tapat ng apartment mo" sabi niya kaya nag ayos na ako at bumaba. ayos lang naman siya, ganun pa din.

ginamit namin yung nirent niyang van para makapunta dun. ilang oras din yung byahe pero worth it sa ganda yung mapupuntahan.

"sorry kung na offend kita last time. I didn't mean to bring the past—"

"don't worry about me. okay lang ako at nakalimutan na yung mga ganung bagay. basta, your assumptions are wrong. wala akong kahit anong gusto kay Jackson."

napatingin nalang ako sa labas habang bumabyahe habang inaalala kung sino nga ba ako dati.

Margaux.. Margaux..

yung babaeng walang nakakapansin. yung babaeng tahimik lang sa gilid, nag aaral, at pinagmamasdan ang mga tao.

simple lang ako. hindi agaw pansin ng mga tao dahil sa pananamit ko. I don't know but my world suddenly changed. it turned upside down when I met him.

"hey.. favor naman?" I looked at him na hindi umiimik.

"pwede mo ba ako samahan na magperform mamaya sa p.e? tayong dalawa kasi yung di naka attend e" sabi niya. simula pa nung una, wala na syang ibang hiningi kundi favor.

"sure."

"Thank you! mamaya ha, sa gym? thank you may kasabay na ako. I'm Jackson, by the way"

"I know." sabi ko naman. nakakailang linggo na kami sa college at malamang kilala ko na sila. hindi ko lang pinapansin.

"good. nice to meet you, Margaux" sabi niya at ngumiti.

pagkatapos nun ay naging magkaibigan kami. hindi kami laging nag bo-bonding dahil madami pa siyang ibang kaibigan na babae. yung iba naman ay girlfriend niya. papalit palit na parang damit.

di ko naman siya masisisi, good looking siya, talented, matalino at mabait. pero ako, focus lang sa kung anong gusto ko. ang mag aral.

"alam mo, maganda ka Margaux. konting ayos mo lang e, paniguradong mapapansin ka ng mga tao" sabi niya pa.

"wala akong pakealam. ayoko ring mapansin ako ng mga tao. masaya na ko na ako lang" sagot ko naman.

"hala? pano naman ako? di mo ko isasama?" pabiro niyang tanong. umiling iling nalang ako hanggang sa napahaba nanaman yung kwentuhan.

sabay kaming umuuwi dahil iisa lang yung way namin.

isang araw, dinala niya ko sa bahay nila. nandoon yung pamilya niya at pinakilala ako bilang best friend. nandoon din yung ate niya na mabilis kong nakasundo.

simula non ay nagustuhan ko na sila. lalong lalo na si Jackson. naging pamilya ang turing nila sakin. mga bagay na di ko naramdaman.

nag-ayos ako, gaya ng sabi niya. mula ulo hanggang paa para lang mapansin niya. akala ko.. akala ko mapapansin niya ko kasi ginaya ko na yung mga ginagawa ng tipo niyang babae. mga nililigawan niya.

samantala, yung mga lalaking gustong manligaw sakin ay di ko pinapansin dahil busy ako magpapansin sa isang taong kaibigan lang yung tingin sakin.

kailangan kong mag-aral. kailangan kong mag focus. kailangan kong maging successful, hanggang sa.. mapansin na ko ng taong gusto ko. kailangan siya na yung tumingala sakin.

I will make myself the woman that he wants to be with.

but until now, he doesn't appreciate my efforts. For him, I'm still a friend na gagawin lahat ng hingin niyang favor. ang uto uto niyang bestfriend.

"tama ka, I like jackson since then. no, I love him" sabi ko at napatingin kay Paul kaya nginitian niya ako. sakto namang nakadating na kami sa nami island.

"I know you love him. Hindi mo naman babaguhin sarili mo kung hindi dahil sa kanya eh. Pero alam mo, kahit simple lang pananamit mo, nagustuhan na kita"

sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.. na busy sa pagkuha ng picture.

The Tea of a Single LadyWhere stories live. Discover now