Ikatatlumpu't dalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Pogi mo." Nakangiti niyang sabi. I smiled and she pinched my cheeks, lalo na roon sa kung saan may dimple ako. She's fond of that. I cupped her face and tuck her hair behind her ears. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Napadpad na naman ang tingin ko sa labi niya.

"Ano ba 'yan!" Sabay kaming napalingon ni Jana nang umalingawngaw na naman ang boses ni Zil. Naitulak niya ako kaya napatayo ako ng maayos. Napakamot ako sa batok ko.

"Sige, punta na akong backstage." Paalam ko nang senyasan ni On. I was smiling when I looked at her. Well, I'm always smiling around her. She's my happy pill.

She hugged me again, tightly. I kissed her head.

"Hoy, Eliandra!" Sigaw ni Cax. Bumitaw na ako kay Jana para sumunod na sa kanila. Magpeperform kami ngayon at una kami; hindi lang naman kami ang magpeperform kaya may oras pa para makiparty kami sa mga kaibigan namin.

"You look pretty." Bulong ko sa tenga niya pagkatapos ng performance namin. Ngayon ko lang tuloy siya nasabihan. Ngumuso siya kaya saglit akong napatingin doon pero kinagat ko na lang labi ko.

"Thanks. Alam ko naman." She said and flipped her hair. Ngumisi lang ako at umiling.

"Hoy, ang landi niyo naman!" Pasigaw na sabi ni Amarie at bahagyang sinabunutan si Jana. Galing siya sa loob ng school, habang kami ni Jana ay nakatayo sa pintuan ng building. Tinaasan niya ito ng middle finger.

"Aray ko! Porke't wala ka lang kalandian, eh!" Sigaw niya pa kay Amarie na pumunta na rin kina Zil. I chuckled because of that. She's loud and noisy but that's what I find attractive about her. 'Di ko alam, iba na talaga tama ko sa babaeng 'to.

The lights were blinding. I pushed my glasses up with my index finger. Nilingon ko si Jana nang maramdaman ang titig niya sa'kin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at umubo. Ngumisi lang ako dahil doon.

"Smile!" Ani Zil at tinapat sa'min ang phone niya. She hugged me on the waist while my arm was around her shoulder. We went to them and took a group picture. Mamaya pa ay dj na ang naghahandle sa tugtog kaya sumayaw kami. Sila, I mean. Hindi naman ako sumasayaw.

"Babe, likha na!" Nanlaki ang mata ko nang hilahin ako ni Jana mula sa pagkakasandal sa poste roon sa waiting shed. First, nagulat ako sa babe dahil ngayon niya lang ako tinawag na ganoon. Second, I don't really dance so I'm a little nervous.

"I don't know how to dance!" Pasigaw kong bulong sa kanya dahil sa lakaa ng tugtog. Tumawa siya at umikot sa'kin.

"Just go with the flow of the music!" Sigaw niya at nagsimulang sumayaw at tumalon-talon pa sa harap ko, enjoying the music. I bit my lip when she turned around. It's like my world stopped and she was the only one moving in it in a slow motion. Fuck.

That's when I knew that I already fell too hard.

"Babe?" Tawag ni Jana nang matulala ako sa upuan ko. Walang klase parehong section namin kaya naisipan nilang pumunta. Napaangat ako ng tingin.

"Why?" I said in a soft voice. Kung iba siguro 'to ay baka hindi ko pinansin.

"Wala lang. Tulala ka diyan, eh." Natatawang sambit ni Jana. Umayos ako ng upo at dumekwatro. Nilapit niya ang inuupuan niya sa upuan ko.

"May iniisip lang." Sagot ko at ngumiti sa kanya. I'm thinking about my mom and brothers. They're fighting again because of the girls that my kuyas are bringing home.

"Ano 'yon?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin. She touched my hair and caressed it. Sinuklay-suklay niya iyon kaya bahagyang pumungay ang mata ko.

"My mom and brothers. Again." Bumuntong hininga ako. Tumango siya.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now