IKA-LABIN DALAWANG KABANATA

5 2 0
                                    

May ilang munto din sila sa ganoong posisyon ng binata hanggang sa may kumatok sa pinto ng silid na inuukupaan ng señor.

"Doktor leonardo, oras napo para linisin ang inyong sugat" Anang tao galing sa labas.

Ngumiti naman ang señor sakanya at bumulong"Simula ngayon ay akin kana Teresa, akin ka lang"anito at ngumiti ulit, "pasok! " Anito sa babae sa labas ng pinto.

Nang makapasok ang babae agad din siyang lumabas at nag tungo sa likod ng bahay pagamutan.

Napahawak siya sa kanyang mga labi at napangiti.

'Kung panaginip lang ito'y huwag na ninyo ako gisingin'. Aniya at ipinikit ang mata at pilit inaalala ang mga sandaling nakasampa ang labi niya sa mga labi ng señor.

Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pag ala-ala nang biglang may kumalabit sakanya.

Muntikan na siyang mapatalon nang makita ang isang maruming bata sa kaniyang likod.

"Ate pahingi po ng makakain? " Anang bata.

Siya nama'y lumuhid upang magpantay sila ng bata"W-wala akong pag kain ngunit may salapi akong ma-a-ari mong ipambili ng iyong makakain"aniya habang nakangiti.

Napangiti naman ang bata at tumango tango pa.

"Ngunit nasaan ang iyong pamilya? " Puno ng kuryosidad niyang tanong.

"W-wala napo ang aking itay, tanging ang inay nalamang po ang nag tratrabaho kaso masama ang kanyang pakiramdam" Anito sakanya.

"Napainom ninyo naba siya ng mga gamot? " Aniya dito agad namang umiling ang bata.samahan mo ako sa loob ako na ang bibili ng gamot ng iyong ina, may natitira pa naman akong pera"aniya at tumayo.

Magkahawak kamay sila ng bata na pumasok sa pagamutan.

"May gamot po ba kayo para sa trangkaso? " Aniya sa doktor na ngayon ay nakaupo sa tanggapan.

"May pambayad ba kayo? " Anito at tinignan sila ng bata ng parang hinuhusgahan sila dahil sa kanilang hitsura.

"M-may tatlong salapi po ako dito doktor" Aniya.

"Ang tatlong salaping iyan ay kalahati lamang ng iyong bibilin na gamot hija, bakit hindi ninyo nalang pabayaang mamatay kung sino man ang may trangkaso? " Anito sakanila at ngumisi"Ang salaping iyan ay itabi mo nalamang para sa lamay ng may sakit"anito at tumayo.

"P-pakiusap doktor, kailangang magamot ang inay ng batang ito, hindi ko man siya kaano ano'y naaawa parin ako sa kanila, wala na ang ama ng batang ito, at tanging ina nalamang nila ang bumubuhay sakanila, ikaw ba señor kapag nagkasakit ang iyong ina at pareho lang kayo ng estado sa buhay ng batang ito, pagkatapos ay humingi ka ng tulong sa doktor at sinabing hayaan nalang mamatay ang pasyente! Hindi kaba masasaktan?," Aniya at mapakla ng tumawa.

"Ang mga kagaya mo ay dapat nang tanggalin sa serbisyo! Wala kang silbi sa lipunan, marahil nakalagpas ka sa hukuman dito sa lupa ngunit hinding hindi ka maka lalagpas sa hukuman pag dating sa langit" Matapang na saad niya.

Nag angat ng kamay ang doktor at handa na itong sampalin siya nang may nag salita sa likuran nito.

"Subukan mong saktan ang aking nobya ako ang makakalaban mo"walang emosyong saad nito.

" S-señor"aniya ng pabulong.

"Patawad at ngayon lang ako mahal ko" Anito at ngumiti ng malapad.

Tanging ngiti lamang ang kaniyang sinagot sa binata, napa baling naman siya sa batang ngayon ay nakayakap na sakaniya.

"Ano ang iyong pangalan munting bata? " Ani leonardo habang lumuluhod upang mag pantay sila ng bata.

"Totoy po señor" Anang bata at napabaling sakanya."Siya po ba ang iyong sinta binibini?"anito sakanya.

Handa na sana siyang sumagot ng mapansing matalim ang tingin sakanya ng doktor.

"Huwag mong tignan ng ganiyan ang aking sinta kung ayaw mong mawalan ng dalawang mata Juancho" Ani leonardo sa kapwa niya doktor, hindi naman nakatiis ang doktor at agad ding umalis.

"Doktor" Pag agaw ng pansin ng bata sa señor.

"Ano iyon munting binatilyo" Ani leonardo sabay ngiti

"Ma-a-ari po ba namin bilin ng binibini ang gamot pang trangkaso sa halagang tatlong salapi? " Anito at pakita kay leonardo ng salaping hawak niya.

"Para sa iyo munting bata, libre kong ipamamahagi ang gamot" Anito at nag tungo sa isang silid kung saan nakaimbak ang ibang ibang klase ng gamot.

Nang makalabas ang señor agad itong sinalubong ng bata, natawa naman siya dahil sa pananabik ng batang magamot ang ina nito.

"Teka totoy kayo ba'y may pagkain na? " Anang señor at agad namang umiling ang bata.

"Mamayang tanghali pa po ang aming kain ni ina, isang beses lang po kami kumain sa isang araw dahil wala po kami madalas na nagpapalimos" Pag kukuwento ng bata.

"Ano naman ang madalas ninyongkainin? "Siya naman ang nag tanong.

" Tuwing kami po ay nakakarami ng salapi, nakaka limang piraso ng pandesal po kami, kapag po kaunti lang, nag hahati po kami ni ina sa tatlong pandesal"pag kukuwento nito sakanila.

Dahil sa sinabi nito naalala niya noong mga panahon may sakit ang kaniyang ina, buti panga sila ay nakakakain ng dalawa o tatlong beses sa isang araw, ngunit ang batang ito ay isang beses lamang.

"Halika't tayo'y bibili ng inyong makakain"anang señor.

" Ngunit señor hindi pa magaling ang inyong sugat baka mapaano ka"pag pigil niya dito.

"Mahal ko maaari na daw akong makauwi kaya sasamahan na natin ang bata" Anito sakanya.

Napatalon naman ang bata at wala na siyang magawa, bigla nalang siyang napaisip, bakit parang hindi siya apektado sa halik nito kanina? Bakit parang normal lang iyon?...

Natauhan siya nang naramdamang kumapit ang bata sa kanyang kamay, at na kitang nasa gitna nila ito ng señor at ang isang kamay nito ay nakakapit sa kanang kamay ng señor dahil ang kaliwa nito ang may sugat.

"Sana'y ganito din kami ng aking mga magulang! "Masayang saad nito sakanilang dalawa habang patalon talon pa.

" Ako na po ang mag bibitbit niyan señor"aniya sabay kuha ng nakabalot sa manipis na telang mga halamang gamot.

"Tignan mo totoy napaka bait ng iyong ina," Aniya at tumawa pa.

"Alam mo itay bagay na bagay kayo ni ina" Anaman ni totoy ng pabulong ngunit naririnig parin niya ito.

"Aba, naririnig ko ang inyong usapan munting binatilyo" Anaman niya.

Pare-pareho naman silang na tawang tatlo.

'Marahil ay ganito kami kasaya ni leonardo kung sakaling kami man ang magkatuluyan'

Napangiti siya habang Pinag mamasdan ang dalawang tuwang tuwa na nag lalakad sa kalsada.







*****hanggang sa muli*****

Love: X.R13😍💕
Maaga na akong nag update request ni Zierl loves lot💕

Mi Primer AmorWhere stories live. Discover now