KABANATA 22

4 0 0
                                    

Kabanata 22.



Matagal na din simula nang huli kaming mag kita ng aking kababata, naging usaoan namin ang pagiging mapusok namin ni Leonardo.

"Nasaan na ang ama ng dinadala mo?". Tanong na nagpa tahimik saakin.

Ano bang nararapat kong sabihin?

'Nakalimot'.

'Naroon kasama ang kanyang ama—'

'Pati na ang inaakala niyang kanyang kasintahan'.

Agad kong pinunasan ang lapastangang luha na kanina kopa pinipigilang tumulo, masakit lang isipin na nakalimutan ako ng taong 'mahal ko' kasabay ng sakit na lalaki ang aking anak na hindi nakikilala ang kanyang ama.

Kung hindi lang sana kami naging mapusok hindi ako mahihurapan ng ganito, pero ayos na din hindi naman ako nag iisa may nabubuhay sa loob ng aking tiyan at siya nalamang ang natitura saakin kaya aalagaan ko ang aking anak, hindi maniya makikilala ang ama masisigurado ko namang kaya ko siyang maitaguyod at mapalaki ng maayos kahit na mag isa lang.

'Pitong taon'

"Nardo! Leandra!" tawag ng aking ama sa dalawa kong anak na ngayon ay nag tata-takbo dahil hinahabol sila ng bunso kong kapatid.

"Kayo'y mag tigil na dahil basang basa na kayo ng pawis" Awat naman ni Francis.

Masaya ako na inaalagaan kami nito, hindi lang ito naging mabuting kaibigan para saakin at sa aking ama dahil naging mabuti din siyabg tiyuhin sa aking mga anak.

"Hali na kayo't mag tutungo tayo sa pamilihan upang mabili na natin ang nais mong talasulatan Nardo". Tawag ko dito.

Bata palang si Nardo at mahilig na itong mag sulat madali siyang natuto sa pag tuturo ni Francis dahil nakapag tapos naman ito at naging doktor, samantalang pag aalaga at pag gagamot ang nais ng aking anak na babae mag kaiba sila ng kanyang kuya, naunang lumabas si Nardo ng ilang minuto bago nasundan ni Leandra. Parehong malambing at mapag mahal na bata.

"Inay pupwede po ba tayong kumain sa pansiterya nina Tonyo?". Tanong ni Nardo.

"O…  siya titignan ko kung may matitirang pera". Mahinahon kong sabi dito habang pinupunasan ang pawis.

"Maaari din po bang sumama kayo tiyo?". Baling naman nito kay Francis.

"Anak…" suway ko dito dahil hindi kami maaaring makita na magkasama ni Francis dahil mapag kakamalan kaming mag asawa ng mga taga bayan.

"A-Ayos lang, ako na ang gagastos sa panciterya". Nakangiting anito sa anak ko.

Gusto kong tutulan iyon dahil lagi niyang pinag bibigyan ang gusto ng mga anak ko, halos araw- araw ay nandirito siya upang mag dala ng mga laruang kahoy para sa dalawa, naisip ko tuloy na kung si Leonardo kaya ang nandito ganoon din kaya siya?, napailing ako sa sariling isip matagal ko nang tinanggap na ako nalang at ang mga anak ko ang mag sasama sama.

Malaking kahihiyan ang kapusukang nagawa namin ni señor Leonardo na nag bunga ng dalawang paslit, isang kahihiyan ang manganak ka ng walang asawa dahil ang iisipin ng nakararami ay isa kang babaeng bayaran.

"Tiyo maraming salamat po". Pag papasalamat ni Leandra kay Francis.

"Walang anuman munting binibini". Anito na ikinapula lalo ng mataba nitong pisngi.

"Inay maaari ho ba kaming mag laro ni tonyo?". Ani Nardo.

"Huwag mag papawis ng husto". Bilin nya sa anak, na agad naman tunalimanng takbo upang habulin ang kaibigan.

"Lumalaki na ang mga bata Tere, sadyang napaka bilis ng panahon". Ani Francis.

"Tama ka, parang kailan lang ng ipinanganak ko sila" Malungkot na sagot niya dito.

"Hindi ba nila...ahm...h-hinahanap ang kanilang ama?". Nagbaba ito ng tingin.

"Si Leandra ang lubusang nangungulila sa kaniyang ama, bago matulog at tuwing gigising hinahanap niya ang kanilang ama" naluluhang aniya dahil naaalala ang masayang mukha ng kaniyang anak tuwing nag kukuwento ito na napapanaginipan nito ang ama na kasama nilang magkapatid.

"Hindi mo ba nais na ipakilala sila sa kanilang ama?". Tanong nito na nagpa bilis sa tibok ng kaniyang puso dahil sa kaba, kaba na baka hindi ito tanggapin ni Leonardo, kaba na baka kung ano ang isipin ng ibang tao, kaba na baka... Baka nga totoo na ikinasal na ito sa iba.

"Hindi ko alam, natatakot ako sa pwedeng mangyare kapag nalaman nilang buhay ang kanilang ama".aniya

"Bakit? Ano ba ang madalas mong sabihin sakanila?". Tanong nito.

"Madalas kong sabihin na namatay na ang kanilang ama sa giyera" malungkot siyang ngumiti. "Mas mainam nang iyon ang alam nila kaysa hanapin nila si Leonardo".aniya.

Hindi na nag salita pa si Francis kaya naman tinignan niya ito, nakita niya itong gulat na gulat na nakatingala sa kaniyang likuran kaya naman sinundan niya ito.

"L-Leonardo!". Napatayo siya sa gulat nang makita kung sino ito.

"Bakit?, Bakit inilihim mo Teresa?". Mag kahalong sakit at galit ang nakita niya sa mata nito.

"Ina! Si nardo po nadapa!" Sigaw ng matinis na boses ng kanyang anak.

Agad siyang tumalima upang tignan ang lagay ng anak na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kalsada.

"Nardo!". Tawag niya dito.

"Inay!". Natatawa pang tawag nito.

"Ano kabang bata ka bakit hindi ka nag iingat? Tatawa tawa kapa riyan na parang hindi ka nasasaktan". Sermon niya dito.

"Hindi naman po talaga ako nasaktan inay". Anito sabay halik sakaniyang pisngi.

"Oh, siya tayo'y aalis na—".

"Hindi mo ba ako ipapakilala sakanila?". Anang baritonong boses sakaniya na nag pakababsa buong pagkatao niya.

"Inay, tignan ninyo ang bigay ni señor kaparehas po ng kuwintas na nakatago sa ilalim ng ating higaan". Masahang sabi ng kaniyang anak na nakatingin sa kuwintas na bakasuot dito.

"Saan mo nakuha iyan Leandra?". Tanong niya.

"Inay bakit po pala magka tunog kami ng pangalan ng señor?", Sinagot niya ng tanong ang tanong ng ina.

Napatingin siya nakangiting si Leonardo.

"Anak gumagabi na kaylangan na nating umuwi".  Aniya sabay hila sa dalawa.

"Ngunit inay alas-tres palang po ng hapon, may may dalawang oras pa ho tayo bago mag takipsilim". Ani Nardo, bakit nya ba kinalimutan na matatalino ang kaniyang anak.

"Tama". Sang ayon ni Leonardo na sinamaan niya ng tingin.

"Uuwi na tayo".aniya

"Saglit lang inay, bakit po kahawig namin ni nardo ang señor? Siya ho ba ang ama namin?". Tanong ni Leandra.

"Hindi ba't sinabi ko nang patay na ang inyong ama? Namatay siya sa giyera, at kung nabubuhay man yon may sarili na siyang pamilya hindi na niya tayo kaylangan, bakit, hindi ba sapat ang nanay?". Tanong niya dito.

"Inay pasensiya na po, lubos na nangungulila lamang po ako sa aming ama", hingi nito ng tawad.

"Hindi natin siya kaylangan". Sagot ni Nardo na ikinatigil niya.

"Anak—".

"Kung buhay si Ama, malamang kasama na niya ang kaniyang pamilya". Anito.

"Hindi kuya—".

"Kung buhay sya bakit hindi niya tayo hinanap? Kung buhay siya at matino ang pag iisip hindi niya iiwan ang inay, isa lang ang ibigsabihin non". Anito at nag taas ng tingin kay Leonardo." Wala kang kuwentang ama". Anito at nag lakad na patungo sa kalesa na ginamit namin.

"Ama". Naluluhang ani Leandra sabay takbo kasunod sa kuya niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mi Primer AmorWhere stories live. Discover now