IKA-LABIN WALONG KABANATA

15 2 0
                                    

Halos mag iisang buwan nang namamalagi sina Teresa at Leonardo sa tahanan ng mag asawang Alvares.

Si Teresa ay tumutulong sa mga gawaing bahay samantalang si Leonardo naman ang nag aalaga ng mga tanim na gulay ng mag asawa sa likod ng bahay ng mga ito.

"Mahal"tawag niya kay Leonardo na ngayon ay nag bubungkal ng lupa upang pag tamnan ng buto ng sitaw.

Agad naman itong lumingon sakaniya at ngumiti."kanina kapaba diyan mahal ko?"anito at tumayo.

Ngumiti naman siya at nag lakad papunta dito,inabutan niya ito ng isang basong tubig at tatlong pirasong suman."Ika'y mag miryenda muna mahal ko"aniya at pinunasan ang pawis nito.

Nag tungo sila sa ilalim ng puno ng kalamansi malapit sa bahay upang doon mag pahinga.

Nang makarating doon may naamoy si teresang napakabahong amoy kung kayat siya'y agad na nagtungo sa gilid ng pader upang doon dumuwal.

Naramdaman naman niya ang pag hagod ng kamay ng kaniyang kasintahan sa kaniyang likod.

"P-pasensya na mahal ko,may naamoy lang akong hindi kanais-nais"aniya.

Nakita naman niyang pasimpleng inamoy ng binata ang kaniyang sarili at napakunot ang noo nito"Ngunit wala namang hindi kanais-nais sa aking amoy"anito.

Natawa naman siya at tinuro gamit ng kaniyang nguso ang mga tanim na sibuyas malpit sa kanilang kinalalagyan kanina.

"N-naamoy mo iyon ng ganun kalayo?"anito.

'Naturingan kang doktor mahal ngunit hindi mo manlang mahalata'aniya sa kaniyang isipan at napailing nalang.

Dahil sa inis iniwan niya nalang ito.

Samantalang napakunot naman ang noo ni Leonardo dahil sa kinikilos ng dalaga.

'Kanina lamang ay napaka lambing niya,ngunit ngayon ay napaka sungit naman!'.aniya sa kaniyang isipan.

Napailing nalang siya at kinain ang ibinigay nitong suman sakaniya.

Pagkatapos ay agad din siyang bumalik sa pag tatanim ng gulay.

Mag tatakip silim na nang matapos siya sa kaniyang ginagawa,nang makapasok siya sa loob ng bahay nakita niyang nag buburda ang kaniyang sinta.

Nang mapalingon ito sakaniya inilapag nito ang kaniyang binuburda at inirapan siya sabay alis sa may upuan.

Napakunot nanaman ang kaniyang noo dahil sa inasal nito.

Nang akmang uupo na siya nakita naman niyang papasok ng bahay si Lena kung kayat agad niyang sinalubong ito at hinila papunta sa gilid ng bahay.

"A-ano ba Leonardo"anito at hinugot nito ang kamay nitong kanina niya pa hawak.

"Bakit tila iba ang kinikilos ng aking sinta?"aniya dito.

"Hindi mo alam?"anito at napakunot ang noo.

"Ang alin?"aniya dahil naguguluhan na siya sa kinikilos ng dalaga,kung minsan ay napaka lambing nito sakanya ngunit maya-maya lamang ay mag susungit nanaman ito at hindi nanaman siya papansinin.

"Nako Leonardo hayaan mong siya na ang mag sabi saiyo"ngumiti ito at  nag patuloy na sa paglalakad patungo sa loob ng bahay.

"Ngunit hindi niya ako pinapansin,paano ko malalaman?"aniya at sinundan ang dalaga.

"Naturingan kang doktor dapat alam mo iyan"anito at kinutusan pa siya"Ikaw na mismo ang umalam,doktor ka Leonardo dapat alam mo ang mga senyales na ganiyan"anito at tinuro ang libro ni Isaac na nasa ilalim ng lamesa.

Mi Primer AmorWhere stories live. Discover now