IKA-LABING SIYAM NA KABANATA

18 2 0
                                    

Nadagdagan pa ang mga araw na lumipas at ngayon ay nakikita na ang pagka umbok ng tiyan ni teresa.

"Mahal ko"aniya kay Leonardo sakaniya habang nakaunan ito sa kaniyang hita.

"Uhm?"anito

"Kamusta na kaya si manang Nina?nais ko na silang makita"aniya dito habang hinahaplos ang buhok nito.

"Hayaan mo mahal ko,kapag tayo ay hindi na tinutugis ng mga Guwardiya Sibil nang dahil sa maling pag bibintang ni Hermana agad kong ipapa hanap sina manang Nina"anito sakaniya at ngumiti.

Napahawak naman siya sa kaniyang tiyan,"Lumalaki na ang umbok ng aking Tiyan mahal ko,nais konang mabuhay ng payapa,ayoko nang mag tago"aniya dito at dina napigilan pang lumuha.

"Ang liham nga palang ipinadala mo noong isang linggo sa iyong ama ay nakarating na,si Isaac naman ay inihahanda na ang bahay na malilipatan ng iyong ama at ni simon"imporma nito sakaniya.

"Salamat naman kung ganoon labis akong nag aalala sa kalagayan ng aking ama at kapatid,"aniya habang sinusuklay ang bihok ng kaniyang nobyo.

"Teresa?" Anito sakanya.

"Ano iyon?"aniya .

"Pag katapos ng lahat ng ito ika'y papakasalan kona"anito at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Ang isipin nalang muna natin ay kung paano tayo makakapag tago sa mga guwardiya na binayaran ni Hermana upang tugisin tayo"aniya dito.

Noong nakaraang linggo,napag alaman nilang nag bigay si hermana ng napakalaking halaga ng salapi sa mga guwardiyaat sa konseho para palabasin na siya ay isang espiya ng rebelde.

Nakahanap ito ng dahilan dahil nanakawan ng mga sako ng bigas ang mansyon nila señor Franco noong umalis sila ni Leonardo.

Pinalayas din nito sina Manang nina pati na si piyang,wala namang nagawa si señor Franco dahil alam nitong wala siyang laban kay hermana.

Nang mapansin  niyang malalim na ang pag hinga ng kaniyang kasintahan nag baba siya ng tingin at pinag masdan ang guwapo nitong mukha,'ayoko nang mahirapan kapa mahal ko'.aniya sa kaniyang isip habang hinahaplos ang mukha ng binata.

Napahinga siya ng malalim at ginising pansamantala ang binata"Gising mahal ko ika'y lumipat muna sa ating silid upang makapag pahinga ka ng maayos"aniya dito at tinulungang bumangon ang asawa.

Nang makatayo na sila agad itong umakbay sakaniya at sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

Pagka dating sa kuwarto inayos niya muna ang sapin ng kanilang higaan tska pinahiga doon ang kaniyang kasintahan.

Nang makahiga ito kinuha niya ang librong ibinigay sakaniya si Lena kahapon,isang libro kung saan nag lalaman ng ibat ibang salita,ngunit ang madalas niyang pinag tutuunan ay ang wikang Tagalog na isinalin sa wikang espanyol.

Upang sa ganoon ay maintindihan niya ang maaaring sabihin ni hermana sa oras na maisagawa na niya ang kaniyang plano.

Sawa na siyang pag mukhaing Walang alam ng nga taong nakapaligid sakanya kungkaya't labis labis ang kaniyang pag aaral ng wikang kasila.

Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang pag babasa nang may marinig siyang kaluskos mula sa likuran ng bahay kung kaya't dali dali siyang tumayo at pinag masdan muna ang kaniyang kasintahan tska nag patuloy na upang makita kung ano iyon.

Nang makalabas siya nawala na ang kaluskos at wala din naman siyang nakitang kakaiba.

Handa na siyang pimasok nang maramdaman niyang  may matalim na bagay na naka tutok sa kaniyang tagiliran.

"Sumama ka sakin kung ayaw mong hindi mona makita pa ang iyong sinta"anang lalaki sakaniyang likuran.

"A-anong kaylangan mo?"aniya dito.

Hindi naman ito umimik at tinalian ang magkabilang kamay niya mula sa likuran,pag katapos ay nilagyan siya nito ng sako sa ulo upang hindi niya makita ang kanilang daraanan.

Habang nag lalakad siya napansin niyang halos walang ingay ang pag lalakad ng lalaki,kung hindi siya hawak nito,aakalain mong mag isa kalang na nag lalakad sa gitna ng kawalan.

Matapos ang mahabang kakaran napansin niya sa may maliliit na mga butas mula sa sako napansin niyang madilim na.

'Tiyak na hinahanap na ako ng aking sinta'.aniya sakaniyang isip at tumulo na ang kaniyang luha na kanina pa niya pinipigilan dahil sa takot,'makakabalik ako mahal ko'.

Ilang minuto lang ay napansin niyang may mga nag bubulong bulungan na tao.

Nagulat siya nang itulak siya ng lalaki dahilan para madapa siya.

Nang nakadapa na siya tinanggal na nito ang sakong naka takip sa kaniyang ulo.

At doon na tumambad ang paligid na madilim at tanging ang apoy na malaki lamang ang nag bibigay liwanag sa lugar.

Hindi niya masiyadong nakikita ang mga mukha ng tao na nandoon Basta ang alam niya may mga Babae din at bata sa lugar na iyon na nag bubulungan habang nakatingin sakaniya.

"Ang babaeng iyan ay ang sinisinta ng nag iisang pamangkin ni Don Franco!"imporma ng lalaking dumukot sakaniya sa mga kasamahan nito.

"Paano ka nakatitiyak na magagamit natin ang binibining iyan?"anang isang babae.

"Huwag monang pangunahan ang plano ng ating pinuno magda"anang lalaking nag sama sakaniya.

"Ako'y mag tutungo lamang sa kubo ng ating pinuno tiyak na kanina pa nag hihintay iyon"anang lalaking katabi ni magda.

"Sasama ako!"anaman ni magda at tuluyan nang umalis.

Maya maya pay dumating na ang pinuno nila.

Laking gulat niya nang makita ang pinunong tinutukoy ng mga ito.

"Don Leandro?"aniya sa kamukhang kamukha ng ama ni Leonardo.












*****hanggang sa muli*****
Dina Kerry ng aking eyes sowey!

Mi Primer Amorजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें