Lately, napapansin kong umiiwas na si Hazelle sa akin. Oo, wala namang bago dun dahil dati palang iwas na siya sa akin. Pero kasi, para bang mas lalong dumoble yun.

Kapag nanghihiram ako ng mga notes o assignments sa kanya ay wala ng salisalita at ibibigay na niya sa akin iyon.

Minsan, nakikita ko pa rin ang pagiging kabado niya sa tuwing lalapit ako sa kanya pero minsan nalang yun. Madalas na kapag nanghihiram ako, babaling lang siya saglit sa akin tapos kakausapin na niya ulit si Paolo.

The truth is, these past few weeks, lumalapit nalang ako sa kanya para magpapansin. Pero mukang wala ng epekto sa kanya ang mga ginagawa ko. Isa pa, hindi na rin ako makasingit dahil laging nandiyan si Paolo. Parang hindi na niya ako napapansin. Parang wala na lang ako sa kanya.

Hindi kaya may bago na siyang gusto? May bago na siyang mahal?

Naalala ko nung tinanong ako ni Paolo kung nagseselos ba daw ako sa kanya. At nung sinabi niyang balak niyang ligawan si Hazelle.

Kung alam lang niya! Kung alam lang niya na gustong gusto ko siyang bigwasan at suntukin nung sinabi niya yun!

Kasi… Oo, inaamin ko… Nagseselos nga ako.

“Ay naku ang kuleeeeet kulit mo talaga, Zelle.” Nakita kong papasok na ulit ng room sina Hazelle at Paolo. Kinikiliti ni Paolo si Hazelle sa tagiliran nito.

“Tse ka Paolo! Tigilan mo nga yan! WAAAAAAAAAH! Wag kasi!!!” halos hindi mapigilang matawa ni Hazelle. Hinaharang niya ang kamay niya kay Paolo.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may gusto na si Hazelle kay Paolo. Kaya ba parang wala nalang ako sa kanya?

Masaya siya kay Paolo. Eh sa akin ba sumaya siya?

Kahit matagal ko nang alam ang nararamdaman niya para sa akin ay hindi ko pinansin yun. Sa halip ay pinapakita ko sa kanya na wala siyang mapapala kung ako ang mamahalin niya.

Kaya ba ibinabaling na niya ang atensyon niya sa iba? Dahil narealize na niya na hindi ko susuklian ang pagmamahal niya?

Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko.

Gusto kong maibalik ang dati… Kung hindi na nga niya ako gusto, ibabalik ko yun.

Sana lang ay hindi pa huli ang lahat.

---

< HAZELLE AGONCILLO >

Kanina ko pa iniintay si Paolo. Ang tagal tagal niyang dumating. Bibili lang ng tubig sa canteen, ang bagal bagal pa.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Место, где живут истории. Откройте их для себя