Chapter 2

47 7 2
                                    

Margaux

I woke up before 6am at nag work out for 2 hours. Hindi na 'to bago sakin, lagi naman akong nag wowork-out at nag yo-yoga. Pagkatapos ay nagbreakfast na at naligo. That's my daily routine and my secret to have a healthy life. Kulang na nga lang kunin na akong artista pero syempre hindi pwede dahil masyado na akong madaming ginagawa.

Habang ginagawa ko ang skin care routine, napatingin ako sa phone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag. It's Sam.

"Hello?"

"Hi Margaux, tumawag sa akin si Mr. Ferrer and He said that he have an appointment with you today at Rest house cafe 12pm in the afternoon—"

"Wait, Mr. who?"

"Mr. Ferrer. I don't know who he is. Chineck ko yung schedule mo pero wala namang nakalagay na Mr. Ferrer and dapat mamayang 7pm lang yung schedule mo."

"Sige, ako na bahala. Thank you Sam."

Kaibigan ang turing ko kay Sam kahit na personal assistant ko siya. Sinabi ko na rin na wag niya akong tatawaging ma'am dahil magmumukha lang akong matanda as long as di nawawala yung respeto niya sa akin. 4 years na siyang nagtatrabaho sa akin.

Tinapos ko na ang lahat ng gagawin dito sa bahay ko at umalis na. 10 a.m in the morning ay nakarating na ako sa company ko. Wala naman akong masyadong ginagawa dito. Magchecheck lang ng ginagawa nila, iikot para tingnan kung nagtatrabaho ba sila ng maayos then aalis na. I am the CEO here, I can handle this business without a partner but of course with the help of other employees.

"Margaux, na figure out mo na ba kung sino si Mr. Ferrer?" Sabi ni Sam pagkapasok ko sa office.

"I think he is one of the investors. I can't remember."

"Sige, aayusin ko lang to then sasamahan kita." Sabi niya while fixing the papers na nasa table ko.

"No need, ikaw na muna mag-ayos dito and please, check and read everything. Ayokong magkaroon ng aberya sa business na to and you know that. Hindi na rin ako babalik dito since may schedule ako mamaya. Sumunod ka nalang sa hotel, okay?"

"Noted. Take care" tumango ako at kinuha yung bag ko at umalis. Dumeretso na ako sa cafe na mejo malayo layo sa company building pero malapit sa diamond hotel kaya mas okay. I arrived 15 minutes early kaya nagsulat na ako ng script para mamaya hindi na ako mag-iisip pa at matapos na agad.

"Hey. Kanina kapa?" Napatingin ako sa kaharap ko na nakatayo. He is Mr. Ferrer. Naka casual suit siya at feeling ko magsasayang lang ako ng oras dito.

"Not really, take a seat."

"So, who's your date later? May kasama ka bang pupunta?"

"Psh, what do you think a reunion is? A prom?" I asked at tumingin ulit sa laptop para sana hindi na siya pansinin. I knew it, bakit nga ba ako nagpunta pa dito?

"Come on, Margaux. Kailangan mo ako don para may makausap ka and I know, maiinip at maa-out of place ka dun kung wala kang kasama." Sabi niya sabay tumayo kaya sinundan ko siya ng tingin. Nginitian niya lang ako at umalis para umorder. He knows me really well.

"Here, hot tea, for the lady." Sabi niya sabay abot sa akin.

"Thanks."

"So, sabay nalang tayo? Ayoko din namang magpunta dun ng mag-isa dahil alam kong magpapayabangan lang sila ng mga meron sila." Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. May point, pero may maipagmamayabang din naman siya.

"Bakit, wala ka bang mapagmamayabang? Isa ka sa may pinaka malaking na invest sa company ko. Isa pa, business man ka din naman."

"I don't think that will work? I mean, sinearch ko sila isa isa. Si Lim may apat na anak na at asawa. Si Josh engage na—"

"If you think they will tease you because you're single, then don't go. It's very simple. I gotta go. You're stressing me out."

"Margaux naman, hindi ka ba naaawa sa bestfriend mo? 3 years na nung huli tayong magkita. Kakabalik ko nga lang oh, di mo pa ko pagbibigyan? Margaux please?? Sabay na tayo." Napairap nalang ako sa kanya at tumingin.

"K fine. Pero di tayo magpapanggap. I am single, you're single. nothing more, nothing less." Tumango tango siya na parang tanga kaya nginisian ko nalang siya. Pagkatapos kong gawin yung script ay nagpasama naman siya para bumili ng susuotin niya mamaya.

The Tea of a Single LadyWhere stories live. Discover now