IKA-LABING ISANG KABANATA

11 2 0
                                    

"T-teresa" Bulong ng señor habang nasa kalesa sila patungo sa bahay pagamutan.

"Saglit nalang señor, malapit na tayo sa pagamutan" Aniya dito habang yakap-yakap parin ang binata.

Hinawakan naman niya ang kanang kamay nito na nanlalamig na.

"S-señor kapil lang" Aniya dito.

Nang makarating sila sa pagamutan agad namang inasikaso ng mga kapwa doktor nito ang binata na ngayon ay sobrang putla na at nanlalamig ang kamay.

"Paumanhin binibini ngunit dito nalamang ho ninyo hintayin ang doktor na umaasikaso kay doktor leonardo" Anang isa sa mga sumalubong sakanila.

"P-paki usap, gamitin ninyo ang señor" Paki usap niya sa doktor na ngayon ay papasok na sa silid ku g saan naroon ang binata.

"Hindi malubha ang tama niya ngunit maraming dugo na ang nawala sakanya binibini" Anang isang doktor na kalalabas lang ng silid.

Nanlamig naman ang kanyang katawan sa narinig, "n- ngunit magiging maayos naman po ang kalagayan ni leonardo hindi ba? "Tanong niya dito.

"Magiging maayos siya binibini" Anang doktor at ngumiti.

"Salamat po" Aniya at nag pa ulit ulit na lumuhod sa harap ng mga ito.

"Nako! Hindi nararapat lumuhod ang isang napakagandang binibini sa harapan namin, oh siya hija amin nang gagamutin ang iyong nobyo" Anang isang doktor at ngumiti ng malapad.

"N-ngunit—"

"Doktor! Patuloy parin ang pag dudugo kailangan nang naisara ang sugat ng pasyente! " Sigaw ng isang nag a-asikaso sa binata.

Agad namang tumalon ang dalawang doktor.

Siya naman ay napa baling sa mangingisda na ngayon ay nakaupo sa pababang hagdan sa gilid ng bahay pagamutan.

"Manong ma-aari po ba akong humingi ng pabor" Aniya dito.

"Ano ba ang pabor na hihilingin mo hija? " Tanong nito.

"Ma-a-ring po ba kayong mag tungo sa H asyenda Valdez upang ipaalam sa señor Franco na naririto sa pagamutan si señor leonardo? " Aniya dito.

Ngumiti naman ito at tumango nang akmang tatayo na ito pinigilan niya ito upang abutan ng tatlong salapi ngunit umiling ito.

"Mas kakailanganin mo iyan hija" Anito habang nakangiti at tuluyan nangangahulugang ngumiti.

Siya nama'y nag hi tay lang sa labas kung saan matatanaw niya sa labas ang mga anino ng tao mula sa loob ng silid na pinag dalhan sa binata, tiyak na aligaga ang mga tao dito'.

Natandaan niyang pangarap ng kapatid niya na maging kagaya ni señor leonardo na isang magaling na doktor.

Noong bata pa sila nakikita na niyang magaling sa pag pili ng mga halamang gamot ang kapatid niya dahil noong nag kasakit ang kanilang ina ito ang kumukuha ng halamang gamot sa bundok.

Pumanaw ang ina nila dahil sa sakit na pulmonya (pneumonia) labis nilang dinamdam ang pagka wala ng kanilang ina.

Ang tatay niya'y ginugol ang oras sa bukid para lang may maipakain sakanila samantalang siya nama'y napag pasyahang mag lingkod sa pamilyang Valdez kung saan nag trabaho ang kanyang ina.

Maya-maya pa'y dumating na ang kanyang hinihintay.

"S-señor Franco" Hindi na niya napigilang umiyak nang makita ito.

"Anong nangyari sa aking pamangkin?".tanong nito habang nakatingin sakanya.

" N- nakita ko po kaninang may dugo sa kanyang balikat, T-Tama po ng balisong"aniya at nakita niya ang pag kunot ng noo nito.

"Sino naman ang hangal nA gumawa nito sakanya? "Anito habang nag iisip.
"Hindi ko po alam señor, wala po kaming narinig na kaluskos o ingay bago siya nawalan ng malay" Aniya dito at yumuko.
"Kasama kaba niya nang siya'y tamaan ng balisong? " Anito na parang nag dududa.

"Op—"

"Señor Franco narito na pala kayo" Anang medyo batang doktor na kumausap sakanya.

"Kamusta ang aking pamangkin? " Anito sa doktor.

"May manga nawala lang na dugo sakanya ngunit maayos na ang kanyang lagay" Anang doktor.

Nakahinga naman ng malalim ang señor dahil sa sinabi nito.

"Teresa" Anito pag baling sakanya

"S-señor".

" Ikaw muna ang mag bantay sa señor leonardo mo ngayon, aalamin ko kung sino ang may gawa nito sakanya"anito.

"S-sige po señor" Aniya.

Nang marinig ang sagot niya tumango ito at tinapik siya sa balikat, pag katapos ay nag salitan

"Ako'y mauuna na doktor Alvarez" Anito sa doktor na kausap niya lang kanina.

"Mag iingat ka señor franco" Anito sa señor

Iwinagayway naman ng señor ang kanyang sumbrero habang pababa ng hagdan.

Siya nama'y napabaling sa doktor.

"Doktor ma-a-ring na po bang makita ang señor? " Aniya dito.

"Maaari na binibini"anito at ngumiti.

Nang makapasok siya sa silid kung saan pinasok ang señor kanina malinis na ito at wala na ang mga bakas ng dugo at ngayon ay may nakalagay nang tela sa balikat at braso ng señor.

"Kung ma-a-ari lang akuin ang sakit na naramdaman mo dulot ng iyong sugat ay nanaisin kong saakin nalang mapunta ang lahat ng sakit señor"aniya at umupo sa sahig king saan ma-aabot niya ang señor.

Hinawakan niya ang kamay nito at tumulo na ang mga luha niyang pilit niyang tinago kay señor franco kanina.

" Patawarin mo ako señor"aniya at yumuko.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pla siya at nagising nalamang siya nang gisingin siya ng kanang kamay ng doktor na umasikaso sa binata.

Agad naman siyang gumilid dahil mukhang nahihirapan ang babaeng nurse na ayusin ang telang nakapalibot sa braso nito.

Nang matapos itong ayusin ang binata agad din siyang bumalik sa kanyang puwesto kanina.

"Sana bukas ay magising kana señor" Aniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng binata at ihingi niya ang kanyang ulo sakanyang braso kung saan na nakaharap siya sa mukha ng binata.

Habang tinititigan ang binata hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya at nagising nalang siya nang marinig ang mga yabag sa labas ng silid at ang tilaok ng mga manok galing sa labas.

Nang imulat niya ang kanyang mata tulog parin ang señor kaya sinamantala na niyang pa matitigan ang guwapong mukha nito at ang mapulang labi nito.

"Napaka pula ng inyong labi señor, marahil ay napaka sarap sa pakiramdam pag dumampi ang labi ko sa labi mo" Ngiti niya dito at nagawa nalang siya ng mahina dahil sa kanyang sinabi.

"Gising na mahal ko" Aniya dito at inayos ang kumot nito.

"Hindi ko alam na mahal mo rin pala ako te resa" Anito at unti unti nang nag mulat ng mata at ngumiti "kung ganiyan ang aking maririnig tuwing umaga ay GagatAhan talaga akong gumising araw araw" Anito at ngumiti.
"A-anong ibig ninyong sabihin señor" Aniya at ngulat siya ng bigla itong bumangon at hinawakan ang kanyang batok kasabay non ay ang pag dampi ng labi nito sa kanyang labi.





*****hanggang sa muli*****

Love: X.R13

Mi Primer AmorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant